"Own me now!" Napaawang ang labi ni Calex sa sinabi niya.Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Siya man ay higit na kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ba a maaring kahihinatnan uras na ipaubaya na niya ang sarili sa asawa.Lalo pa nga at hindi pa maayos ang lahat sa kanila. ''Are you sure about this,hon?"Tanong at paninigurado sa kanya ni Calex. Tinitigan sya nito sa mga mata.Sinisigurado kung tama nga ba ang sinabi niya.Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala siyang ibang maramdaman kundi ang kagustuhan na ipagkaloob ang sarili sa asawa. Buo na ang kanyang loob. Marahan siyang tumango kay Calex. "Sigurado na ako."walang alinlangan niyang sagot sa asawa.Napalunok siya ng maging malamlam ang tingin sa kanya ng asawa. Masuyo nitong hinagkan ang kanyang noo. ''Tatanungin ulit kita.

