Chapter 5: Diary Part I

2128 Words
*Flashback* Ika-apat ng Hulyo, taong 1616 *Lola ng lola ni Violet's POV* Ika-25 kong kaarawan ngayon at may malaking handaan sa palasyo ngayon pero di ako interesado sa mga nilalang na nandito, puro mga pekeng ngiti at pagbati ang pinapakita nila. Mga nilalang na gustong makuha ang suporta at kagustuhan ng Royal family. Nakakainis sila, akala mo kung sinong mga anghel kapag nakaharap sa pamilya ko pero sa likod pala ng kabaitan nila eh sinisiraan din nila kami. Tumayo ako mula sa pagkaka upo ko sa aking kama at nagtungo sa bintana upang silipin ang nakahileryang mga karwahe sa labas ng palasyo. Isa isang humihinto ang mga karwahe upang mag baba ng mga maharlika o mayayamang mga nilalang na nasasakupan ng aming kaharian o ng mga bisitang galing pa sa ibang kaharian na inimbitahan nila ama at ina. “Ang dami naman nila,” nasambit ko na lamang habang pinagmamasdan ang mga karwaheng nakapila pa para ibaba ang mga sakay nito. Sinarado ko na muli ang aking bintana at muling bumalik sa pagkaka upo sa kama ko. “Bakit ba kasi kailangan pang magkaroon ng ganitong klaseng selebrasyon?” Naitanong ko na lang sa sarili ko. Nahiga na lamang akong muli saking kama at naghintay na lumipas ang oras. Ayokong dumalo sa selebrasyon, kahit na para sakin pa ito. Habang nag mumuni-muni ako rito ay may biglang kumatok sa pinto ng silid ko. “Bakit?” Sigaw sa kung sino mang kumatok sa pinto. "Prinsesa Minsethia, ipinapatawag po kayo ng hari at reyna, nais nilang batiin mo ng personal ang mga bisitang dumalo sa selebrasyong ng iyong kaarawan," sabi ng katulong sa kabilang parte ng pinto. "Hindi ba pwedeng sila na lamang ang kumausap dun!?" Sigaw ko pabalik. "Pasensya na prinsesa ngunit hindi po iyon maaari, napakaimportante po ng mga nilalang na dumalo sa iyong kaarawan. Pakiusap bumaba na po kayo prinsesa, baka magalit pa po ang mahal na hari," sagot nito. "Haays...sige bababa na ko," napipilitang sabi ko na lang at tumayo na, hindi ko naman maaaring suwayin si ama dahil baka mamaya eh mapagalitan na naman ako at tuluyan na ngang hindi makalabas ng palasyo o ng silid ko. Mabuti na lamang at nakasuot na naman na ko ng damit at sandalyas na, base sa sinabi ni ina, ay bagay sa okasyon ngayon. Binuksan ko na ang pinto at nakita ko ang taga silbi na nakayukong nakatayo sa gilid ng pinto pero dire diretsong naglakad lang ako papunta sa hagdanan at bumaba na. Habang naglalakad ako pababa ay napansin kong nakatingin lahat ng mga bisita sakin pero di ko sila pinansin at walang emosyong naglakad papunta sa tabi ng mga magulang ko, sa itaas ng maliit na entablado. Pagkarating ko sa harapan ay nagsiyukuan naman ang lahat ng mga bisitang nandito at inanunsyo na nga ni Ama ang opisyal na pagsisimula ng selebrasyon. Nagsimula na tumugtog at kumanta ang mga sirena sa gilid kaya nagsimula na rin ang sayawan, meron ding ibang bisita na dumiretso sa lamesang pinagpapatungan ng mga handa at putaheng ipinaluto mismo ni ina, may mga bata ring maharlika na dumalo dito kaya may mga batang nagtatakbuhan at naghahabulan dito sa loob. Mukhang masaya naman silang lahat. At siyempre, may mga pamilyang lumalapit sa amin at pormal na pinapakilala ang kanilang mga anak na lalaki, akala naman nila eh magugustuhan sila ni ama para maging kabiyak ko. Hindi ko rin naman sila pinapansin kahit na batiin pa nila ko, halata kasi sa kanila na napipilitan lamang sila. Lahat sila ay ganoon maliban na lang sa isang lalaking bampira, ngayon ko lamang siya nakita kaya sigurado akong galing siya sa ibang kaharian. Tinititigan ko lamang siya hanggang sa makalapit na sila ng may katandaang lalaki na kasama niya sa amin. "Mahal na haring Fiendo, mahal na reynang Milty, prinsesa Minsethia, ipinakikilala ko po ang aking nag-iisang anak at tagapag-mana, si Herodes," pagpapakilala ng isang lalaking nasa singkwenta na ang edad at yumuko agad, maliban na lamang sa anak niya na parang walang pake sa paligid niya. "Herodes! Yumuko ka at galangin ang hari at reyna, pati na rin ang prinsesa!" Saway ng ama niya rito at napansin ko ang pag kunot ng noo niya pero yumuko pa rin ngunit sa pag-angat ng ulo niya ay agad itong tumalikod at naglakad