ANDREA
DUMATING na naman ang prinsesa. Hay, naku!
Siguro nga ay nastress talaga ito sa lungsod kaya pumanhik siya rito para marelax. Payapa naman talaga rito. Tahimik. Malayo sa gulo. Tsaka walang stress sa kung anong nangyayari sa labas ng beach house o sa buong mundo.
Oo, wala kang update kasi walang ibang libangan dito kung 'di ang magtampisaw sa karagatan, maging busy sa gawaing bahay, matulog, kumain, repeat. Mga ganun lang. May smart TV naman pero walang internet connection. Meron lamang hard drive na may lamang maraming movies na halos naubos ko na rin sa kakanood. Pero baka madagdagan na ‘yon kasi nandyan si Ariz. siya kasi ang alam kong nagdadagdag ng movies o series sa hard drive. Wala rin akong mobile phone kaya kapag kinukumusta ako ni Bea, kay Manang Fely o kay Candice ito direktang tumatawag, at pinapasa lamang sa akin ng maglola ang phone.
Malayo rin sa bayan ang beach house kaya never talaga akong nakaalis dito simula ng mapadpad ako sa beach house ni Bea. Bakit hindi ko sinubukang pumunta? Ewan ko ba, takot din siguro ako na baka doon pa ako atakihin ng sakit sa ulo ko or worst mawala ako. As for the groceries, may nagdedeliver dito na parang contact ni Manang Fely sa bayan. Ang binatang si Morgan. Halata pang may crush kay Candice. Pero ‘yong supladang bata ay iirapan lang ito kapag nagpapacute si Morgan sa kanya. Hindi niya siguro type. Malamang.
Balik tayo kay Bea. Lakas ng amats ng babaeng ‘yon. Mabuti na lang dumating si Manang Fely dahil kung hindi, baka nalapa na ako ng nangangalit na dragon. Ewan ko ba. Hindi ako takot kay Bea talaga. Ang kinakatakot ko ay ang pagiging straight forward niya.
Hindi ko alam kung trip na trip niya lang akong asarin o may gusto nga talaga ito sa akin. Ang malaking tanong ko sa isipan ay kung bakit ako? Anyway, baka nga siguro pinagtritripan lang ako ng babae.
Kainis ‘yon. Nakagalitan tuloy ako ni Manag Fely dahil bigla akong kumaripas ng takbo papuntang kusina. Eh, kasi naman! Bukod sa dinilaan niya ‘yong pawisang batok ko kanina, piniga niya pa ang aking pwet ng tumalikod na ako sa kanya para sumunod kay Manang Fely papuntang kusina. Grabe talaga ‘yang si Bea.
Ako naman, sobrang affected sa pang-aasar niya kaya siguro tuwang-tuwa rin ito. Grr.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ito sumunod sa kusina. Pero nagpahabol pa ito, through Candice, na ang gusto niya daw na ulam ay kare-kare. Ako daw ang magluto. Binulong lamang iyon ni Candice sa akin.
Sabi pa niya kanina na kahit ano lang daw pero ‘yon pala ay may special request ito. Mabuti na lang at may mga ingredients kami para sa request niyang putahe.
Aware akong may pagkabrat at bitchesa si Bea. Expected ko na ‘yon lalo na sa nag-iisang anak at heridera. Sinubukan kong kumuha ng iba pang impormasyon about kay Bea at Teresa sa maglola pero mga basic information lang ang nahita ko sa kanila.
Like, forty years old na si Teresa. Na eighteen lang siya ng ipanganak si Bea. Na mayaman ang mga Alonzo. Na buong buhay ni Manang Fely at pamilya nito ay sa mga Alonzo na ito nagsisilbi. Mga ganun lang. Wala man lamang special na mga katakam-takam na impormasyon.
Marami akong pasimpleng tanong tungkol kay Teresa pero sabi ng matanda sa akin ay wala na daw siyang sasabihing higit pa sa impormasyong nasabi na niya sa akin. Wag na lang daw akong masyadong matanong at magpakabait na lamang habang narito sa poder ng mga Alonzo.
Kung pagbabanta man iyon, ay hindi ko rin alam. Anyway, wala rin akong nahita kay Candice kasi puro cell phone lamang ang inaatupag ng ‘yong batang ‘yon. Pero one of these days, makakahanap rin ako ng iba pang information tungkol sa mag-ina. Nalaman ko rin na patay na pala ang tatay ni Bea.
So, single si Teresa... maybe?
Pero imposibleng wala siyang boyfriend. Sa ganda at sexy niyang ‘yon, hindi ako naniniwalang wala siyang boyfriend. Tapos para akong tanga. Ang isang parte ng isipan ko ay parang disappointed pa if ever may boyfriend na nga si Teresa. At isang parte naman ay masaya kung totoo nga na wala itong jowa.
'Eh, ano naman ngayon? Papatulan ka ba niya kung wala siyang jowa?' saway ng aking alter ego. Naku, ha. May sinabi ba ako? Lakas makarealtalk ng isip ko, eh.
Anyway, tapos na kaming magluto. Tinawag ni Candice ang prinsesa na hindi naman nagtagal ay bumaba na kasama ang satisfied at fresh na fresh niyang mga ngiti. Tunay nga namang nakakabighani itong si Bea. Maswerte ang mapipili nitong maging kabiyak.
Bukod sa mukhang sweet naman ang babae, mayaman, sexy at maganda pa ito. Ito ‘yong mga katangian na meron ang babae sa murang edad. Iba-iba talaga ang buhay ng tao, 'no? May mga tao talagang ipinanganak sa marangya at meron din sa katamtaman, at mahirap. In my case, hindi ko pa alam. Hindi ko nga maalala kung anong totoong pangalan ko o kung sino ako.
Pero iyon pa pala ang tatalakayin ko kay Bea mamaya. Hihingi ako ng kanyang abiso tungkol sa paghahanap ko ng aking tunay na katauhan. Medyo matagal na rin akong nawawala. At kung meron pa akong natitirang pamilya, malamang ay sobra ng nag-aalala ang mga ‘yon.
Natapos ang hapunan. As usual, sarap na sarap sa luto ko si Bea. Nagkunwari pang hindi niya alam na ako ang nagluto sa kare-kare. Lakas talaga ng trip ng babae.
Pero isa sa mga nagustuhan kong ugali ng babae ay napakabait nito sa mga mas mababa sa kanya. Paano ko nasabi? Eh, kasabayan niya lamang kaming kumain. Kung ibang mga amo pa ‘yon, malamang hindi sasalo sa mga kasambahay at body guard niya.
Nakahinga na ako ng maluwag ng matapos ang hapunan at umakyat na ito sa kanyang kwarto. Pero maya-maya nga ay kinausap na naman ako ni Candice.
"Ate Andeng, sabi ni Ate Bea akyatan mo daw siya nung Domaine de la Romanee-Conti bottle na nasa wine cellar tapos dalawang wine glass. Eksaktong 9:30 pm ka daw pumanhik at wag na wag madedelay." Bago pa ako nakapagtanong o makasagot ay umalis na ang bata.
May idol talaga 'tong si Candice. Hawang-hawa sa attitude queen niyang amo. Napabuntong-hininga na lamang ako. Nasa kwarto na kasi ako at handa ng magkulong dahil alam kong may binabalak na hindi maganda si Bea sa pag-uwi niyang 'to sa akin. At hindi nga ako nagkamali, hindi talaga palalagpasin ng babae ang gabing 'to ng hindi niya ako naaasar. Pero sabagay, kailangan ko rin siyang makausap.
Nagsuot ako ng jacket na bigay din ni Bea at inulit na suotin ang maong short pants ko kanina. Bumaba ako sa wine cellar. Oo, may wine cellar ang beach house ni Bea. Mahilig uminom ang babae, ‘yon ang napansin ko. Feeling ko nga ay party girl ito kapag nasa lungsod.
Ilang beses na rin akong nakapasok sa wine cellar. Wala naman espesyal na kung ano roon except sa mga wine. Hindi ako pamilyar sa mga wine pero alam kong ang mamahal ng mga bote ng alak na naroon.
Sabi nga nila, the more na matagal na nakastock ang mga wine ay the more na sumasarap.
Sigurado rin akong mamahalin ang pinakuhang alak sa akin ni Bea. I wonder kung masarap nga ito. Curious lang ako pero wala akong balak uminom. Baka kasi kapag uminom ako at malasing ako, alam nyo na ang susunod na mangyayari.
So, a’yon nga, pagkatapos makuha ang mga inutos ni Bea, hinintay ko lamang mag nine thirty tsaka ako kumatok sa pintuan ng kwarto niya.
Tatlong beses akong kumatok at kahit walang sagot na narinig mula sa loob, pumasok na ako. Automatic na kasi ‘yon tsaka ‘yon din ang utos ni Bea. Kahit daw wala akong marinig na pahintulot mula sa kanya kapag kumatok ako sa pinto niya ay pwede na akong pumasok basta hindi naka-lock ang pinto.
Nang makapasok na ako ay napansin kong naka-dim ang ilaw ni Bea sa kwarto. Hindi rin talaga mahilig ang babae sa maliwanag na maliwanag. ‘yon ang napansin ko.
Wala ito sa kwarto niya kaya alam kong nasa balcony ito na extended ng kanyang kwarto. Humakbang ako papunta roon at muntik ng maatake sa puso ng makitang may puting damit na gumalaw. Mabuti na lang at hindi ako napasigaw kasi si Bea lang pala. Akala ko talaga multo. Bakit kasi nakaputing night gown ito? Tsk.
Medyo madilim din kasi sa parteng ‘yon at as usual, hindi na naman nagbukas ng ilaw ang babae sa balcony. Nagtitipid ba ito ng kuryente? Ang kuripot naman. Pero naiintindihan ko naman. Hindi biro ang electric bill nitong beach house niya.
Anyway, medyo naadjust na rin ang paningin ko sa paligid kaya kitang-kita ko na kung saan ako pupunta.
"Ma'am Bea," tawag ko sa kanya ng nasa pintuan na ako ng balcony.
At doon ko nasilayan ng mabuti ang suot niya. Napalunok pa ako ng makailang beses kasi naman, ‘yong puting night gown lang talaga ang suot niya. Sa loob ay wala siyang suot na kahit ano. Taksil kasi 'tong liwanag ng buwan.
Ilang beses na naman niya akong ginaganito. I mean, ‘yong papakitaan niya ako ng hubo't hubad niyang katawan na every time makikita ko ay hindi ko mapigilang hindi mapahanga.
"I-ito na po pala ‘yong wine," ang nasabi ko na lamang. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa katawan niya. Gusto ko mang bawiin ang tingin ko pero taksil ang mga mata kong nakapako doon.
Bakit parang uminit dito?
"Pour me some wine, please," pacute na sabi niya sa akin. Alam kong nakita niya akong nakatingin sa katawan niya. Sigurado akong planado na naman niya ang mga nangyayari ngayon. Grabe talaga 'tong babaeng 'to. Lakas talaga ng amats! Kainis!
Nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya hanggang sa umupo siya sa bakanteng couch na naroon. At muntik ko ng mabitawan ang hawak na wine ng magde-kwatro ito at may konting nasilip ako sa pang ibaba niya. Napakagandang view ng mahahabang legs niya at feeling ko ang smooth nun.
Ano bang nangyayari sa akin? Nalasing ata ako dun sa wine cellar kanina. Tsk.
Napapikit ako ng saglit para marefresh ang paningin ko. Medyo gumana naman. Agad akong naglagay ng alak sa wine glass niya at inabot dito. May paghaplos pa siya sa aking siko hanggang sa kamay bago niya kinuha ang wine glass sa kamay ko. Grabe talaga 'tong babaeng 'to. Bakit ba niya ako ginaganito? Napakasama niya.
Sinubukan ko talagang wag magpadala lalo na ng sinabi niyang, "Join me, please," sinabi niya ang mga katagang ‘yon sa napakasexual na paraan. Or guni-guni ko lang ‘yon?
Tuyot na tuyot na ba talaga ako? Tsaka ang init na rito. Bakit ba kasi ako nagjacket?! Argh! Hindi mo ako madadala, Bea!
"Ah, wag na po, ma'am. Medyo inaantok na rin po ako, eh," palusot ko.
"Dito ka na matulog," napangaga ako sa sinabi niya. Ayan na naman siya. "Tabi tayo. I'm scared, eh."
Minsan na niyang nagamit ang rason na 'to sa akin. Na-scam ako kumbaga. Ang ending, minanyak lang ako ng babae. Mabuti nga napabehave ko ito ng sinabi kong aalis ako sa tabi niya kung hindi niya titigilan ang kakahimas niya sa akin. Kaya a’yon, natulog itong nakayakap na lamang sa akin.
Siguro nakita niya ang pagsimangot ko kaya sinabi niyang, "Hoy, iba iniisip mo, 'no? Matutulog lang nga tayo. Behave kaya ako." Tsaka siya humigop ulit sa kanyang kopita. Malapit na niyang maubos ang iniinom. Ang lakas talaga uminom ng babaeng 'to.
Weh?! sigaw ng isipan ko.
"Sige na, please. Dito ka na lang. Samahan mo ako, please..."
Alam nyo ‘yong mata ng tuta na nagpapacute at naglalambing, ganun ‘yong uri ng tingin na pinupukol sa akin ni Bea. Paano ko ba mahihindian ang babaeng ito? Lalo na't maliit na hiling lamang ito kumpara sa malaking tulong na nagawa niya sa buhay ko.
"O-okay, ma'am..." ang siyang nasabi ko na lamang.
"Yes!" masayang bulalas ng babae na para itong nanalo sa lotto. Napangiti na rin ako sa naging reaksyon niya. Ang cute niya pa rin naman kahit napaka-aggressive ng babaeng 'to.
Tsaka the more na tinitignan ko ang mukha niya, nariremind ako sa mukha ng nanay niya.
Ah, Teresa! Bakit hindi ka mawala sa aking isipan?