ANDREA
"ANDREA, bored ka na ba dito?" tanong ni Bea sa akin.
Nandito kami sa ngayon sa balcony na extended sa kwarto niya. It was siesta time at inimbitahan niya ulit ako dito sa silid niya. Magtsa-tsaa lang daw kami. Which is iyon naman talaga ang ginawa namin. Nag-tsaa nga lamang kami habang nakaupo sa tig-iisang couch ng balcony.
Ang ganda talaga ng view mula rito. Kitang-kita ang walang katapusang karagatan at mga mangingisda na nasa laot. Ang sarap ng simoy ng hangin at masyadong still ang dagat. It was so relaxing.
"H-hindi naman. Maganda naman dito," ang sabi ko habang humigop sa tasa ng aking tsaa.
Ilang araw na rin ang nakalipas. At sobrang nabaguhan talaga ako sa kabaitan na pinapakita ni Bea sa akin. Although mabait naman talaga ito sa akin noon pero ‘yon nga ay lagi itong may s****l jokes o inaasar niya ako gamit ng paglalandi. Pero nung mga nakaraang araw, kahit nagiging attitude brat ito paminsan-minsan ay hindi na niya ako minamanyak.
Tsaka tinotoo niya ‘yong sabi niyang magpapaturo siyang magluto. Napakabilis nga nitong matuto at tuwang-tuwa naman ako rito. Natatawa pa rin ako kapag tinatawag niyang sensei pero nakakasanayan ko na minsan. Feeling ko ay mas nakikilala ko pang mabuti si Bea at masasabi kong hindi naman pala ganun ka bratinella ang mayamang dalaga.
"Sinungaling 'to. Nauutal ka pa nga d’yan. Sus," asar niya sa akin.
And yes, nakikipagbiruan at asaran na rin siya sa akin. Pero hindi ko pa rin naman nakakalimutan na amo ko ito kaya sinusubukan kong huwag lumampas sa linyang ‘yon. Setting boundaries is good. Lalo na sa relasyong ng amo at empleyado niya.
"Totoo nga kasi, ma'am," natatawang sabi ko. Sumimangot kasi ito at tinapunan ako ng macaroons na nasa lamesita. Nasalo ko naman ‘yong pagkain, pagkatapos kong mabalatan ay kinain ko iyon.
Napansin kong nakamasid lamang ito sa akin.
"Ma'am?" tawag ko sa kanya. Mukhang naestatwa na kasi ito. Ako ba ang tinitignan niya? Ngumunguya pa rin ako at tatawagin ko sana ulit ang pansin niya ng naunahan na niya akong magsalita.
"Andrea," mahinang usal niya at ngayon nga ay nakayuko na sa tasa ng kanyang tsaa. May ginawa ba akong ikinagalit niya? Bakit parang nalungkot siya at sumeryoso ang mukha?
"Ma'am?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"P-pwede bang wag mo na akong tawaging ma'am?"
Tama ba ang narinig ko? Ayaw niyang tawagin ko siyang ma'am? Ano na naman kaya ang plano niya?
"Ha? Bakit po? Eh, amo ko po kayo," ang saad ko. "Gusto niyo po bang ibang tawag na lang? Ano po ba ang prefer niyo? dagdag na tanong ko sa kanya.
"Nothing and I know that I am your boss but I want us to be... friends," this time ay nakatingin na siya sa aking ng sabihin niya ang mga katagang ‘yon. "So, please stop calling me ma'am..."
I can see the sincerity in her eyes. Paano ko ba mare-refuse ang cute na dalagang ito?
"Eh, o-okay lang naman po sa akin ‘yon, ma'am. Wala namang problema," ang sabi ko.
"Pero wag mo na nga akong tawaging ma'am. What I mean is treat me as your friend, too. Talk to me casually. Address me by my first name," sabi niya.
"Oh..." Iyon pala ang gusto niyang mangyari. First name basis? Huh.
"Anong 'oh'?" sita niya sa akin. Salubong na naman ang dalawang kilay niya. Kanina ang bait, ngayon may attitude na naman. Ang cute.
