*Joanna’s POV*
Nang makalabas na kami ni Jason sa kwarto ay tuloy tuloy lang siya sa pag lalakad, medyo nauuna na nga siya kesa sakin eh.
“Jason, sandali lang naman, nagmamadali ka naman masyado eh,” reklamo ko sa kanya kaya napalingon naman siya at binagalan na ang paglalakad pero nauuna pa din siya.
Sa totoo lang ay nagdadalawang isip ako kung tama ba na isama ko siya sa kwarto ni tita Violet, gusto ko sana kasing kausapin si tita Violet tungkol sa nakita ko kanina sa salamin, yung tungkol sa mata ko, baka kasi may alam siya sa kung bakit or paano nangyari yun at ayoko na problemahin pa ni Jason ang tungkol dun, madami na nga siyang kailangan asikasuhin bilang hari, dadagdag pa ba ‘ko.
“Uhm...Jason?” Tawag ko sa asawa ko.
“Yes?” Sagot naman niya nang hindi lumilingon sa akin at nakita ko ang mga kamay niya na nilagay niya sa bulsa niya habang tuloy pa rin sa paglalakad.
“Uhm, siguro ako na lang ang pupunta kay tita Violet, baka kasi may kailangan ka pang gawin eh,” sabi ko sa kanya, totoo naman kasi na baka may gagawin pa siya.
“Nah, it’s okay, mamaya ko na lamang gagawin yung mga kailangan gawin,” sagot naman niya.
“Ikaw lang yung haring kilala ko na tamad,” reklamo ko sa kanya.
“Hindi naman, kailangan ko lang talagang unahin ang kapakanan ng aking reyna,” sagot niya.
“Hindi ba dapat eh unahin mo ang kapakanan ng nasasakupan mo?” Tanong ko sa kanya at natawa lang siya.
Anong nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman ah.
“Sige na Jason, ako na lang ang pupunta sa kay tita Violet,” sabi ko, “Or mag papasama na lang ako sa kanila Andrea,” dagdag ko pa para hindi na siya mag alala pa.
“I’m your husband so I should be the one to accompany you,” seryosong sabi ni Jason at pansin ko na medyo naiinis na siya pero kasi ayoko na madagdagan pa ang poproblemahin niya.
“Pero baka kasi~” hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng bigla siyang tumigil sa paglalakad at lumingon sakin.
“Are you hiding something from me?” Tanong niya na ikinabigla ko.
Sh*t. Hindi naman sa tinatago ko sa kanya ‘to pero ayoko lang talaga na makadagdag pa sa iisipin niya.
“Wala naman akong tinatago sa’yo, ang akin lang eh, bilang reyna at asawa mo, ayokong makasagabal sa mga obligasyon mo bilang hari,” saad ko na ginantihan niya lang ng ngiti.
“Don’t worry, you will never be a nuisance or hindrance to me,” nakangiting sabi niya kaya di ko rin napigilan ang pag ngiti ko.
“Thank you,” sagot ko sa kanya at niyakap siya.
“M-Mahal na hari, pasensya na po sa istorbo ngunit pinapapunta ka po ng dating reyna sa kanyang silid,” biglang sulpot na lamang ng isang bampirang taga-silbi sa palasyo.
“Tsk,” narinig ko namang reklamo ni Jason kaya natawa na lang ako.
“Haha sige na, pumunta ka na dun, ako na lang ang pupunta kay tita Violet,” sabi ko sa kanya at tinulak tulak siya para makapunta na siya sa kung nasaan man si mom.
“Alright, alright! You don’t have to push me away,” reklamo niya kaya natawa lang ako
“But before I leave, I’ll give you this,” sabi niya at lumapit muli sakin tsaka hinalikan ako sa labi ng mabilis lang pagkatapos ay umalis na nga.
“Abnormal talaga,” natatawang sabi ko na lang habang umiiling iling.
Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad papunta sa kwarto ni tita Violet pero bago pa man ako dun makarating ay pumunta muna ako sa project room namin, titignan ko lang kung nandoon ba sila ni Andrea, gusto ko kasing samahan nila ko papunta kay tita Violet, hindi naman sa natatakot ako kay tita pero sa tingin ko kasi kailangan ding malaman ng mga best friend ko ang nangyari sakin kanina, baka kasi mangyari din ‘to sa kanila eh.
Pagkarating sa harap ng elevator ay agad ko na pinindot ang button na down at agad naman itong nagbukas kaya pumasok na ko at hinintay na lang na magsara ang pinto ng elevator.
Habang nasa loob ng elevator ay kitang kita ko ang reflection ko sa makinis na pinto nito kaya inayos ko na lang muna ang buhok ko pero may iba akong napansin dito.
Ba’t parang namumuti ‘tong dulo ng buhok ko?
