Chapter 5

1876 Words
Lauren's POV: Nakaupo ako sa isang bench at nakatingala sa langit. Takip silim kasi tsaka mukha pa atang uulan. "Hi." saad ng isang pamilyar na boses. At iisa lang ang kilala kong may ganung klase ng boses, yung madalas cold kung mag salita. Walang iba kundi si Ms. President. Bahagya pa akong napanganga dahil sa ganda nitong taglay, bagay sa kanya ang suot nya ngayon. At mas lalong lumabas ang ganda ng hubog ng kanyang katawan, pwedeng pwede maging model. Pasimple itong tumikhim, na nag pabalik sakin sa katinuan. Nakakahiya! "I said... Hi!" she repeated. Nasilayan ko gumuhit na smirk sa mga labi nya. Pero saglit lamang iyon. "H-Hi..." sagot ko. Ano ba Lauren? Kailangan talagang mautal? "What are you doing here alone?" she seriously asked. "Uhhm. Nag papahangin lang." sagot ko at pilit na ngumiti. Bat kasi kailangan pa nya akong kausapin, ewan ko ba pero sa twing nasa palagid sya. Parang di ako mapakali. "Can I sit beside you?" "S-sure you can, Ms. President." "Stop calling me that way..." she said. "Uhhmm. Okay..." Ano ba kasi kailangan nya? "You might be wondering why I'm talking to you right now." Luuh! Nag ma-mind reading ba sya? Di ako sumagot, inaantay ko lang ang mga sunod nyang sasabihin. "Yes, you saved my sister Ariane. At di ako mangingialam sa friendship na binubuo nyo, pero can you do me a favor..." Napatingin ako sa kanya. "Don't you dare try to use her or take advantage on her kindness." It's not a favor, It's more like a threat to me. Di ako makapaniwala sa naririnig ko mula dito. Yun yung plano ng boyfriend ko pero ayokong gawin tapos ngayon para nya kong inaakusahan. Nakakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi nya. "Ms. President, I don't really know what your talking about. Pero para klaro sayo wala rin akong intensyong gamitin ang kapatid mo." seryoso kong sabi. Oo, naiintimidate ako sa kanya pero iba kasi ang dating sakin ng sinabi nya ngayon nakakapang init ng ulo. "Well... thats good to hear." Saad nito saka tumayo. "Thank you for your time." Tinignan ko na lamang sya papalayo. Nanggagalaiti ako sa inis ngayon. Oo na ang ganda nya at napaka sexy pero napaka judgemental nya naman. Maya-maya ay may biglang kumalabit sa left shoulder ko kaya nilingon ko ito, pero pag lingon ko... Saktong tumama ang halik nya sa gilid ng labi ko. Parehas nanlaki ang mga mata namin ni Ariane. "Grabe ka naman kasi kung lumingon!!!" reklamo nito. "Wow! So kasalanan ko pa?" "K-kasi muntik mo ng kunin ang first kiss ko..." naka pout nyang sabi. Ano raw first kiss nya? Sa ganda nyang yan wala pa syang first kiss? Di bat may boyfriend naman sya? "Luuuh! ako pa talaga ang may kasalanan?" muli ay tanong ko. "Eh sa cheeks lang naman kasi dapat ako hahalik." tugon nito na halos di makatingin ng diretsyo. "Dapat ako nga ang magalit kasi ninanakawan mo ako ng halik..." giit ko naman. Ewan ko ba, imbes na mainis I find her cute pa... "Wala ka pang first kiss? Kala ko may boy friend ka?" dugtong ko. "Wala pa, gusto ko kasi ibigay to sa taong sigurado akong mahal ko." sagot nito na medyo namumula ang mga pisnge. "Hmm naku muntik mo ng maibigay sakin, ang kulit mo kasi..." pang aasar ko dito. Sinamaan nya lang ako ng tingin, at pasimpleng kinagat ang kanyang lower lip. "Nasan nga pala ang boyfriend mo?" bigla ay tanong nito. "Di ko kasi sya nakikitang kasama mo eh." dugtong nya pa. "Ewan ko dun." kibit balikat kong sagot. "Ayy. Parang di lang boyfriend ah?" I sighed. Mas mabuti na rin na di kami mag kasama, mangungulit lang yun. "May itatanong ako," saad nya. "Masakit ba yung una?" Parang alam ko kung ano ang tinutukoy nya, pero di lang ako sigurado kung tama. "Una? Unang ano?" tanong ko. "Ehh yung unang ano..." sagot nito. Lihim akong napangiti, mukhang tama nga ako. Nahihiya kasi syang sabihin ito, so malamang yun talaga ang tinutukoy nya. "Ano nga? Ano ka ng Ano... Anuhin kita dyan ee." Nanlaki ang mata nya tsaka napatingin sakin, halos mamatay naman ako kakatawa. "Ang bastos mo mag isip, napag hahalataan ka." tatawa tawa kong sambit. "Panong di yun ang iisipin ko, ee yun ang topic natin." nakasimangot nyang sagot. "Pano ko naman malalaman na yun ang topic natin ee di mo naman kasi kinukompleto..." "Eh sa di ko kayang sabihin ee..." nakayuko nitong sagoy. "Unang karanasan sa s*x ba ang tinutukoy mo?" I said smirking. Tumango lang ito bilang sagot. "Well...." pag uumpisa ko. "Oo, masakit sa umpisa pero nagiging masarap naman katagalan..." sagot ko kahit ang totoo wala naman talaga akong karanasan. "Gusto mo... subukan?" I seductively asked while biting my lower lip. Sinamaan ako nito ng tingin tsaka malakas na hinampas ang balikat ko. "Aray ko naman!" reklamo ko sabay himas sa braso kong nahampas. Di sya umimik, so I poke her cheeks... "Oyy sorry na..." I poke her again, pero this time hinawakan nya ang daliri ko tsaka ito kinagat. "Araaay!" daing ko. "Hmmp! Dyan kana nga..." sabi nya at biglang nag walk out. Yung babaeng yun talaga napaka pikon. Haaaish! Sinundan ko sya, na ngayon ay papunta ata sa comfort room. "Ariane, sandali..." sabi ko ng makitang nasa harap na sya ng pinto ng comfort room. Pag bukas nya ng pinto, tumambad sa amin ang dalawang studyanteng babae na nag hahalikan. Para kaming natuklaw ng ahas dahil sa aming nakita, first time ko kasing makakita ng dalawang babaeng nag hahalakin. Palagay ko ee ganun rin ang kasama ko. Ng matauhan, hinila ko na papalayo si Ariane. Sumunod lang din ito sa akin. "Ang awkward no?" sambit ko ng tumigil kami sa pag lalakad. Di sya sumagot bagkos ay tinignan nya lang ako, maya-maya pa ay dumako ang tingin nya sa labi ko. Medyo naiilang ako sa ginagawa nyang pag kakatitig sa mga labi ko, kaya wala sa sariling napalunok ako. Tumikhim ako ng di ko na makayanan ang ginagawa nya, at mukha naman syang natauhan ng dahil dun. "Ahmm S-Sorry. I think I have to go." saad nito saka umalis. Anong problema nun? Ariane's POV: Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at na i-imagine kong halikan si Lauren. Shit! s**t! s**t! I can't stop myself from cursing every time na sumasagi sa isip ko yun. Bat ko pa kasi nakita yung dalawang babaeng nag hahalikan sa loob ng banyo. At bakit ba kasi si Lauren ang unang pumasok sa isip ko?! Kasalanan nya rin to ee panay kasi pang aasar nya sakin. Nakakainis! Lalabas na sana ako ng building para umuwi ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ayy! bat ngayon pa umulan wala pa naman akong dalang payong. Napag pasyahan kong patigilin muna ang ulan bago mag lakad papunta sa parking lot, low battery na rin kasi ang phone ko kaya di ko matawagan si Tatay Daniel para sana sunduin ako sa harap ng building. Yung ibang mga students ay pauwi na, may mga kanya kanya rin kasi silang dalang payong. May mga iilan namang studyante na niyayaya ako na sumukob nalang sa payong nila. Pero ayoko maging burden pa sa kanila, kaya inaayawan ko ito. Medyo naiinip na ko kakaantay na tumila ang ulan, masakit na rin ang mga paa ko kakatayo. "Ariane, sumabay kana sakin..." biglang sulpot ng isang lalaking hindi ko naman kilala. "Ahh, hindi na ayos lang naman ako." nakangiti kong tanggi dito. "Please... I insist." sabay pag papa cute nito. "Hindi na, may sundo naman ako ee kaya okay lang." saad ko dito. Yung totoo medyo nakakaramdam na ko ng inis. Di naman kasi all the time mabait ako, tao lang rin naman ako. "Sige ka, di ako aalis dito kung di ka sasama." muli pay pag pupumilit nito. Gosh! Kunti nalang mapupuno na ko. "Ariane, sorry ha? kung natagalan ako so tara na?" bigla ay sulpot ni Lauren na may dalang payong. Wala akong ideya sa mga pinag sasabi nito, kaya tinignan ko sya ng