palayo. "Patawarin niyo po ang inasal ng aking anak kamahalan. Ayaw niya po kasi talagang mag tungo rito ngunit pinilit ko lamang siya. Tatanggapin ko po ang kaparusahang inyong ibibigay," nanginginig na sabi ng matanda na sa ngayon ay nakaluhod na at nakayuko sa sahig pero natawa na lamang si ama at ina kaya napalingon naman ako sa kanila. "Ayos lamang iyon, mukhang napilitan nga lamang siyang pumunta rito, hayaan mo na. Ang mabuti pa ay si Minsethia na lamang ang kumausap sa kanya," sabi ni ama na ikinagulat ko naman. "Ha? Bakit ko naman po yun gagawin ama?" Tanong ko kay ama sa hindi makapaniwalang boses. "Dahil sinabi ko," matigas niyang sabi kaya wala na kong nagawa at sinundan ang tinahak na daan nung lalaking anak nung matanda na si Herodes. Habang naglalakad ako ay ay nadadaanan ko ang ilang grupo ng mga bampira at nilalang na nag kukumpol kumpol para mag usap tungkol sa kanilang nasasakupan at mga binebentang produkto, isa rin yang rason kung bakit sila dumalo sa kaarawan ko. Meron ding mga sumusubok na kausapin ako pero dire-diretso lang akong naglalakad at walang pinapansin sa kanila ni isa. Nang nasa may hardin na ako ay agad ko namang nakita si Herodes na nakatayo lang sa may damuhan habang nakatingala sa langit. Lumapit ako sa kanya at tinawag siya ng nasa may likuran niya na ‘ko. "Hoy, tawag ka ng ama mo," direktang singhal ko sa kanya pero di man lang siya lumingon sakin. "Aba’t! Talaga bang wala kang respeto? Baka nakakalimutan mong nakatungtong ka sa kaharian ko, at pwedeng-pwede kitang ipakaladkad palabas," sabi ko sa kanya sa inis na tono. "Edi gawin mo," sabi niya na mas ikinainis ko kaya lumipat ako sa harapan niya at sisigawan na sana siya ng mapansin ko ang isang malungkot na ekspresyon sa mukha niya, lalo na sa mga mata niya. "A-Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya pero di na naman siya sumagot imbes ay iba ang sinabi niya. "Ano kayang pakiramdam kapag wala kang responsibilidad?" Tanong niya na ikinagulat ko. "B-bakit mo naman naitanong yan?" Tanong ko sa kanya. "Sigurado ako na yun din ang tanong mo, diba ikaw rin ang tagapagmana?" Tanong niya at tumingin na nga sakin. "Oo," malungkot na sagot ko sa kanya at napayuko na lang. Tama kasi siya. Ako ang tagapagmana ng trono kaya sobrang dami ng mga responsibilidad na kailangan kong gampanan at isa na dun ang makapag-asawa ng isang prinsipe. "Kaya ba ayaw mong pumunta dito kasi ayaw mo sa mga responsibilidad ng pagiging tagapagmana?" Tanong ko sa kanya pero tumingin lang siya ulit sa buwan. "Parang ganun na nga,” sagot niya. "Alam mo, ikaw pa lang yung bisitang nakita ko na hindi plastik," sabi ko sa kanya kaya napatingin naman siya sakin ng nakakunot ang noo. "Ang ibig kong sabihin eh yung nilalang na pinapakita talaga yung tunay niyang ugali, yung kung ayaw niya, ayaw niya talaga, hindi yung ayaw na nga niya pinipilit niya pa rin ang sarili niya para lang maging mabait at maayos sa mata ng iba," sabi ko sa kanya at tumingin rin sa buwan. A-Ang ganda nito "Ganun ba lahat ng bisita niyo?" Tanong niya. "Oo, maliban lang sayo," sabi ko naman sa kanya habang nakatingin pa rin sa buwan. "Kaya pala di mo sila pinapansin," sabi niya. "Ikaw rin kaya, di mo rin sila pinapansin," sabi ko rin sa kanya. "Haha oo nga naman,” sagot niya na natatawa. Nabalot kami ng katahimikan at pareho na lamang nakatingala sa buwan ng bigla niyang basagin ang tahimik na kapaligiran. "Gusto mo pa bang pumasok sa loob?" Tanong niya. "Ayoko. Mas maganda dito eh, kitang kita ko yung buwan," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa buwan. "May alam akong lugar kung saan kitang-kita talaga yung buwan at mga bituin," sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. "Talaga? Saan naman yun?" Masayang tanong ko sa kanya. "Doon oh," sagot niya at tinuro ang isang bangin na medyo may kalayuan dito pero kaya pa rin namang puntahan gamit ang bilis naming mga bampira sa pagtakbo. "Tara mag tungo tayo roon," sabi ko sa kanya ng nakangiti at nagsimula nang tumakbo. Naramdaman ko rin namang tumatakbo na rin siya kasabay ko. "Ganyan ka lang ba kabagal tumakbo?" Tanong niya sakin ng nakangisi at may mapanghamong toni. "Aba't! Hinahamon mo ba ko?" Tanong ko rin sa kanya ng nakangisi. "Parang ganun na nga," sabi niya at binilisan ang pagtakbo kaya binilisan ko na rin ang pag takbo ko. Medyo nauna na siya sakin kasi sobrang bilis niya talaga tumakbo kaya medyo nainis naman ako dun at hindi ko napigilan ang pag nguso. Tsk! Sige na! Ikaw na mabilis tumakbo. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo ko hanggang sa nakita ko siyang huminto at nakatayo lang sa may mga medyo nagtataasang mga d**o, siguro hanggang bewang ko na ito. Napangisi naman ako dahil sa ginawa niya. Mauunahan na kita Nung makakalagpas na sana ako sa kanya ay bigla niya kong hinila pabalik at tinakpan ang bibig ko kaya nag pumiglas naman ako pero mas malakas siya kesa sakin kaya hindi ko magawang makawala sa hawak niya. "Hmmm!" Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ako makasigaw dahil sa pagtakip niya sa bibig ko. "Shh, tignan mo," bulong niya sa tenga ko at tinanggal na ang pagkakatakip sa bibig ko saka tinuro ang mga nilalang na nakasuot ng balabal, papalapit sila sa isang batang lalaki na nanginginig sa takot. Kailangan ko siyang iligtas! Lalapit na sana ako para tulungan ito ngunit may nauna nang sumigaw kesa sakin. "Hoy!" Sigaw ng isang babae sa kanan namin kaya napalingon naman kami ni Herodes doon at nakita ang isang babaeng may puti na may halong asul na mahabang buhok, may suot siyang mahabang balabal at nakapaa lamang siya. Hinila naman ako pababa ni Herodes at tuluyan na nga kaming naitago ng mga may kataasang mga d**o rito. Lumapit yung mga nilalang na nakasuot ng balabal sa babae, di ko alam ang gagawin ko, natatakot ako at nilalamig. Dahil ba sa gabi na kaya ako nilalamig? Sabay-sabay na inatake ng mga nakasuot ng balabal na nilalang yung babae kaya napasigaw naman ako pero buti na lang at agad natakpan ni Herodes ang bibig ko kaya hindi nila ako napansin. Pareho kaming takot na takot at naguguluhan na nanunuod sa pangyayari pero pareho rin kaming nagulat ng biglang maglabas ng isang espadang gawa sa yelo ang babae mula lamang sa kanyang kanang palad. P-paano niya nagawa yun? Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanuod ang babae na unti-unting pinapatay ang mga naka-balabal na nilalang, alam kong di mahihina ang mga nilalang na yun kasi ramdam ko rin ang malakas nilang kapangyarihan pero yung babae...a-ang presensya niya...iba..kakaiba...h-hindi ko masukat ang lakas niya. Hindi rin nagtagal ay tuluyan na ngang natalo ng babae ang lahat ng mga nilalang na naka-balabal, lahat ng 'to ay nakahandusay na sa lupa at di rin nag tagal ay unti-unting nagiging abo. Mga bampira! Tinitigan ko ng mabuti ang babae pero nagulat ako ng biglang magtama ang mga tingin namin. Nanginginig ako sa takot at lamig ng mga mata niya. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, nakakatakot siya, sobrang nakakatakot. "Ate," rinig kong sabi ng isang batang lalaki at nakita kong napatingin ang babae sa kanya at agad naman itong lumuhod para mapantayan ang bata. "Umuwi ka na," malamig na pagkakasabi ng babae na nagpatayo ng mga balahibo ko. Kahit boses niya ay sobrang lamig din. "Salamat po ate. Sa susunod po ako naman ang magliligtas sa'yo, pangako yan," sabi ng bata at unti-unting naging puti ang kanyang kulay hanggang sa nawala na nga ito sa paningin ko pero nararamdaman ko pa rin ito sa hangin. Hangin? Huwag mong sabihing i-isang aero ang batang yun? "Tara na, kailangan na nating bumalik. Delikado na dito," pabulong na sabi ni Herodes at hinila na ko paalis sa lugar na yun, mabilis kaming tumatakbo, mas mabilis pa kesa sa kanina, pero lumingon muna ako sa kinatatayuan ng babae kanina at nakitang wala na siya doon. Pagkarating sa palasyo ay pinagsabihan kami nila ama dahil bigla bigla na lamang daw kaming nawala sa palasyo, lalo na ako, pero di ko siya masyadong pinakinggan dahil hindi talaga maalis sa isip ko ang nakita naming pangyayari kanina. Yung babae...kaya niyang gumawa ng espadang gawa sa yelo...ang malamig niyang boses...ang itsura niya...at higit sa lahat...ang mga mata niya... posible nga... Posible ngang siya ang Prinsesa ng yelo at niyebe..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD