Chapter 7: The Mysterious Shadow

2301 Words

*Joanna’s POV* Pagkatapos naming basahin ang nasa pahina ng diary ng ninuno nila Tita Violet ay sinarado ko na ang libro at ipinatong na muna ito sa coffee table sa gitna ng mga sofang kinauupuan namin, hindi ko pa rin kasi maintindihan. Anong connect nung pinabasa niya samin sa tanong nila Andrea? “Tita, pasensya na po pero parang hindi naman po nito nasagot ang tanong namin,” sabi ni Andrea na inagreehan naman naming lima. Napabuntong hininga si Tita Violet at seryosong tumingin samin. “Nakalimutan niyo na ba ang pangyayaring nasaksihan ng dating prinsesa na si Minsethia kasama ang kanyang iniibig na bampirang si Herodes?” Tanong ni tita samin kaya agad ko namang inalala ang mga nabasa ko kanina at dun ko na alala ang tungkol sa batang aero na iniligtas ng dating Prinsesa ng niyebe.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD