TERESA TAPOS na ang shift ko ng gabing ‘yon and I was getting ready to go home. I was exhausted pero okay lang, motivated ako at super inspired, eh. Paula went here last night and we’ve talked. Ang plano kong pag-iwas sa kanya ay naudlot dahil ipinagkanulo ako ng aking nararamdaman. For some reason, I still feel guilty thinking about it. Kasi pinapaiwas ko ito kay Bea pero ako naman ay hindi ko kayang umiwas sa kanya. I know ang laki ng consequences ng ginagawa ko ngayon pero bahala na. Gustong-gusto ko rin talaga kasi si Paula. At napapayag niya rin ako kasi nakikita kong willing naman itong sumugal. She’s one of a kind. And I am falling for her really hard. Hay. “Bye, Eve. Umuwi ka na rin,” sabi ko sa nurse nang dumaan ako sa nurse station. “Yes, Doc. May inaayos lang po…” nakang

