"H'wag kang humikab sa discussion ni Ma'am Victoria, papagalitan ka n'yan," saway ni Natalia sa akin. "Are you listening, Ms. Levesque? Feels like you're sleepy while I'm discussing here," saad ni Ma'am Victoria sa akin kaya napa-igtad ako ng mahina at natuon agad ang tingin ko kay Ma'am V at nakita ko ang pasalubong ng mga kilay niyang subrang ganda at subrang maayos ang pagka-ahit. "Ayan, sinabihan kana niya," bulong sa akin ni Natalia at tinaas ko ang kamay ko. "Yes?" Saad ni Ma'am Victoria sa akin at tinaasan niya ako ng isang kilay. "Tagalog please," nakangiting saad ko at siniko na naman ako ni Natalia. "Argh, Wild, fix this, paalisin mo nga 'yang secretary mo rito kung hindi naman 'yan nakaka-intindi sa sinasabi ko. I don't want to waste my saliva for those people na who don't

