Chapter 3: Dreame or Nightmare

2006 Words
*Joanna’s POV* Kinabukasan ay mag aalas nuwebe na ‘ko nagising kaya naman agad na kong naligo at nagbihis ng simpleng dress lang na pinaresan ko naman ng flat black sandals. Unang araw ko pa naman ngayon bilang reyna, nakakahiya naman kung hindi ako tutulong sa mga pangangailangan ng mga nasasakupan ko. Pagkalabas ko ng kwarto ay bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkahilo. What the~? Ano, buntis na ko agad? “Hindi, sadyang nanghihina na talaga ang katawan mo,” narinig kong sagot sakin ng elemento ng niyebe. Araw-araw ay nagpaparamdam siya sakin, minsan ay kinakausap niya ko pero kapag ako naman ang may gustong itanong sa kanya, hindi naman siya sumasagot at bigla na lamang di magpaparamdam. “Tumahimik ka!” Saway ko rito at buti na lamang eh hindi na ito nagsalita pa. “Mahal na reyna?” Agad akong napalingon sa isang maid na may bitbit pang dust remover. “B-Bakit?” Tanong ko sa kanya habang minamasahe ang sintido ko. Narinig niya ba kong kausap ang elemento sa loob ko? “Ayos ka lamang po ba? Namumutla ka po kasi,” nag aalalang sabi ng maid. “Ayos lang ako, salamat,” sabi ko na lang sa kanya at pinilit ang sarili kong makatayo ng maayos tsaka nagsimula na maglakad pababa ng hagdan. Pagkarating ko sa baba ay biglang may kamay na pumulupot sa bewang ko mula sa likuran ko. “Magandang umaga, mahal kong reyna,” bati sakin ni Jason. Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Good morning,” bati ko rin sa kanya. “Kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya na inilingan naman niya agad kaya hinawakan ko ang kanang kamay niya at niyaya siya papuntang kusina. “Tara, kumain na tayo,” Agad naman siyang sumama at pagkarating sa kusina ay nadatnan namin ang ilang maids na naghahain ng mga pagkaing pang umagahan. “Ang dami naman po yata ng hinanda ninyo?” Tanong ko sa mga maids na abala sa pagaayos ng mga kubyertos. “Okay lang yan iha,” sagot naman ng kakarating lamang na si mommy Josephine. “Mom, good morning po,” bati ko sa kanya tsaka nag beso. “Good morning too iha, mukhang masyado ka yatang napagod kagabi at late ka na nagising,” nakangising sabi ni mom kaya agad naman akong namula. Naririnig ba nila kami kagabi? Akala ko ba sound proof lahat ng kwarto dito? “Hahahaha don’t worry Joanna, it’s okay, mabuti nga yan para mas maaga akong magka apo,” nakangiting saad pa ni mom. “Mom, stop making my wife blush,” dagdag pa ni Jason at umakbay sakin kaya siniko ko nga pero di ko napansin na masyado pala ‘to napalakas. “Ugh, what did I do?” Tanong niya habang hawak hawak ang tagiliran niyang siniko ko. “Wala gag*, kumain na nga tayo,” sabi ko sa kanya habang naririnig ko na lang si Mom na tumatawa. “Good morning!” Masiglang bati ni ate Jasmine na kakapasok lang din ng kusina. “Good morning ate,” bati ko sa kanya “Good morning po,” sunod sunod na ring bati nila Andrea kasama na ang mga mate nila habang sila Catliya at Rence naman ay galing sa dirty kitchen at may bitbit na tig isang plato pa ng pagkain. “Good, everyone’s here. Let’s eat,” sabi ni Jason kaya nagsimula na kaming lahat kumain, hindi pa pala kasi sila kumakain eh. Habang kumakain ay tuloy pa rin sa pagkirot ang sintido ko pero tinitiis ko lang ‘to para hindi nila mapansin. “Joanna? Okay ka lang ba?” Biglang tanong ni Andrea na bumasag sa katahimikan naming lahat kaya agad naman silang lahat napatingin sakin. “Huh? Ah oo, okay lang naman, medyo masakit lang ang ulo ko kasi nasobrahan ako sa tulog,” sagot ko sa kanya na tinanguan na lang niya at nagpatuloy na sa pagkain. Aray, ang sakit na talaga. “Hey wife, are you sure you’re okay?” Rinig kong tanong ni Jason kaya pinilit kong ngumiti sa kanya at tumango. “You look pale,” dagdag pa niya at hinipo ang noo ko, pati na rin ang leeg ko. “You’re cold,” sabi nito. “Malamang, bampira kasi ako,” sagot ko naman sa kanya. “Yeah I know but now, you’re too cold,” sabi ni Jason kaya parang alam ko na ang sagot sa kung bakit ang sakit masyado ng ulo ko. “Ahh ganun ba? Siguro kailangan ko lang ng pahinga. Sige, mauuna na muna ako sa kwarto natin ha. Mom, guys, sorry mauuna na po muna ko, magpapahinga lang po,” paalam ko sa kanilang lahat at tumayo na pero bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang hilo at muntik na matumba kaya agad kong tinukod ang kaliwang palad ko sa lamesa pero laking gulat naming lahat ng bigla na lang nabalot sa yelo ang buong lamesa kaya agad kong tinanggal ang kamay ko mula rito. Napatayo na rin silang lahat palayo sa lamesa. A-Anong nangyari? “Hahahaha” malademonyong tawa ng babae sa loob ko, ang elemento ng niyebe. “J-Joanna?” Nauutal na tawag sakin ni Catliya habang nakahawak naman sa kamay niya si Rence. Tumingin ako sa bawat isa sa kanila at iisa lang ang nakikita ko sa mga mata nila, yun ay takot. Tumingin ako kay Jason at kitang-kita ko sa mga mata niya ang awa at pag-aalala. “S-Sorry hindi ko sinasadya,” sabi ko sa kanilang lahat. “Hindi nga ba?” Tanong ng elemento ng niyebe sa isip ko. Tumahimik ka!!! “Sino pa ba ang merong kapangyarihan na kayang kumontrol ng yelo? Diba ikaw lang at ang asawa mo?” Tanong nito muli na inilingan ko. Hindi, hindi ko sinasadya yung nangyari. Hindi ko alam kung pano nangyari yun. “Joanna?” Tawag sakin ni Tita Violet kaya napabaling ang atensyon ko sa kanya at napansin ko ang pagiiba ng kulay ng mga mata niya at ang paglaki ng mga ‘to sa gulat ng makatingin siya sa mga mata ko. Bakit? Anong meron? “Siguro mas makakabuti kung magpahinga ka na muna sa inyong silid,” seryosong sabi ni mom kaya tumango na lang ako. “Sige po. Sorry po ulit,” sabi ko sa kanila at tuluyan na ngang naglakad palabas pero bago pa man ako makalagpas ng pinto ay narinig ko si mom na kausap si tita Violet. “Violet, mag-usap tayo mamaya.” Ano namang pag-uusapan nila? Bahala na nga, pupunta na lang ako sa kwarto namin ni Jason. Habang naglalakad paakyat ng hagdan ay nararamdaman ko pa rin yung kirot ng sintido ko kaya ginamit ko na ang bilis ko bilang bampira para makarating kaagad sa kwarto namin. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay agad na kong dumiretso sa kama para mahiga. “Aray,” reklamo ko habang hinihilot gamit ang dalawang kamay ko sa magkabilang sintido ko. “Muntikan na yung kanina ah,” narinig ko na namang muli ang boses ng elemento ng niyebe. “Tsk! Pwede ba tumahimik ka!? Ang sakit na nga ng ulo ko eh dadagdag ka pa,” reklamo ko dito “Hahaha ang sabihin mo natatakot ka lang sakin,” sabi pa nito pero di ko na lang siya pinansin at pinilit na lang ang sarili ko na makatulog. Maya maya nga ay sinakop na ko ng antok at tuluyan na ngang nakatulog. Bakit ganito? Ba’t ang kapal naman ng snow dito? Kanina lang eh natutulog ako tapos ganito na agad? “Jason!?” Tawag ko sa asawa ko. “Andrea!!!” Tawag ko ulit. Lahat sila tinawag ko na pero ni isa walang sumasagot sa kanila. Ano bang nangyayari? Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi iniinda ang lamig ng makakapal na niyebe sa paligid ko pero parang hindi naman ako tinatablan ng lamig. Nasan ba sila? Habang naglalakad ay nakarinig ako ng kaluskos sa likuran ko kaya agad akong napalingon dito. Pinakiramdaman ko na rin ang paligid hanggang sa maya maya na lamang ay may lumabas na isang babaeng nakasuot ng puting dress na hanggang sa talampakan niya. Kulay puti naman ang buhok niya at maputla rin ang kulay ng balat niya. “Sino ka?” Malamig niyang tanong sakin na ikinakaba ko. Ngayon lang ‘to nangyari, ang matakot ako sa isang nilalang na hindi ko kilala. “I-ikaw? Sino ka? Nasaan ang mga kaibigan ko? Ang asawa ko?” Sunod sunod na tanong ko sa kanya. “May mga kasama ka? Paano kayo nakapasok dito sa palasyo ko?” Tanong niya habang palinga-linga sa paligid at para bang kinakabahan. Huh? “Ako ang reyna ng kahariang ‘to, kaya ano ang karapatan niyong pumasok dito ng walang pahintulot mula sakin!?” Galit niyang saad kaya di ko mapigilan ang sarili kong humakbang palayo sa kanya. “H-Hindi ko maintindihan, kanina natutulog lamang ako tapos ganito na. Nasan ba ko!?” Pasigaw na tanong ko din sa kanya na mas ikinainis niya pa. “Wala kang galang! Paano mo nasasagot ng ganyan ang reyna ng kahariang ‘to!? Umalis ka dito ngayon din! Relinquo!!!” Sigaw niya at iwinasiwas papunta sa direksyon ko ang kanyang kanang kamay at nakita ko kung paano mamuo at lumabas ang yelo at niyebe sa kamay niya na unti unting bumalot sa akin. “Aaaaaah!” Napabalikwas ako dahil sa nangyari. Inikot ko ang paningin ko at napansing nasa loob na ko ng silid namin ni Jason. Ano yun? Panaginip o isang bangungot? Sino yun? Bumangon na ko at kumuha ng isang baso ng tubig mula sa pitsel na nandito sa loob ng kwarto namin ni Jason. Pagkatapos kong uminom ay kinuha ko ang isang malinis na face towel na nakasabit sa upuan at sinampay ito sa balikat ko tsaka pumunta na ko ng CR para maghilamos na lang at para kahit papano ay matanggal ang mga butil ng pawis na namuo sa mukha ko. Pagkatapos maghilamos ay agad kong inabot ang face towel sa balikat ko habang nakapikit at pinunasan ang mukha ko pero habang pinupunasan ko ang pisngi ko ay may napansin ako dito, lalong lalo na sa mga mata ko. Ang kaliwang mata ko ay naging mas kulay asul pa habang ang kanang mata ko naman ay may nakikita akong isang snowflake sa iris ko. E-Eto yun. Eto yung mga matang nakita ko kanina sa babaeng nakita ko sa panaginip ko. “A-Anong nangyayari sa mga mata ko?” Kinakabahang tanong ko sa sarili ko. Hindi ganito ang mga mata ko. “Kasi hindi naman talaga sayo yan,” narinig kong sabi ng elemento ng niyebe. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. “Elemento ng niyebe! Sagutin mo ang tanong ko! Anong nangyayari sakin!?” Sigaw ko dito pero wala akong marinig mula sa kanya maliban na lang sa mga malademonyo niyang tawa. “Joanna?” Napalingon ako sa lalaking bigla na lamang nagsalita at dun sa pinto ko nakita si Jason na nag aalalang nakatingin sakin. “Are you okay?” Tanong niya “Narinig mo?” Tanong ko sa kanya na ikinakunot naman ng noo niya. “Ang alin?” Tanong niya. So hindi niya narinig? Yung elemento ng yelo, hindi niya ba narinig yun? “Hindi niya ko naririnig, tanging ikaw lamang ang nakakarinig at nakakapag usap sakin,” narinig kong sagot ng elemento sakin. “Pero bakit?” Tanong ko rito “Bakit ang alin? Joanna okay ka lang ba talaga?” Nag aalalang tanong ni Jason at lumapit na nga sakin at hinaplos-haplos ang kaliwang balikat ko. So hindi niya nga naririnig ang boses ng elemento ng niyebe. “W-Wala, don’t worry, okay lang ako,” sagot ko sa kanya at tinapos na ang pag pupunas sa mukha ko. “Sigurado ka ba?” Tanong niya na tinanguan ko na lang. Pagkatapos kong punasan ang mukha ko ay lumabas na ko ng CR at muling sinabit ang face towel sa upuan. “Joanna, magpahinga ka na muna, baka masakit pa rin ang ulo mo,” sabi ni Jason pero umiling lang ako sa kanya. “Hindi na, okay na ko tsaka nakatulog na ko,” sabi ko sa kanya. Binangungot nga lang. “Sigurado ka ba?” Tanong niya na tinanguan ko na lang. “Alam mo ba kung nasaan si tita Violet?” Tanong ko sa kay Jason na mukhang hindi pa rin naniniwala sa sinabi kong okay lang ako kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kaliwang pisngi. “Okay na ‘ko kaya huwag ka na masyadong mag alala, okay?” Sabi ko sa kanya at napabuntong hininga naman siya at tumango. “So alam mo ba kung nasaan si tita Violet?” Pag uulit ko ng tanong sa kanya. “Sa pagkaka alam ko ay nandoon siya ngayon sa kanyang silid,” sagot ni Jason sakin. “Ganun ba? Sige, pupunta muna ako sa kanya ha, pinapapunta niya kasi ako kanina eh,” sabi ko sa kanya. “Pinapapunta? Bakit daw? Tsaka nakapag usap kayo? So kanina ka pa gising?” Sunod sunod na tanong ni Jason sakin Sh*t. “Oo kanina pa ko gising at nakapag usap kami kanina at yun nga, sabi niya pumunta ako sa kanya kapag tapos na ko mag ayos ng sarili ko,” sagot ko sa kanya kaya tumango na lang siya. “Alright then, I’ll take you there,” sabi ni Jason at lumakad na palapit sa pinto kaya sumabay na ko sa kanya palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD