ANDREA "GISING na, Bea," ang sabi ko sa mahimbing pang natutulog na babae. "Hmm..." ungol nito. Nagulat pa ako ng abutin niya ako at ipulupot ang kanyang mga kamay sa aking leeg. Na out of balance ako dahil sa kanyang ginawa kaya I landed on top of her. "Good morning, baby," sabi pa ng babae pero nakapikit pa rin. "Kiss?" dagdag pa nito at inginuso ang mga labi. Kagigising lang ng babae pero walang amoy ang kanyang morning breath. Such a lucky woman. Natawa ako sa kanyang ginawa. I am not sure kung gising na ito o nananaginip. "Tigilan mo nga ako at tumayo ka na d’yan," walang patawad na sabi ko at pinitik nang mahina ang noo niya. Nabitawan niya ako and I used that opportunity para makawala rito. Tumayo ako sa gilid niya. Iyong sakto lang na hindi niya na ulit ako maabot. "Arayyy!!!

