*** AiKEE BUSTAMANTE ~* PAGDATING SA PINAGTA-TRABAHUAN ni Patty ay tumambay ako sa labas ng building habang nasa loob ng kotse. Medyo tago ang kotse ko para hindi makita ni Patty, kasi kapag nakita niya ang kotse ko ay baka iwasan na naman niya. Alas otso na ng mga oras na iyon kaya inaantay kona siya para makapag-usap kami. Inantay ko siya hanggang sa uwean niya. Isang oras lang naman ang aantayin ko kaya tiya-tiyagaan kona lang para makausap ko siya. Nang lumipas na ang isang oras ay nakita kung palabas na si Patty kasama ng isang lalake at mukhang masaya silang nag-uusap. Kinain na naman ng selos ang puso ko ng hawakan ng lalake ang dalaga. Tila okey lang sa dalaga habang may ngiti sa labi. Tang ina, ang dami ko naman ka-agaw kay Patty. Once na bumalik siya sakin, wala ng makakalap

