Lauren's POV:
Kinabukasan pag kagising ko, nakaramdam ako ng gutom. Pero ayokong kumain, wala ata akong gana. Kaya nag ayos nalang ako, mas mabuti ng maging maaga kesa ma late nanaman ako.
Pag karating ko sa school, sa lahat ng taong gusto kong iwasan. Ay sya rin ang taong nakasabay ko pa sa pag pasok.
"Good morning Lauren..." nakangiting bati nito sakin.
"Good morning din Ariane..." nginitian ko nalang din sya. Ayoko naman mag mukhang snob kahit papano.
"Nag breakfast kana ba?" tanong nito.
"Uhhm Oo tapos na." I lied.
"Favor naman oh, pwede mo ba akong samahan sa canteen mag breakfast?" she smiled sweetly.
"Uhhhm kasi..." gusto ko talagang hindian ang offer nya. Balak ko kasi talagang iwasan sya, ayokong makipag close sa kanya. Delikado kapag nakita nanaman kami ni Denise na mag kasama. Baka mas lalo lang akong kulitin nun.
"Please Lauren, please..." nakakainis, talagang meron syang something na hindi ko mahindian.
"Haaaish! Sige na nga." tanging sagot ko.
"Yeay!" natutuwang sabi nito.
Ang cute.
Pumasok na kami sa canteen, wala talaga akong planong kumain. Sasamahan ko lang sya, di kasi talaga ako nagugutom.
"Anong gusto mo? Libre ko..." saad nito.
"Nag breakfast na ko sa bahay ee... sasamahan lang talaga kita."
"Ang panget naman nun, kakain ako tapos ikaw hindi. Wala kasi akong gana kapag walang kasabay kumain, kaya sige na pleaase..."
"Okay, ako na mag oorder ng para sakin..." tanging sagot ko.
"Nope! tell me dahil ako mag babayad, its my treat remember?"
Grabe! kailan ba ko makakahindi sa babaeng to.
"Kahit ano nalang..." tanging sagot ko. Di naman kasi ako maarte sa pag kain ee.
"Okay... sabi mo eh." nakangisi nitong tugon.
Nakaupo lang ako dito habang inaantay matapos mag order si Ariane... Maya-maya lang ay dumating ito at may dalang isang malaking tray na puno ng pag kain. Literal na nanlaki ang mga mata ko sa dami ng inorder nya... May dalawang slice ng Chocolate cake, spaghetti, carbonara, pizza, garlic chicken at madami pa.
"K-kaya mo bang ubusin lahat ng yan?!" di makapaniwalang tanong ko.
"Correction! Uubusin nating dalawa to..." pag tatama nya sakin.
Jusko naman! halos isang plato nga lang ng spaghetti ee di ko na maubos?! tapos andami nya pang inorder.
Wala sa sariling nasapo ko ang noo ko.
"Hayaan mo na, ngayon nga lang kita nilibre andami mo pang sinasabi..." nakapout nitong sabi.
"Morning. You too must be really hungry huh?" saad ng taong nasa likod ko.
Sa boses palang nya alam ko na kung sino sya, Nilingon ko ito, para maka siguro at di naman ako nag kamali! Si Miss President.
Na ngayon ay seryosong nakatingin sakin. Di ko alam pero bakit sobra-sobra ang kaba ko, marahil na rin siguro sa intimidating nyang awra.
"Good morning ate... halika, sabay na tayong mag breakfast." paanyaya ni Ariane sa kapatid.
Umupo naman ito sa tabi ni Ariane, na ngayon ay nasa harap ko. Mas lalo lang tuloy akong naging uncomfortable na kaharap ang dalawang mag kapatid. Tignan ko lang kung magiging komportable pa ang sino mang nasa harap ng dalawang dyosang ito.
Magkamukhang mag kamukha talaga silang dalawa, kung pag bobotohan kung sino ang mas maganda. Tiyak na mahihirapan kang mamili sa dalawa.Yun nga lang mas hindi ako makatingin ng diretsyo dito sa Ate ni Ariane, ibang iba kasi ang dating nya.
Tititigan ka kasi nya ng wala man lang kahit anong emosyon. Marahil na rin siguro sa pagiging president nito, hindi rin kasi ito palangiti. Yung tipong kunting pagkakamali mo lang, ay magagalit na ito. While si Ariane naman ee super friendly halos lahat ata dito sa school ay nginingitian nya. Napansin ko ring may pagka clingy ito. Kaya di ka makakaramdam ng pag kailang kapag kasama mo to, yun din siguro ang dahilan kung bat di ako nakakaramdam ng hiya sa kanya.
"Yes? may dumi ba ko sa mukha?" saad nito na ikinapitlag ko.
"A-ahmm wala po." sagot ko.
Dahilan upang tumawa ng mahina si Ariane.
