ANDREA "WOULD you like to drive, Andrea?" tanong ni Doktora sa akin nang pabalik na kami sa sasakyan. “Ha? Ako po?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumawa nang malakas si Candice kaya nabaling ang atensiyon namin sa kanya. “Joker ka talaga, Doktora…” anito. “Hmm… no. I am not joking…” sabi pa ni Doktora. Natigil ang tawa ni Candice at hindi ko naman alam ang isasagot ko. Dahil gabi na at nasa probinsya kami, narinig ko pa yata ang huni ng mga kuliglig sa paligid dahil naging sobrang tahimik namin. “But yeah, maybe some other time…” bawi ni Teresa sa kanyang sinabi. I was relieved. “Thank, God…” narinig kong bulong ni Candice. “Gusto ko pang umuwi ng buhay…” dagdag pa ng bata. Well, I can’t blame her. Though in my mind, I still remember how to drive a car pero iba pa rin

