ANDREA
"GANITO ba?" tanong sa akin ni Bea. Kasalukuyan sayang may hawak na kutsilyo. At itinuro ng dulo ng kutsilyong hawak ang tinutukoy.
Napatingin ako sa itinuro niya. "Oo. Ganyan nga. Good job," puri ko sa kanya.
"Yehey! Marunong na akong maghiwa ng kamatis!" parang batang bulalas niya. Napangiti na lamang ako sa kanyang tinuran.
Wag kayong mag-alala, naghihiwa lang naman siya ng kamatis. Tinutulungan niya akong magluto ng ulam para sa tanghalian. Ang ulam ngayon ay sinigang na baboy.
At oo, nagpresenta ang babaeng tumulong sa akin. Nagulat nga ako pero sabi niya ay gusto daw niyang matutong magluto dahil baka mahanap na daw niya ang kanyang "the one". Kaya gusto niya daw maging prepared at ang unang-una daw niyang gagawin kapag nangyari ‘yon ay ipagluluto niya ito ng mga paborito nitong mga pagkain. Natuwa na lamang din ako kaya hinayaan ko na siya at tinuruan sa mga simpleng ethics ng pagluluto. Gaya ng paghihiwa sa mga kakailangan sa lulutuing putahe.
At medyo naging behave na nga si Bea. Iyong sinabi niya kagabing matutulog lang kami ay tinupad naman niya. Though humiling siyang yakapin ko ito ay sinunod ko na lamang. Wala rin siyang ginawang kababalaghan o kamanyakan sa akin pagkatapos, kaya medyo napanatag na ang loob ko.
Tsaka nasa good mood din ang babae. Pero may tanong ako. Posible bang biglang bumait ang isang tao na masungit, bossy, at manyakis, agad-agad? Dahil ganun ang nangyari kay Bea. Uh... paano ko ba ipapaliwanag? Kakaiba kasi siya ngayon compare kahapon. Like... paano ba? Hmm... parang naging mahinhin ito, tapos laging nakangiti tapos iba talaga... sobrang bait na parang hindi makabasag pinggan.
'Parang si Teresa?!' Hoy, brain, wag kang epal. Magkaiba sila!
Tapos infairness, hindi niya ako minamanyak or walang s****l jokes simula ng magising ito kaninang umaga.
'Miss mo?' Hindi! Nagsasabi lang, eh. Ang epal mo, brain!
Ayan, nag-aaway na kami ng alter ego ko. Dios ko. Bukod sa amnesia, parang malala na ata ‘yong brain damage ko. Tsk.
Pagkatapos niya akong tulungan sa paghihiwa sa mga kakailanganin, taimtim itong nagmamasid sa ginagawa kong pagluluto. Mukha naman talaga itong interesado. Lihim na lamang akong napapangiti. Ang cute kasi ni Bea kapag ganito siya. Lumalabas ‘yong pagiging inosente niya.
Naghihintay kaming maluto ang pagkain kaya nakaupo lang kami sa bakanteng silya sa hapag kainan. Nakakatawa ang ekspresyon ni Bea. Kasi naman, hindi ito mapakali. Nandun ‘yong i-tatap niya ang mga daliri sa table at tatayo tapos maglalakad-lakad ito ng pabalik-balik sa loob ng kusina. Iyong tipong naghihintay ng doctor sa labas ng Emergency Room para alamin ang kalagayan ng kung sinuman ang sinugod doon. Tsaka everytime na mag-o-overflow ‘yong sabaw, agad siyang lalapit sa niluluto at sisigaw ng, "Andrea! Natatapon na ‘yong sabaw! Oh my god! Sayang ‘yong sabaw!"
Pigil na pigil ako sa pagtawa sa kakyutan niya. Ewan ko ba. Feeling ko ay ngayon lang talaga ito nakaranas magluto. Sabagay, hindi na ako magtataka. Mayaman naman ito at afford ang mga cook kaya hindi niya need mag-effort na magluto para sa sarili.
Tanghalian na at oras na para kumain. Ito na mismo ang tumawag sa maglola habang nakasunod lang dito ang body guard na si Ariz. Typical na body guard lang din 'tong si Ariz. Napakatahimik, seryoso, at nagmamanman lamang sa ginagawa ni Bea. Kasalo rin namin ito sa hapag kapag kumakain. At katulad ni Candice, lagi lang itong tahimik at nagmamasid. Kung kinakausap man ito ay ang tanging oo o hindi lang ang mga tipong sagot nito.