"Your so cute Lauren... di naman halatang takot ka kay ate no?" natatawang saad nito.
"H-hindi naman..." pag dedeny ko.
"Do I look scary?" inis na tanong ni Ms. President.
"N-no. Ang ganda mo lang kasi..." wala sa sariling sagot ko.
"H-huh?!" nagtatakang tanong nito. And late ko lang narealize kung ano ang sinabi ko.
"W-What I mean, ang g-ganda nyo kasi. Nakakainggit." palusot ko nalang pero totoo pa rin naman ang sinabi ko.
"Well thank you Lauren, maganda ka rin naman ahh kaya wala kang dapat ika inggit. Nanghihinayang nga ako sayo ee..." saad ni Ariane, na ipinag taka ko naman.
Napatingin rin ang kapatid nya sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"Nuuuh! Nevermind, tara kain na tayo..." saad ni Ariane.
Nacurious tuloy ako sa kung anong sasabihin nya...
"Matagal naba kayo ng boyfriend mo?" bigla ay tanong ni President.
Sabay pa kaming napatingin sa kanya ni Ariane.
"Ahhm Medyo, mag iisang taon na next month..." sagot ko. Nag tataka ako kung bat nya naitanong iyon.
Mamaya pa ay nag ring na ang bell ng school, hudyat iyon na mag sisimula na ang first period ng klase. Buti nalang at naubos na namin ang lahat ng pagkain.
"Ate papasok na kami, tara na Lauren..."paalam nito sa kapatid nya sabay hila sa kamay ko.
"Ms. President mauna na kami."paalam ko dito. Tumango lang ito bilang ganti.
Nagmadali na kaming pumasok sa klase, parang ikinagulat pa ata ng lahat na sabay kaming pumasok ni Ariane. At tingin ko ang mas nakaagaw talaga ng atensyon nila ay ang kamay ni Ariane na nakakapit parin sa braso ko.
Damn! Ayoko ng ganitong klaseng atensyon.
Bahagya kong tinapik ang kamay ni Ariane, mukhang nakuha nya naman ang gusto ko. Kaya mabilis nya itong tinanggal.
Why does she have to be clingy kasi, masyado pa namang nega ang mga tao dito.
"Your not comfortable, are you?" Ariane suddenly asked.
"Hmm. Ayoko lang ng issue." sagot ko.
"Don't worry they will never think that way. They all know that I'm straight." she sweetly smile.
Huh?! Di naman yun ang iniisip ko ahh. Never kong inisip na baka isipin nilang may something sa amin?
Di ko napigilang wag mapangiti dahil sa naisip nya.
"Adik! Hindi yun ang iniisip ko..." natatawang sabi ko.
Bahagya naman itong namula.
Ang cute...
"Eh ano ba kasi ang issue na tinutukoy mo?" she pouted.
I smiled before answering.
"Alam mo malabo rin yang iniisip mo, kasi never nilang iisipin na pwedeng mag karon ng something sa ating dalawa." Sabi ko.
"Bakit naman?" tanong nito.
"Tatlong rason, una : langit ka lupa ako, pangalawa: babae ka, babae ako, pangatlo: may nobyo ka meron din ako." Sagot ko.
"Pwede naman maging tayo ah kahit na babae ako at babae ka." Mahinang sagot nito.
Napanganga ako sa sinabi nya.
Maya-maya lang ay napakurap-kurap sya, late nya na rin siguromg na realize ang sinabi nya.
"I-I mean, pwede namang mag mahalan ang dalawang babae diba?" sagot nya ng di naka tingin sa mata ko.
So I started teasing her more.
"Bakit? Gusto mo ba maging tayo?" I asked. Pero syempre inaasar ko lang sya, nakakatuwa kasi sya kapag namumula pati kasi ilong nya ay namumula rin.
Literal na nanlaki ang mga mata nya dahil sa sinabi ko at mas lalo lang namula ang mukha nya.
"Haha! Ang cute mong bata ka."
Sinimangutan nya lang ako.
"Hahaha. Okay ganito kasi yun, yung issue na tinutukoy ko... baka kasi isipin nilang nakipag kaibigan ako sayo kasi may kailangan, or isipin nilang mang gagamit ako ganun, yun ang iniiwasan ko."
"Alam mo, you don't really have to care if what they might think about you. Just live life, di naman sila ang bumubuhay sayo diba? So bakit mo pa iisipin ang iniisip nila?" seryosong sabi nito.
Lumapit sya sakin at hinawakan nya ang kamay ko.
"And to tell you honestly, I wanna get close to you. I want to know you more." She seriously said.
Napatingin ako ng diretsyo sa mga mata nya, kasabay nun ang pag kabog ng dibdib ko. Marahil na rin siguro dahil ito ang unang beses na may nag sabi sakin nun. I find it sweet, really.