Chapter Twenty-One

1669 Words

ILANG minuto nang nakatingin si Lianne sa hawak niyang cellphone. Gusto niyang tawagan si Tita Emily, sa palagay niya ay alam ng matandang babae ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Matagal na rin itong kaibigan ng Mommy niya kaya sigurado siyang masasagot nito ang kanyang mga tanong. Kahit na sinabi na nina Tita Cassandra at Xander ang tungkol sa naging affair ng kanyang ina ay nais pa rin niyang makatiyak. Hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa iyon ng kanyang ina. Pagkagaling nila sa mansiyon ay inihatid siya ni Xander sa isang hotel. Nais sana niya na umuwi na sa Sorsogon pero pinigilan siya ng binata. Magpahinga raw muna siya dito sa hotel at para makapag-isip-isip siya. Bukod pa roon, isa rin sa pumipigil sa kanya na umalis ay ang kalagayan ng kinikilalang ama, nag-aalal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD