ANDREA “GOOD morning,” bati ni Teresa. Naabutan niya ako sa kusina na nagluluto ng breakfast. Tapos na rin ako sa morning jog ko. Medyo late nagising si Manang Fely dahil masama raw ang pakiramdam niya kaya nagpresenta na akong ako na muna ang magluluto ng agahan. Ito kasi talaga ang laging nagluluto sa kusina. “Good morning, Tere. Gusto mo ba ng kape?” casual na tanong ko habang patuloy sa pagluluto. Pero sumulyap na ako sa kanya kanina. Naka-roba lang ito at as usual, ang sarap na naman niya sa umaga. Busog na ang aking mga mata. “Ako na. Tuloy mo lang ‘yang ginagawa mo…” narinig kong sabi niya. “Okay…” Nakakarinig din ako ng mga paggalaw sa aking likuran pero hindi na ako lumingon dahil baka masunog ang niluluto kong bacon. “Tapos ka na mag-jogging?” muling tanong ni Tere. Nandi

