PAULA TAHIMIK kaming naglakad palabas ng hospital. Nakasunod lamang ako kay Teresa. Huminto ito nang nasa labas na kami at sinabing, “Where’s your car? Let’s talk there..." Napaka-cold, eh. “Follow me,” I said at nagpatiunang naglakad papunta sa aking kotse. Tahimik pa rin kaming pumasok sa sasakyan. Nang makapasok na kami ay namayani ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi na ako nakatiis at magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako. “Hinatid mo ba si Bea sa bahay?” monotone na tanong niya. “Oo…” “Good. Kumusta naman ang lakad niyo? Nag-enjoy ka ba?” dagdag na tanong niya. Umungol ako. “I did. Masaya naman kasama si Bea. Walang arte sa katawan.” “That’s great to hear. I understand that you are enjoying each other’s company but Paula I want you to stop

