"Hon,ipapasundo na lang kita kay Mang Jun. Male-late ako ng uwi. May tinatapos lang ako na trabaho dito sa opisina. " Habang palabas ng Megaplex ay iyon ang kanyang natanggap na mensahe mula kay Calex. Kahit sinabi nito sa kanya na ito ang susundo ngayon sa kanya. Naiintindihan niya ang asawa. Alam niya ang matinding responsibilidad nito sa kumpanya. He is a boss by his own company. At kinakailangan siguro nito matapos ngayon ang trabaho nito.Umupo siya sa bakanteng bench at nag type sa kanyang cellphone.''Okay.Hintayin ko na lang si Mang Jun.Ingat ka sa pag-uwi."Nang maisend niya ang text kay Calex ay muli niya inilagay sa bag ang cellphone.Isinandal niya sa bench ang pagod na katawan. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na din si Mang Jun.Madali lang din siya nakarating ng bahay d

