"Hush!" Saad ni Hurricane sa babae at idinikit ng kaunti ang daliri niya malapit sa bibig ng maskara niya kung saan ay hawak-hawak niya rin sa kamay na 'yun ang rosas. "You know what date today?" Saad ni Hurricane sa malalim na boses. May kung anong device ang ginamit niya para maging malalim ang boses na lalabas sa bibig niya. "F-February 18," nanginginig na boses na tugon ng babae. "You're right, it's Hurricane's Time, it's Killing Time! Tapos na ang Valentine's Day, sorry kung nahuli ang bulaklak para sa 'yo," sarkastikong saad ni Hurricane at tumawa ng malakas. Ang pagtawa ni Hurricane ang huling narinig ng babae kasabay ng pagputok ng baril kahit may silencer ito sa dulo bago siya natumba at naligo siya sa sariling dugo niya na nagmumula sa butas niyang ulo. "Hush..." Sarkastikon