May binubulong pa siya pero hindi ko marinig nang mabuti. Kinakausap niya ba ang sarili? Mukha nga niyang inaaway ang sarili. Ang cute ni Bea. Nakaaliw.
"Ang cute mo, ma'am," natatawang wika ko.
"Sabi ng huwag mo akong tawaging ma'am, eh! First name nga lang o baka gusto mo... my love..." pabulong at uminom siya ng kanyang tsaa nung sinabi niya ‘yong mga huling kataga kaya hindi ko narinig. O baka ano daw? Ang weird din minsan ni Bea, eh.
"Okay, sige, Bea..." payag ko at tinawag na ito sa kanyang pangalan.
Nakita kong umirap ito pero nakangiti. Parang baliw talaga pero seriously, ang cute niya. Parang batang nagmamaktol.
"Ayan naman pala. Kaya naman palang tawagin ako sa first name ko pero kailangan pang magpapilit. Sus... pinky swear muna. Pang seal ng friendship natin." Bata pa nga talaga 'tong si Bea. May pa-pinky swear pang nalalaman.
Para hindi na ulit ito mainis, sinunod ko na lamang ang gusto niya.
"Ayan, ha. Wag mo na akong tatawaging ma'am. Bea na lang. Tsaka friends na tayo, ha?" sabi niya ng matapos kaming mag-pinky swear.
"Yes, ma--- Bea," muntik ko na siyang matawag ng ma'am, pero agad kong nabawi kasi nilakihan niya ako ng mga mata. Dito nga siguro nagmana si Candice. Pareho sila ng ugali ni Bea, eh. Pero I found her hilarious and cute. Hindi na gaya dati na ‘yong natatakot ako dun sa aggressive na Bea. I like what she is right now. Calmer and friendlier.
"Tsaka mas matanda ka naman sa akin. Kaya dapat alagaan mo ako." Natigil ako sa paghigop ng aking tsaa sa kanyang sinabi.
"Paano mong nalaman na mas matanda ako sa'yo?" tanong ko dito.
Sumeryoso naman ang mukha niya. Ipinatong niya muna ang tasa sa platitong lagayan nito at tumingin sa akin.
"Magkaibigan na tayo, 'di ba?" Tumango lamang ako bilang sagot. Ginawa ko rin ang ginawa niya sa aking hawak na tasa. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa pagseryosong muli ng mukha niya. "And I want to be honest with you kaya I will tell you na nagpa-background check ako. Kasi concern din naman ako kung sino ka or baka anong nangyari sa'yo. I hope you understand..."
Hinayaan ko lang siyang magsalita at tahimik na nakikinig lamang ako. Mamaya na ako magre-react pagkatapos niyang magkwento but I need more information kasi tumigil na siya sa pagsasalita. She was waiting for me to say something as well, so I did.
"Please tell me more kung anong nalaman mo tungkol sa akin..." encourage ko sa kanya.
"So, ayun, nalaman ko na ang totoo mong pangalan ay Paula Dizon, twenty six years old. Wala ka nang pamilya at nagtatrabaho ka sa isang music school as a voice coach. Tapos ka ng business management sa UP. Tapos they declared you dead when they couldn't find your body after 72 hours. Ang sabi dun sa report, biktima ka daw ng carnapping at holdup. Huling kita sa'yo ay nung papauwi ka na sa nirerentahan mong bahay galing sa workplace mo. Pagkatapos nun, hindi ka na nakita. Even your car was missing. Kaya na-conclude nila na carnapping at hold-upping ‘yong naganap," mahabang kwento ni Bea.
Ah, ganun pala ang nangyari sa akin. So, ulila na rin pala ako? Ang saklap naman. So, wala rin palang maghahanap sa akin. Hmm...
Tsaka ramdam ko namang mas matanda talaga ako kay Bea kaya hindi na shocking ‘yong edad ko. Pero voice coach? Talaga ba? I have a great voice? Tsaka may kotse pala ako, so marunong akong magmamaneho? Interesting.
"Andrea?" narinig kong tawag sa akin ni Bea, na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "May mga naalala ka ba sa mga kwinento ko sa'yo?"
"Wala, eh." Totoo. Ni walang na-trigger sa isipan ko sa mga sinabi niya. "I was really hoping na meron sanang kahit na flashback man lang pero wala talaga."
"Hmm... I see. Huwag mo na lang pilitin muna. Baka sumakit lang ang ulo mo. Iniinom mo ba lagi ang gamot mo na prescribe ni Doc Mighty?"
"Oo," sagot ko.
"Andrea... or do you want to be called Paula?" Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Bea.
At hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kanya, to be honest. Nalilito pa rin kasi ako sa mga naikwento sa akin ni Bea. And I was here, about to ask her kung pwede kong hanapin or maghanap ng impormasyon tungkol sa totoong pagkatao ko pero naunahan na pala niya ako. Well, that was fine because she saved me a lot of time.
"Please call me Paula na lang siguro. It might trigger other memories kung lagi mo akong tatawagin sa dating pangalan ko..." natigil ako sa sinasabi dahil nakita kong nalungkot ito. Why? "Yan ay kung okay lang sa'yo," dagdag ko na lamang.
"O-okay lang naman, eh. Karapatan mo naman ‘yon kasi ‘yon naman talaga ang pangalan mo. P-pero Paula, aalis ka na ba dito dahil sa nalaman mo?" naiiyak na tanong nito.
Another question from her na hindi ko na naman alam ang isasagot sa kanya. All I know is that I felt the urge to hug her. Kailan lang ba ako naging sympathetic sa babaeng ito?
"H-hindi. Ano ka ba? Magpapatulong pa nga sana ako sa'yo na you know, hanapin kung sino talaga ako but you have saved me a lot of time for doing this for me. Kaya thankful ako. And for the meantime, habang iniisip ko kung anong susunod na gagawin ko sa bagong buhay ko, pwede bang makitira ulit dito as Paula? Tutulong pa rin ako sa gawaing bahay at magiging kasambahay mo para pambayad sa pag-stay ko rito, huwag kang mag-alala," I assured her.
"Hala, oo naman! Ikaw pa ba? Kahit pa hindi mo sabihin ‘yan, tatanggapin pa rin kita dito," masaya na ulit na sabi niya. "So, Paula, hindi ka na muna aalis? Dito ka na lang?"
Tumango ako. "Oo, Bea. Makikitira muna ako dito, ha," sabi ko dito at ngumiti sa kanya. Nakakahawa kasi ang ngiting nakikita ko sa labi niya ngayon.
"Thank you, Paula! You made me so happy." Sobrang saya nga nito na akin namang ramdam at nakikita. "Akala ko mawawalan ako kaagad ng kaibigan. Que bago pa lang nga nating naging friends pero iiwan mo na ako kaagad," naiiyak na sabi niya. Her changed of mood is really amazing.
"Huwag ka ng umiyak," sabi ko at lumapit na dito. Nakaluhod ako ngayon sa harapan niya at pinapahid ng aking hinlalaki ang mga luhang tumutulo na sa kanyang mga mata. How adorable. "Malaki ang utang na loob ko sa'yo, Bea. Kaya for the meantime, gusto ko ring makabawi kahit papaano sa'yo. I think I can be useful sa business niyo if you want kasi sabi mo naman I graduated in business management. I might have to recall the things I have learned from that course before, kaya give me some time."
Ngumiti na ito kahit hilam pa rin ng luha ang kanyang mga mata.
"Salamat, Paula. I really like you kaya I want to be friends and be with you longer. Please don't leave me agad," sabi niya at yumakap sa akin. Ang higpit ng yakap niya at gaya nga ng sabi niya, nararamdaman kong ayaw niya talaga akong umalis muna sa poder niya.
"I won't. Kaya huwag ka ng umiyak," ang sabi ko at hinagod ko na lamang ang likod niya.
At least ngayon, alam ko na kung sino ako at kung ano ang past life ko. But then, I realized na patay na pala ‘yong taong ‘yon sa madla. Ni wala nga akong pamilya kaya bukod sa walang maghahanap sa akin ay wala na rin akong babalikan.
Hindi ko pa alam ang balak ko sa ngayon pero mabuti na lang at nandito si Bea na handang tulungan ako. Napakaswerte ko pa rin kahit ganun ang sinapit ng dating ako.