Chapter 34

2284 Words

PAULA “HATID na kita,” sabi ko kay Teresa. Tapos na ang dinner sa bahay ng mga Tan at uwian na. Nasa labas na kami ng bahay. Nagpaalam na rin si Teresa pero syempre hindi ako pumayag na hindi siya maihatid sa labas. “Saan?” “Sa bahay mo.” “Really? What are you? Some experts now in driving?” she teased me. Natawa ako ng mahina. “Hindi naman. I still don’t think I am safe to drive alone.” “Oh, paano mo ako ihahatid kung ganyan pala ‘yong sitwasyon?” “Well, I am confident naman kasi bumalik na mostly ang alaala ko. At pwede namang ikaw ang magmamaneho papunta sa bahay mo tapos ako na ang magmamaneho pag-uwi ko…” I said. I just wanted to be with her. Kung pwede nga lang ay ayaw ko ng mahiwalay sa piling niya. Pero sobrang needy ko na kung gano’n, ‘di ba? Natawa ito sa aking sinabi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD