SALAMAT SA SUPPORT NIYO MGA BE ? *** PATTY MENDOZA ~* NAGULAT AKO NG BIGYAN AKO NG bulaklak ni Stella with chocolate. Halatang mamahalin ang bulaklak at chocolate kasi sa itsura palang nito. " Para sakin 'to? Kanino galing?" Gulat ko parin tanong habang hawak ang bulaklak at chocolate. Inamoy ko pa ang mga bulaklak kasi ang bango nila. Halo halo ang mga bulaklak at panigurado ay mahal iyon. Nagkibit balikat ang kaibigan ko. " Ewan ko. Binigay lang sakin ni Manong guard. Sabi niya ibigay ko daw sayo." Wala akong matandaan na may nanliligaw sakin. Imposible naman si Leo kasi hindi naman niya ako binibigyan ng bulaklak. " Mukhang mayaman ang nanliligaw sayo huh? Ang mahal ng mga bulaklak ey, at kilalang brand pa." Ani Stella sakin at naki-amoy pa sa bulaklak. " Hindi ko alam kung sino