makahulugan. Agad naman akong nitong kinindatan. At mukhang nakuha ko na ang gusto nyang iparating. "Ahh o-okay lang, tara..." sagot ko. Agad akong kumapit sa braso ni Lauren. "Mauna na kami sayo." paalam pa ni Lauren sa lalaking kanina lang ay nangungulit sakin. Mababakas ang inis sa mukha ng lalaki, pero ganun pa man ay nginitian ko pa rin ito. Binuksan ni Lauren ang payong na dala nya, sumukob rin ako dito habang nakakapit parin sa braso nya. "Yung totoo, san ba tayo pupunta?" bigla ay tanong ni Lauren. Tinignan ko sya at nag kasalubong ang mga tingin namin. At parang mga baliw na biglang nag tawanan. "Sa parking lot nalang tayo." sagot ko. Buti nalang talaga at dumating tong si Lauren. Napapansin kong laging sya ang Savior ko everytime na may mga emergencies na nangyayari sakin. Palihim ko syang tinignan. Yung totoo? Superhero ba sya? Lihim akong napangiti dahil sa naisip ko. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa parking lot, agad namang lumabas ng kotse si Tatay Daniel na may dalang payong at pinag buksan kami ng pinto. Sumakay na ko agad para di masyadong mabasa ng ulan. "Tara na Lauren, sumabay kana samin." aya ko dito. Nakatayo lang kasi sya ngayon sa gilid ng kotse. "Naku! Wag na, may dadaanan pa kasi ako." sagot nito. Papayag na sana ako sa gusto nya, ng mapansin ko ang damit nya na basang basa ang kaliwang bahagi. Kaya pala parang hindi man lang ako nabasa. Nakokonsensya tuloy ako sa loob loob ko. Tsk! Nakaputi pa naman sya. I immediately grab Lauren's wrist at marahan syang pinapasok sa kotse. Mag rereact pa sana sya, pero agad ko itong sinamaan ng tingin. Kaya wala rin syang nagawa kundi ang sumunod sakin. Itiniklop nya ang kanyang payong, at agad rin iyong kinuha ni Tatay Daniel para ilagay sa compartment. "Ayoko sana dahil baka mabasa lang ang loob ng sasakyan mo." nahihiya nitong bulong. "I don't care, it's my fault anyways." tugon ko, habang abala sa pag kakalkal ng bag ko. Hinahanap ko kasi ang panyo ko at yung extra t-shirt na dala ko. "Pasaway ka." bigla ay sambit ko. "At bat naman ako naging pasaway?" balik tanong nito. "May dala ka ngang payong pero mas inisip mo naman ang kapakanan ng iba kesa sa sarili mo." sermon ko dito. Tahimik lang ito, at di na sumagot pa. Ng mahanap ko ang panyo at T-Shirt ay agad akong humarap sa kanya. "Mag bihis ka baka sipunin ka..." sabi ko dito. Tinanggap nya naman ito, pero napatingin sa driver's seat. Saka ko lang na gets na nag aalangan syang mag bihis dahil nasa harap pala si Tatay. "Ahmm Tay, pwede ka po bang lumabas saglit? mag bibihis lang tong maganda kong kaibigan." pakiusap ko dito. Ngumiti lang si Tatay Daniel. Mabait ito at pinag kakatiwalaan namin, binata palang ito eh driver na sya ni Dad kaya tiwalang tiwala si Dad dito. Ng makalabas na si Tatay ay agad akong lumapit ako sa kanya para punasan ang mukha nya. "Ako na..." nahihiyang sambit nito. Di ko sya pinansin at pinag patuloy lang ang ginagawa ko. Pinunasan ko sya sa mukha, tapos sa leeg, di ko sinasadyang mapatingin sa may bandang dibdib nya na ngayon ay bakat na bakat na dahil sa nabasa nyang damit. Ewan ko pero napalunok ako dahil sa aking nakita. Teka! Bat ba ko apektado eh sanay naman akong makakita ng katawan ng babae, lalo na sa mga friends ko. Haaaish! Baka dahil di kami ganun ka close talaga ni Lauren. Agad ko nalamang binawi ang tingin ko, at ibinigay na sa kanya ang panyo. "Oh, ikaw na magpatuloy." sabi ko. Di na ko makatingin sa kanya ng direstyo, kaya itinuon ko nalang ang atensyon ko sa phone. Ng mapansin ng peripheral vision ko na nag bibihis na sya, tumingin ako sa labas ng bintana. Nadi-distract kasi ako. Damn! What is happening to me?! "Bukas ko nalang to, ibabalik ha?" sabi nya after nyang mag bihis. "Anytime you like." sagot ko at pilit na ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD