Nagising siya sa padampi-damping halik sa kanyang mukha. Kinusot niya ang mata at inaninaw ang taong ngayon ay nakapatong ang baba sa dibdib niya. "Good morning asawa ko."Tila ay nawala ang lahat ng antok na nararamdaman niya ng mabosesan ang taong nakadagan at nakatunghay sa kanya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata. Nakangiting mukha ni Calex ang nabungaran niya. ''Good morning mahal ko."Inaantok man ay nakangiting ganting bati niya at sinuklay nang kanyang mga daliri ang medyo mamasa-masa pa nitong buhok. Na sa tingin niya ay katatapos lang nito maligo . Mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti sa kanya ng asawa at napatitig sa mukha niya. Na ipinagtaka niya.Kunot ang kanyang noo ng tingnan pabalik ang kanyang asawa. ''Bakit?"Takang tanong niya. Nakangiting umiling ito at masuyo s

