TERESA “IS THAT Paula?” may biglang nagtanong na epal sa likod ko. Napailing-iling na napangiti na lamang ako at kinuha ang chart sa nurse station tsaka naglakad palayo rito. “Hala. Hindi namamansin. Ganyan ka na ngayon?” Habol niya sa akin. “What do you need, Mars? Wala ka bang pasyente?” tanong ko sa kanya na sa charts pa rin nakatingin. “Mayroon pero gusto kong maki-chismis. So, inaanak ko ang kausap mo, ‘di ba?” I playfully rolled my eyes at sumulyap sa kanya. “Yes.” Tumili ito. “Hoy! Anong ginagawa mo?” kastigo ko sa kanya. “Wala lang. Kinikilig ako. Very unexpected kasi…” sabi ni Mara. Mabuti na lang at wala kaming nakasalubong o ibang tao sa hallway nang magpasya itong tumili na parang teenager. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. “Tigilan mo nga ako, Mara…” “Nope. So, i

