Chapter 6: Diary Part II

2107 Words
*Minsethia's POV* Nagpatuloy pa rin ang selebrasyon ng aking kaarawan. Habang nag hihintay kami ng hating gabi ay isinama ako nila ama at ina na maglibot libot para personal na bisitahin at kausapin ang mga bisitang dumalo sa okasyon ngayon pero hindi naman ako masyadong nakikipag usap sa kanila, tanging sila lamang ni ama at ina ang sumasagot sa mga tanong ng mga bisita tungkol sa mga kaganapan sa kaharian, sumasagot lamang ako kapag kaya kong sagutin ang mga tanong nila katulad na lamang ng kung ilang taon na ba ako ngayon. Ngayon ay naglalakad naman kami papunta sa lamesang inilaan para sa hari at reyna ng Portia, kasama nila ang kanilang mga anak, tatlo sa mga ito ay prinsipe at apat naman sa mga ito ay mga prinsesa. Nang mapansin nilang papalapit kami sa kanila ay agad silang tumayo at nagbigay pugay, “Mahal na hari, Mahal na reyna, Mahal na prinsesa,” sabay sabay na sabi nila at yumuko. Naunang tumayo ng tuwid ang hari at sumunod naman ang kanyang reyna at ang kanilang mga anak. “Maraming salamat po sa imbitasyong inyong ipinadala sa aming pamilya, haring Fiendo,” magalang na pag papasalamat ng hari ng Portia. “Ikinagagalak ko na nakarating kayong lahat haring Peter,” masayang bati din ni ama sa kanya. “Mahal na prinsesa, maligayang kaarawan,” bati ng mga anak nila sakin kaya nginitian ko na lang sila at sinabing, “Salamat.” Tuloy tuloy lamang sila sa pag uusap hanggang sa dumating na ang hating gabi, ang unang hating gabi na may kabilugan ng buwan sa taong ito. “Sige, mamaya na lamang tayo ulit mag usap at may kailangan pa kaming ianunsyo,” nakangiting paalam ni ama sa hari ng Portia. “Kung iyon ang iyong nais, mahal na hari,” pag payag naman ng hari at nakipagkamay na sila sa isa’t isa at nag lakad na kaming tatlo pabalik sa trono ni ama, kung saan katabi nito ang mga upuan para sa amin ni ina. Iaanunsyo? Ano naman yun? Pagkarating sa aming upuan ay agad na akong naupo, nakakapagod ang mag ikot ikot dito at tumayo lang habang silang lahat ay nag uusap ng mga bagay bagay na wala naman akong ideya, dapat talaga hindi na ako dumalo pa sa selebrasyong ito. Habang nakaupo ako rito sa aking upuan ay pinapanuod ko lamang ang mga nilalang na nandito hanggang sa makita ko ang isang kabalyero na umkyat sa harap ng trono ni ama. "Makinig ang lahat sa sasabihin ng haring Fiendo!" Sigaw ng kabalyero at tumahimik nga ang paligid. Tumayo na rin si ama sa gitna ng kanyang trono at itinaas ang kanyang mga kamay na para bang sinasamba ang bilog na buwan sa kalangitan. "Dumating na ang unang hating gabi na may kabilugan ng buwan sa taong ito at alam nating lahat na sa oras na tumongtong na sa ika dalawamput lima na taon ang prinsesa ng kaharian ay ang oras din ng pagpili ng Luna sa kanyang magiging kabiyak at katuwang sa buhay at sa pamumuno sa kahariang ito," sabi ni ama na ikinagulat ko. Kabiyak? Teka bakit hindi ko alam ang tungkol dito? Naituro ba ito sa akin ni ina? Mukhang kailangan ko na nga makinig ng mabuti sa kanyang mga leksyon. "Minsithia, tumayo ka rito sa gitna," utos ni ama sa akin pero umiling ako sa kanya senyales na ayoko pero nakatingin lang siya sakin ng seryoso kaya wala na akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya. Tumayo ako mula sa pag kakaupo sa aking upuan at naglakad na ako sa gitna tsaka tumayo rito, inilibot ko ang paningin ko at nakita si Herodes na nakatayo sa tabi ng bintana, sa likuran ng kanyang ama, ngumiti ako sa kanya at ganun din naman ang ginawa niya sakin. "Oras na," biglang sambit ni ama kaya napatingin ako sa kanya at nakita siyang nakatingin sa itaas kaya napatingin din ako dito. Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang anino ng buwan na unti-unting lumiliwanag hanggang sa tuluyan na nga nitong nabalot ng liwanag ang silid na ito, sa sobrang liwanag nito ay hindi ko mapigilang ipikit ang aking mga mata at gamitin ang kaliwang kamay ko para takpan ang mga mata ko. Hindi rin naman nagtagal ay nawala na ang liwanag kaya idinilat ko na ang mga mata ko, ibinaba ko na rin ang kamay ko pero may napansin ako ditong kulay puti na sinulid. "Ano ito?" Tanong ko. "Sundan mo 'yan Minsithia, dadalhin ka niyan sa iyong kabiyak na itinadhana ng mahal na Luna," sagot ni ina sa aking katanungan habang nasa tabi naman niya si ama na tumango lang sa akin. Tinignan kong muli ang puting sinulid sa aking kaliwang kamay at para bang hinihila ako nito papunta sa kung saan kaya sinundan ko ito. Bumaba ako mula sa trono ni ama at naglakad papunta sa mga bisitang dumalo ng aking kaarawan. Habang naglalakad ako ay napansin ko kung saan ito patungo, sa bintanang kinatatayuan ni Herodes kaya hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Habang palapit ako ng palapit sa kinaroroonan niya ay mas lumalakas ang kabog ng aking dibdib pero pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad hanggang sa makarating na nga ako sa may bintana. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang lalaking matangkad at matipuno, may mga mapupungay siyang mata at itim ang kanyang buhok, gwapo siya, pero hindi siya yung bampirang inaasahan kong makikita ko pag-angat ng ulo ko. Hindi siya si Herodes. Napalingon ako kay Herodes na nakatayo lamang sa kaliwa ng lalaking kaharap ko ngayon. Bakit hindi siya? "Salamat kay Luna at natagpuan na ng prinsesa ang kanyang mapapangasawa" rinig kong sabi ni ina kaya napatingin ako sa kanila. Nakikita ko sa mga mukha nila ang kasiyahan, ganun na din ang iba pang mga bisita maliban sakin at kay Herodes na walang ano mang ekspresyon ang makikita sa kaniyang mukha. "Mahal na prinsesa, napakalaking karangalan sa akin ang maging kabiyak mo," sabi ng lalaki sa harapan ko na ngayon ay nakaluhod na at nakayuko ang ulo. Inabot niya ang aking kanang kamay at hinalikan ang likod ng aking palad. Teka... ayoko...ayoko sa'yo...si Herodes, siya na lang, pakiusap Luna, siya na lamang. "Minsethia, halikayong dalawa dito sa gitna," sabi ni ama kaya tumayo na ang lalaki at nagsimula na maglakad papunta sa kanila ni ama at dahil hawak-hawak niya ang aking kamay, ay napasunod na lamang ako sa kanya pero muli kong nilingon si Herodes ngunit wala na siya sa pwesto niya kanina. Saan siya nagpunta? Pagdating sa gitna ay nakangiting binati ni ina ang lalaki sa tabi ko, nagbigay pugay din naman ang lalaki sa kanila. "Minsethia, ayos ka lang ba? Mukhang hindi ka yata masaya sa pinili ng Luna para sa iyo," bulong ni ina sakin. "Ina...bakit hindi siya?" Malungkot na tanong ko kay ina at naramdaman ko na lamang ang mga namumuong luha sa aking mga mata. Napabuntong hininga naman si ina, "Ganun talaga anak, ang Luna ang magpapasya ng iyong kapalaran," sabi ni ina sakin at pinunasan ang ilang butil ng luhang pumatak mula saking mga mata. Nagpatuloy sila sa selebrasyon at pinagusapan na rin nila ang pag-iisang dibdib namin ng lalaking ito pero hindi ako nakikinig sa kanila, wala akong gana. "Ina, nais ko po munang magpahangin sa labas," pag papaalam ko kay ina kaya napatingin naman siya kay ama na kausap ang mga magulang ng lalaking bampirang pinili ni Luna para sakin. Ibinalik ni ina ang tingin niya sakin at ngumiti, "Sige basta mag-iingat ka ha at bumalik ka rito bago pa mag umaga," bilin ni ina, tumango na lamang ako sa kanya at naglakad na palabas. Tuloy-tuloy lang akong naglalakad hanggang sa mapunta ako sa kung saan kami nag uusap kanina ni Herodes. Walang ibang nilalang na nandito kundi ako lamang kaya hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko at inilabas na ang mga luhang kanina pa nagbabadyang mahulog mula sa mga mata ko. Tumingala ako at nakita ko ang malaking bilog na buwan, “Bakit hindi ikaw?" Naitanong ko na lamang saking sarili at muling pinunasan ang aking mga mata. "Dahil yun ang desisyon ng Luna," narinig ko ang boses ni Herodes sa aking likuran kaya agad akong napalingon sa kanya at napansing nakatingin lang siya sakin ng seryoso. "Hindi na ba talaga mababago ang desisyon ng Luna?" Mahinang tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot sa halip ay tumingala siya sa kalangitan kaya ganun din ang ginawa ko, nakita ko na naman ang ganda ng buwan