NAPAHINGA nang malalim si Lianne pagkababa niya ng taxi sa harap ng mansyon nila. Sa isang hotel siya dumeretso kaninang madaling-araw nang umalis siya at doon na siya nagpaumaga. Buo na ang kanyang desisyon, pagkakuha niya ng mga gamit niya ay babalik na siya ng Sorsogon. Paakyat na siya sa hagdan nang marinig niya ang isang tinig. “Ang lakas ng loob mong bumalik pa rito!” Natigilan siya at humarap sa nagsalita. Nakita niya ang Tita Cassandra niya na kapapasok lang din sa mansyon. Bago pa siya makakilos o makapagsalita ay isang malakas na sampal ang pinatama nito sa kaliwang pisngi niya. Sapo ang nasaktang pisngi na tiningnan niya ito. “Ano ba’ng problema mo?” “Problema? Alam mo ba kung nasaan ngayon si Kuya?” galit na sabi nito. “Nasa ospital siya ngayon. Isinugod siya doon dahil sa