Charismatic si Ariz, ha. Iyong tipong hindi naman kagwapuhan pero mapapalingon ka talaga. Iyong dating niya kasi ay parang good boy na masungit pero reliable. Alam nyo ‘yon? Basta, parang ganun ang tingin ko kay Ariz.
Si Candice naman, napapansin kong seryoso ang treatment kay Bea compared kay Teresa. Siguro ay nakikita niya si Teresa na parang nanay niya. ‘yon ang conclusion ko.
Nakahanda na ako sa hapag ng dumating ang mga kasamahan kong kakain.
"Niluto namin ‘yan ni Andrea. Kain kayong mabuti, ha," malapad ang ngiting litanya ni Bea. Naupo na din ito sa pwesto niya, na ang pwesto ay nasa gitnang upuan pagkatapos niya maalalayang umupo ang matanda. 'Di ba napakasweet? Tsaka sobrang ginagalang talaga niyan si Manang Fely.
Nasa kanang side niya naman ako nakaupo, katabi ni Ariz. Ang maglola ay nasa kaliwang side.
"Ang sarap, iha!" bulalas ng matanda. "Aba'y pwede na ereng lasa ng sinigang mo. Pwede ka ng mag-asawa," dagdag pa ng matanda.
Naku po, manang. Wag nyong itrigger, baka may maisipan na namang hindi maganda!
Pero sa gulat ko ay ngumiti lang si Bea at magana na ring kumain matapos magpasalamat sa matanda.
'Disappointed ka 'no? Akala mo titignan ka na naman niya ng makahulugan, 'no?' tudyo ng aking isipan.
'Baliw! Hindi!' ganting away ko sa aking alter ego.
"Candice, Ariz, how was the food? It's good, right?" tanong ni Bea sa dalawa pang kasamahan namin.
"Napakasarap po, ate!" nakangiting sabi ni Candice. Ewan kung guni-guni ko lang pero bakit parang plastikan ang pagkakasabi nun ni Candice? Hmm...
"Masarap po, boss. Malapot at malinamnam," komento ni Ariz. Ngayon ko lang ito na narinig na nagsalita ng ganun kahaba. Ang lalim pala ng boses nito. Lalaking-lalaki, ah.
"Syempre naman! Luto namin ‘yan ni Andrea, eh," proud na sabi ni Bea.
Ang saya talaga ng babae. Nakikita ko naman na parang totoo at proud ito sa achievement, kaya nasiyahan na rin ako.
"Napakagaling mo kasing assistant, ma'am. Kaya masarap ang pagkakaluto rin ng sinigang," puri ko sa kanya.
Sadyang mainit lang ba? Pumula kasi ang mukha ng babae.
"Salamat," maikling sabi niya at sunod sunod na sumubo.
"Hala, dahan-dahan po. Baka mabulunan ka," nag-aalalang wika ko tsaka sinalinan ito ng isang basong tubig.
Uminom naman ito at napaburp sa madla.
"Sorry. Excuse me," sabi niya at tinakpan ng isang kamay ang mga labi. Mas lalong namula ang mukha ng babae.
Natawa ako ng mahina. Ngumiti naman ito na parang nahihiya at nagtuloy-tuloy na ulit sa pagkain.
Tapos na kaming kumain. Busog na busog ako kaya gusto ko sanang maglakad-lakad muna sa dalampasigan pero nabasa ata ni Bea ang aking isipan, kasi niyaya niya nga akong maglakad-lakad sa baybayin.
Nagdala ako ng payong pang protection lang. Baka din kasi matusta 'tong si Bea kahit na sabihing hindi naman masyadong mainit ang sikat ng araw. Ewan ko ba. Iba kasi rito sa beach. Kahit na hindi matindi ang sikat ng araw, magkakasunburn ka pa rin kung tatambay ka ng matagal.
Tahimik na kaming naglalakad ni Bea sa dalampasigan. Hawak ko sa isang kamay ang mga tsinelas namin at hawak ko rin sa isang kamay ang payong. Nakasunod sa hindi kalayuan si Ariz.
Sobrang tahimik ni Bea ngayon. Hindi ko alam kung anong sumapi sa kanya pero from yesterday tapos ngayon, nagchange personality na ito. Hindi na siya nagtetake advantage sa akin. Gusto ko naman ‘yong bagong pinapakita niyang ugali pero alam mo ‘yon, medyo hindi pa rin ako makapanilawang mag-iiba siya ng ugali over night.
I think narealized niyang hindi magandang ipilit ang mga bagay na hindi naman talaga dapat. I hope so.
Hindi ko pa naopen-up ang about sa plano kong paghahanap sa totoong katauhan ko. Naghahanap pa kasi ako ng tyempo. Tsaka sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
What if masamang tao talaga ako? Na kaya ako may mga tama ng baril kasi kriminal ako? Or baka may mga nagtatangka sa buhay ko dahil may malaki akong atraso to certain someone na influential? Or baka wanted ako sa pulis at sinadya nila akong dispatsahin? Ang dami kong tanong sa isipan. Kaya heto na naman, sumasakit na naman ang ulo ko.
"Okay ka lang, Andrea?" Napansin na pala ni Bea kung anong nangyayari sa akin.
"O-oo. Medyo busog lang siguro," pagsisinungaling ko. Kinalma ko ang isipan at sinubukang wag munang mag-isip ng tungkol sa nakaraan ko. Sabi nga ni Doc Mighty, wag ko daw muna ipilit dahil mas lalo daw sasakit ang ulo ko kapag pinilit kong alalahanin kung sino ako.
"Ako rin, eh. Busog na busog," wika niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Medyo nawala na rin ang sakit ng ulo ko dahil sinusubukan kong ibaling sa iba ang aking atensyon. Sumusulyap-sulyap ako kay Bea. Habang tumatagal talaga ay nagiging replica ito ni Doktora. Magnanay nga sila. Walang duda. "Salamat sa pagtuturo sa akin kanina, ha."
"Naku, walang anuman po ‘yon. Todo effort ka rin naman po sa pag-aassist sa akin."
"Naku, napakasinungaling mo. Ilang beses ko ngang namurder ‘yong kamatis at tsaka ibang spices. Ginawan mo lang ng paraan."
Natawa ako ng mahina ng maalala ang sinabi niya. Totoo kasi ‘yon. Kulang na lamang ay i-diced niya ‘yong spices. Ang sabi pa niya, mas okay daw ‘yong diced at maliliit ang cuts para malasa daw. May point naman siya pero wag naman ‘yong ang ninipis na, sobrang pino pa. Sinigang nga kasi ‘yong lulutuin namin, 'di ba? Mabuti nga naagapan ko pa bago niya tuluyang i-slice ng pino ‘yong pang sinigang namin.
"First time mo naman kasi, 'di ba?" Tumango ito. "Tsaka ‘yong fact lang na nagta-try ka at nag-e-effort para matuto, malaking bagay na ‘yon."
"Talaga?"
"Oo naman, ma'am. ‘yon po ang importante, ‘yong willingness na matuto."
"Tama ka nga naman. May point ka dun. Kaya simula ngayon, turuan mo na akong magluto, ha? I want to learn more from you, sensei."
Natawa ako sa narinig.
"Bakit?" narinig kong tanong niya.
"Wala." Nakaaliw pala 'tong si Bea. Kung ganito ba naman siya kabait lagi, eh, feeling ko magkakasundo kami parati.
"Bakit nga? You are laughing at me," maktol niya and she stopped walking. Ayan, lumabas na ang totoong ugali ng brat.
Natigil rin ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Nakita kong nakapout pa ito and she looks so damn cute habang nag-a-attitude.
Gusto kong pigain ang magkabilang pisngi niya pero occupied pala ang dalawang kamay ko. Kaya ang nasabi ko na lang ay, "Napakacute mo kasi. May pa-sensei sensei ka pang nalalaman."
Tumaas ang isang kilay nito tsaka umirap. Namumula na naman ang babae. Na-sunburn na ba ito agad?
"Tse!" she said at nagpatiunang naglakad.
Napailing-iling na lamang ako ng aking ulo pero nakangiti pa rin. Hindi rin pala nagtagal ang pagiging mabait ng babae, bumalik na naman ang masungit na dragon.
"Andrea! Habulin mo ako, hoy!" sigaw nito ng lumingon sa akin. Lakas makachange ng mood ni Bea. Isang araw, lalandiin ka. Tapos isang araw magiging mabait. Tapos heto nga at bitchesa na ulit siya.
Natawa ako ng mahina. Ewan ko pero parang wala ng epekto ‘yong pagsusungit niyang ‘yon sa akin. At ang hindi ko pa mawari ay mas naging cute lang ito at appealing sa paningin ko. Hmm...