Day 9: Reverse

604 Words
Troy's POV Hindi ako makatulog kagabi. Pinag-isipan kong maigi ang pinagsasabi ng kapatid ko. Siguro nga may pagtingin na ako kay Kylie. Nag-aalangan lang akong aminin dahil may boyfriend siya na patuloy niya pa ring hinihintay na bumalik. Napagdesisyunan ko, kung siya ang nagpapadala ng message noon, ako naman ngayon. Mangungulit ako pero hindi ko balak agawin siya sa kanyang boyfriend. Gusto ko lang maging magkaibigan kami. Tatanggapin ko kung hanggang doon lang kami. To: Kylie Good morning! Sent: 6:15am To: Kylie Hindi na ako ang babe mo but I can be your baby ;) Joke. Troy nga pala ang pangalan ko. Nice to meet you. Sent: 6:16am To: Kylie Alam mo bang late talaga akong gumising kaya late rin akong pumapasok sa eskwela? Pero magmula nang mag-text ka, maaga na akong nagigising. I’d like to thank you for that. Sent: 6:17am To: Kylie Alam kong pinagbawalan mo akong i-text ka pero hindi ko kaya. Naging parte ka na—ang messages mo ng ilang araw ko. Nasanay na ako kaya pwede bang makipagkaibigan sa ‘yo? Sent: 6:18am To: Kylie Ako naman ngayon ang magte-text. Hindi mo kailangan mag-reply. Hindi kita pipilitin. Hayaan mo lang sana ako. Sent: 6:20am To: Kylie May pasok ngayon kaya maghahanda muna ako. Gising ka na ba? Gumising ka na rin. Mag-ingat ka sa pagpasok. Sent: 6:21am To: Kylie Papuntang eskwelahan na ako. Sakay sa motor ko. Ikaw? Pumasok ka ba? Sent: 6:45am To: Kylie May instructor kayo? Anong ginagawa mo ngayon? Busy ka ba? Sent: 8:54am To: Kylie Kanina pa kami walang instructor hanggang dumating na ang snack time. Puro kalokohan tuloy ang dalawang tukmol. Tsk! Sent: 9:16am To: Kylie Ang tinutukoy kong mga tukmol ay sina Baron at Calvin. ‘Yung tumulong din sa ‘yo nang muntik manakaw ang cellphone mo. Hindi ko alam kung bakit ko sila naging kaibigan. Sent: 9:19am To: Kylie Sa wakas ay may instructor na kami. General Mathematics ang subject. Mamaya na lang ulit. Sent: 10:12am To: Kylie Happy lunch! May kasama ka ba? Kung wala, yayain mo si Helen para hindi ka mag-isang kumain. Sent: 12:24pm To: Kylie History. Dislike mo rin ba at inaantok ka sa subject na ‘to? Karamihan kasi sa kaklase ko ay tulog na. Ilan na lang kaming nakikinig sa nagtuturo. Ewan ko pero para sa akin, magandang pag-aralan ang history ng Pilipinas. Sent: 1:27pm To: Kylie Philosophy time. Sa subject talaga na ito ako inaantok. Hindi ko alam kung dahil ba sa boses ni ma’am o baka dahil siesta period lang. Sent: 2:13pm To: Kylie Pauwi na ako. Ikaw? Mag-ingat ka sa pag-uwi. Sent: 5:41pm To: Kylie Dumaan ako ng park bago umuwi ng bahay. Nagbakasakali lang naman kung nando’n ka at makita ka ulit. Sent: 6:21pm To: Kylie Parang kulang ang araw ko na wala kang text. Nami-miss ko ata ang pag-text mo. Sent: 7:30pm To: Kylie Kakain muna ako ng hapunan. Kumain ka rin, ah? Kahit wala ang boyfriend mo, huwag mo sanang pabayaan ang kalusugan mo. Sent: 7:38pm To: Kylie Kumain ka, ha? Huwag magpapalipas gutom. Hindi rin ‘yan magugustuhan ng boyfriend mo. Sent: 7:39pm To: Kylie ‘Di ba 30 days sana ang pag-text mo sa iyong boyfriend? Day 9 mo pa lang ngayong araw kaya may 21 days pang natitira. Sent: 7:57pm To: Kylie Ako naman ang magbibigay ng deal. Ako ang magtutuloy ng 30 days. Sa natitirang 21 days, magpapadala ako ng text messages sa ‘yo. Kapag natapos na ang 21 days na 'yan, titigil na ako sa pangungulit sa ‘yo. Hindi na ako magte-text. Pangako. Sent: 8:03pm
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD