Kahit late ng natulog kagabi ay maaga pa din siyang gumising. Kahit nandoon na si Elisa na kasama nila sa bahay ang gusto niya ay siya parin ang personal na magluto para kay Calex. Fried rice na nilagyan niya ng maraming bawang habang ang niluto niyang ulam ay tocino,hotdog. Nag prito din siya ng ilang piraso ng bacon.Syempre hindi mawawala ang paborito niyang daing with sukang maanghang.Napangiti siya habang naghahain ng kanilang almusal. Ito yata ang umagang masasabi niyang talaga naman masaya siya. Tulad ng inaasahan ay naging hatid at sundo siya ni Calex sa kanyang trabaho.Sa mga nagdaan pa na mga araw ay mas lalo pang naging malapit sila sa isat isa.Na labis naman ikinasasaya ng puso niya. ''Baka naman maubos ang kamay ko."Isang umaga ay natatawa niyang biro kay Calex nang ihatid si

