BAKAS ang tuwa sa mukha ng mga naabutan nina Lianne sa mansyon pag-uwi nila. Kalalabas lang ng daddy niya ng ospital. Nagkaayos na sila ng mga tiyahin niya at kitang-kita ang tuwa ng Lola niya dahil ngayon ay magkakasundo na ang kanilang pamilya. Maging si Desiree ay naroon din para maki-celebrate sa pag-uwi ng daddy niya mula sa ospital. “Tito, mabuti naman ho at mabilis kayong naka-recover,” nakangiting sabi ni Desiree na humalik pa sa pisngi ng Daddy niya. “Magaling kasing mag-alaga ang anak ko,” nakangiting sabi ng kanyang ama na tinapik-tapik pa ang kamay niyang nakaalalay sa braso nito. Matipid lang siyang ngumiti. "Thank you sa pagpunta mo rito, Hija." "Dapat nga ho sana sasama ako sa pagsundo sa inyo sa hospital, pero hindi ako dinaanan nitong si Xander," ani Desiree na inirapan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


