ANDREA TAPOS na kaming kumain at pagkatapos magbayad ni Doktora ng aming kinain ay lumabas na kami sa resto. “Uuwi na po ba tayo, Doktora?” tanong ni Candice kay Teresa. “Well, hindi pa…” anunsiyo naman ni Teresa. Nagulat akong napatingin sa kanya. Akala ko kasi ay uuwi na kami. “Talaga po? Saan pa po tayo pupunta, Doktora?” excited na tanong ni Candice. “Sumakay na tayo sa sasakyan para malaman niyo…” sagot naman ni Teresa sabay kumindat… sa akin. Hindi ko alam kung may meaning ‘yon basta ang alam ko lang, muntikan na akong mapatili sa kilig. Gagi. Ano bang nangyayari sa akin? “Yehey!” narinig kong sabi ni Candice at hinila na si Doktora papunta sa parking area. Parang baliw namang nakangiti akong sumunod sa kanila. May ganoong epekto pala ‘yong pagkindat sa ibang tao, ano? Am

