ANDREA “DO YOU love baseball hats?” tanong ni Teresa sa akin habang nagmamaneho. Hindi pa rin ako mapalagay. Hindi sa hindi ako masayang kasama siya pero kinakabahan ako na baka may mali akong magawa at mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong mapahiya sa harapan ni Teresa. “Ah, yes,” sagot ko kahit hindi naman ako sure. I just wore the hat because I need to cover my face, at least hindi masyadong napaghahalataan ang mukha ko sa public. “Okay. Do you want to drive?” “Ha?” Tumawa nang mahina si Teresa. “Bakit?” nagtatakang tanong ko. “M-may dumi ba sa mukha ko?” Natawa kasi ito. Baka may kulangot ako? Nakakahiya. Na-conscious tuloy ako. “I am sorry. Wala naman. You are so cute kasi…” she said, smiling. Nakahinga ako nang maluwag sa sagot niya pero ayan na naman siya. Tinawag na