Kumuha ako ng ilang hibla ng buhok ko at tinignan ang namumuting dulo ng buhok, lahat ng buhok ko eh merong mga namumuti-muti na para bang nalagyan ng chalk or pinturang puti.
“Ano ‘to?” Tanong ko sa sarili ko. Sinubukan ko ring tanggalin ang mga puti puti pero ayaw talaga matanggal.
“Saan galing ‘to?” Nagtatakhang tanong ko sa sarili ko at muling tinignan ang reflection ko sa pinto pero imbes na nagtatakhang mukha ang makita ko ay isang nakangising mukha ko ang nakikita ko dito, pero imposible kasi hindi naman ako nakangisi.
“Hahaha t*nga ka talaga,” narinig kong sabi ng elemento ng yelo at doon ko lang napagtanto kung kaninong repleksyon ang nakita ko, hindi yun ang reflection ko, sa elemento ng niyebe iyon.
“Magaling! Nahulaan mo” sabi nito at tumawa ng tumawa.
“Put*ng*na ka talaga! Tumahimik ka diyan at huwag mo na kong guguluhin!” Saway ko dito
“Uhh Jo? Sino kaaway mo diyan?” Nagulat ako ng bigla ko na lang marinig ang boses ni Andrea.
“Dre?” Tanong ko sa kanya na nakatayo sa harap ng nakabukas na palang elevator. Nakita ko siyang tumingin sa loob ng elevator at sumilip-silip pa.
“Sinong kaaway mo?” Tanong niya ulit.
“Huh? Ah wala, wala,” sagot ko na lang sa kanya at lumabas na ng elevator.
“Kasama mo ba sila ni Catliya?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad palapit sa bar counter, ramdam ko naman ang presensiya niyang sumusunod sakin.
“Oo nandun sila oh nagsasanay,” sagot ni Andrea at tinuro sila ni Catliya, Rhoda, Eryell at Neca na nagpapractice sa firing range.
“Okay na ba pakiramdam mo?” Tanong ni Andrea sakin at inabutan ako ng isang glass ng wine, kinuha ko naman ito at sinagot siya, “Oo, okay na ‘ko,” uminom muna ako ng wine bago ko pinagpatuloy ang sasabihin ko, “pero gusto ko sanang pumunta kay tita Violet, pwede niyo ba kong samahan?”
“Kay tita? Bakit? May problema ba?” Tanong ni Andrea pero umiling lang ako sa kanya bilang sagot.
“Okay, samahan ka na namin dun may itatanong din kasi kami eh,” sabi niya kaya tumango tango na lang ako.
“Sandali, tatawagin ko lang yung apat,” dagdag niya at pumunta na nga sa kanila Catliya. Mula dito sa kinauupuan ko ay nakikita ko silang lima na nag uusap usap pero hindi ko na marinig pa ang kanilang sinasabi, or baka masyado lang talaga akong maraming iniisip kaya hindi ko na masyadong pinapansin kung ano man ang pinag uusapan nila.
Maya maya lang ay nakita ko na silang lima na naglalakad papalapit sakin kaya tinungga ko na ang lahat ng laman ng wine glass ko at tumayo na.
“Tara na?” Tanong ko sa kanila at tumango naman silang lima. Nag lakad na kaming anim papunta sa elevator at pumasok na sa loob nito. Pinili kong sa may likuran na lang tumayo at isandal ang sarili ko sa rail dito sa elevator, iniiwasan ko na ring makita ang reflection ko sa pinto ng elevator, baka kasi makita ko na naman ang elemento ng yelo. Nakakapagod na kasi mag isip ng mga bagay bagay tungkol dito.
“Pagod ka na ba? Magpahinga ka na muna, hayaan mong ako na muna ang gumamit sa katawang ‘to” narinig ko na naman ang boses ng lecheng elemento na yan. Hindi ko na lang ito pinansin at pinikit na muna ang mga mata ko.
“Jo sure ka bang okay ka lang?” Nag aalalang tanong ni Andrea, kahit nakapikit ako ay kilala ko na ang mga boses nila kaya alam ko na si Andrea ang nag tanong sakin.
“Yes, I’m sure,” sagot ko sa kanya kahit na nakapikit pa rin. Patuloy lang sila sa pag uusap about sa training nila kanina pero hindi ko naririnig ang boses ni Andrea at nararamdaman ko ang isang pares ng mga mata na nakatingin sakin kaya dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko nga si Andrea na nakatingin sakin.
“What?” Tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay pero tinaasan niya lang din ako ng kilay. Napansin ko din ang biglang pag tahimik ng mga kasama namin at ang panunuod nila samin ni Andrea.
“Tsk. I’m fine Dre, stop being a worrywart,” saway ko sa kanya.
“You better be,” seryosong sabi ni Andrea at bumukas na nga ang elevator kaya nauna na siyang lumabas, sunod-sunod na rin kaming lumabas ng elevator.
Tuloy tuloy ang paglalakad naming anim hanggang sa makarating kami sa harap ng kwarto ni tita Violet.
Kumatok agad si Andrea sa pinto at maya maya ay bumukas na nga ito pero imbis na si tita Violet ang lumabas dito ay si Mom ang lumabas.
“Mom? Sorry, naistorbo ba namin kayo?” Tanong ko sa kanya at kay tita Violet na nakatayo lang sa likod niya.
“Hindi naman,” sagot ni Mom, “Eh kayo? Anong ginagawa niyo dito?” Dagdag niyang tanong.
Uhm, hindi ko alam ang isasagot ko.
"Pinapunta ko sila dito," biglang sabi ni tita Violet.
"Bakit? Anong meron?" Tanong ni mommy Josephine sa kanya.
"Wala lang. Gusto ko lang silang makausap," sabi ni tita Violet kaya napakunot noo naman si mom pero hindi niya na lang ito pinansin at tumango na lang.
"Okay? Bahala na kayo diyan ha. Alis na ko," sabi ni mommy Josephine at nakipag-beso saming anim.
"Bye ladies," sabi niya habang nagwe-wave kahit naglalakad na palayo samin.
"So diyan na lang kayo sa pinto?" Biglang tanong ni tita Violet na nakapasok na pala sa loob ng kwarto niya, kaya pumasok na rin naman kaming anim at sinarado na ang pinto, lumapit kami sa kanya sa sofa.
"Tita May itatanong po sana kami," panimula ni Andrea at tumango lang si tita sa kanya sabay turo sa mga bakanteng upuan kaya naupo naman kaming anim sa mag kabilaang sofa.
Ako, si Andrea at si Catliya ang magkakatabi habang sila Rhoda, Eryell at Neca naman ang magkakatabi sa kabilang sofa, si tita Violet naman ay nakaupo sa isang single sofa.
“Ano yung itatanong niyo?” Seryosong tanong ni tita Violet samin.
Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa nangyari sakin kanina kaso hindi ko alam kung pano sisimulan.
*Andrea’s POV*
“Rhoda, ikaw na,” biglang sabi ni Catliya kay Rhoda kaya napatingin naman ako kay Catliya at kay Rhoda.
“Ba’t ako?” Tanong naman ni Rhoda.
“Sino bang naka isip ng tanong?” Balik din sa kanya ni Catliya kaya napakamot na lang ng ulo si Rhoda at humarap kay tita Violet.
"Tita itatanong po sana namin, uhm, bakit tatlong elemento po ang nasa katawan ni Joanna ngayon, samantalang kami naman po ay tig-isa lamang," sabi ni Rhoda.
“Bakit? Nais mo rin bang mag karoon ng tatlong elemento sa katawan mo?” Tanong ni tita Violet sa kanya at agad namang umiling iling si Rhoda.
Kahit ako, ayoko rin, hindi ko pa nga masyadong kontrolado ang elemento ng tubig eh kaya sigurado ako mas nahihirapan ngayon si Joanna.
Biglang tumayo si tita Violet mula sa pag kakaupo niya sa sofa kaya napatingin ako sa kanya. Pumunta siya sa isang book shelf kung saan nakalagay ang iba't-ibang uri ng mga libro. Nakasunod lang ang tingin naming anim sa kanya hanggang sa may kinuha siyang isang brown na libro, pero parang hindi ito mukhang libro, more like, isang lumang diary.
Kanino kaya yan?
"Pagmamay-ari ito ng lola ng lola ko," sagot ni tita Violet sa tanong sa isipan ko. Nakalimutan kong nakakabasa rin pala ng isipan si tita Violet kagaya ni Nicolo.
Habang naglalakad pabalik sa inupuan niya si tita Violet ay binubuklat niya rin ang mga pahina ng Diary, hanggang sa huminto siya at nilagay sa harapan namin ang diary na nakabukas sa isang pahina. Tinignan ko ang itsura ng diary at kahit na matagal na ang diary ay kita pa rin ang mga sulat rito at maayos pa rin siyang tignan. Ang ganda rin ng penmanship ng may ari nito.
"Basahin niyo," seryosong saad ni tita Violet kaya kinuha ko ang diary at binigay kay Joanna na nagtakha naman kung bakit ko ibinigay sa kanya.
Tss, slow talaga.
"Ikaw na magbasa" sabi ko sa kanya kaya mas lalong napakunot noo naman siya pero kinuha niya pa rin ang diary at binasa ito ng malakas para marinig ng lahat.
Mula dito sa kinauupuan ko, which is sa tabi ni Joanna, ay kita pa rin naman ang nakasulat sa diary kaya nakibasa na rin ako.
Ika-apat ng Hulyo, taong 1616