ngayon. "Napakaganda talaga ni Luna," bulong ko. "Nakalimutan ko," sabi ni Herodes kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi ko pa pala napapakita sayo ang mas magandang lugar para makita ng malapitan si Luna," sabi ni Herodes na nakatingin na sakin ngayon at inilahad ang kanyang kanang kamay na agad ko namang kinuha. Nagsimula siyang tumakbo at sumusunod lamang ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, alam kong mali ito at hindi ito magugustuhan ni ina, lalong lalo na ni ama, pero gusto ko ‘tong nangyayari ngayon, gusto kong makasama si Herodes. Tuloy lang kami sa pag takbo at ngayon ay napapansin ko na paakyat kami ng isang bundok na punong puno ng niyebe kaya malamig ang paligid, hanggang sa makarating kami sa isang bangin at dito ay huminto na kami sa pagtakbo. "Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya at tumingin sa paligid namin. "High mountain ang tawag nila sa bundok na ito," sagot niya sa tanong ko, naglakad siya palapit sa bangin at tumingala ulit kaya naglakad ako sa tabi niya at tumingin muli sa kalangitan. Tama nga siya, mas malapit at mas maganda tignan si Luna dito. "Ang ganda, sobrang ganda," hindi ko mapigilan ang pagkamangha sa gandang taglay ni Luna, kahit pa sabihing medyo may tampo ako sa kanya dahil hindi si Herodes ang napili niya bilang kabiyak ko, hindi ko pa rin magawang tuluyang magalit sa kanya, paano mo nga ba kaiinisan ang isang napakaganda at napaka mahiwagang nilalang? Habang naka tingin sa kalangitan at kay Luna ay muli na namang namuo ang mga luha saking mga mata, naalala ko na naman kasi ang naging desisyon ni Luna. Tumingin ako kay Herodes at tinanong siya, “Herodes, maari bang ikaw na la~" "Hindi maaaring suwayin ang desisyon ni Luna, yan ang batas nating mga bampira at alam mo yung bilang isang prinsesa," malamig na sagot niya sa tanong kong hindi man lamang niya hinayaang matapos. "Pero," pag tutol ko sana kaso muli ay hindi niya ko pinatapos. "Sundin mo na lamang ang utos ng Luna, Minsethia, para sa ikabubuti mo at ng iyong kaharian," sabi niya at tumalikod na tsaka nag simula na maglakad papasok sa gubat. "Pero ikaw ang gusto ko! Ikaw ang nais kong maging kabiyak ko!" Sigaw ko sa kanya na nagpatigil sa kanyang paglalakad. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa kanyang harapan. "Umalis tayo. Isama mo ko sa inyong kaharian," sabi ko sa kanya at hinawakan siya sa kanyang mga kamay. "Hindi magandang ideya yang naisip mo Minsethia, hindi maaaring mawala ang tagapagmana ng kahariang ito," sagot niya sakin habang umiiling iling. "Wala akong pakialam! Hindi ko susundin ang utos ng Luna. Gusto kong sundin ang utos ng puso ko, Herodes ikaw ang gusto ko!" Pasigaw kong sabi sa kanya at mahigpit na hinahawakan ang mga kamay niya. "Nahihibang ka na ba? Kakakilala mo pa lamang sakin, hindi totoo yang nararamdaman mo," seryosong sabi niya at naglakad na naman palayo. "Herodes! Huminto ka! Sabing hinto! Sundin mo ang utos ko!" Sigaw ko sa kanya at huminto naman siya agad. "Humarap ka sakin," seryosong utos kong muli sa kanya na ginawa naman niya. "Wala ka ba talagang nararamdaman para sakin?" Tanong ko sa kanya ng makahakbang ako palapit sa kanya habang pinipigilan ang luha kong pumatak sa aking pisngi. "Wala," matigas at malamig niyang sagot na mas lalo pang nagdulot sakin ng sakit. "Kung ganun," hindi ko na mapigilan ang mga luha ko na tuloy-tuloy na sa pagtulo. "Kung ganun, ito na ang huli nating pagkikita at pag-uusap," seryosong saad ko sa kanya at tumango naman siya pero bago pa man siya makapaglakad palayo muli ay hinila ko siya sa kaniyang batok at inilapat ang labi ko sa labi niya. Kahit ito man lang ay maibigay ko sa'yo. Tinapos ko na ang halik at tumakbo na pabalik ng palasyo. Sana lang hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo. Pagbalik ko sa palasyo ay tapos na silang mag-usap at sinabi na nila sakin na sa susunod na kabilugan ng buwan na magaganap ang kasal. Mukhang ito na talaga ang kapalarang tatahakin ko. Paalam, Herodes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD