Troy's POV
From: Kylie
Happy Sunday, babe! Ang saya ko! Finally at magkikita na ulit tayo. Excited na ako sa pagkikita natin mamaya. Omg! Hindi ko mapigilang kiligin.
Received: 8:50am
From: Kylie
Anong gusto mong suotin ko, babe? Magpapaganda ba ako? Pero kahit hindi ako mag-ayos, ang ganda ko pa rin dahil natural beauty ako, ang sabi mo nga. Hehehe.
Received: 8:52am
From: Kylie
Babe, mag-date tayo diretso ha? Gosh! ‘Di na ako makapaghintay na makita ka.
Received: 8:55am
From: Kylie
Pero bago ang date, mag-usap muna tayo. Marami akong katanungan. I need an explanation from you.
Received: 8:58am
From: Kylie
Hey babe! Hindi ka man lang magre-reply? Tss.
Received: 9:05am
From: Kylie
Sige na nga. Baka busy ka kaya hindi ka maka-reply. Hindi na muna kita kukulitin. Just see you later, babe! Yieee!
Received: 9:06am
Kung kailan ko naman binalak kitain si Kylie para sabihin sa kanya ang totoo, saka naman may mangyayari para hindi ito matuloy. Sabik na sabik pa naman siya. Aasa na naman siya dahil sa akin.
“Troy, mamaya na ang cellphone. Kailangan na natin makaalis at tanghali na. Tara na!”
“Opo, Pa!”
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at ibinulsa ang cellphone bago sumunod kay Papa. Paglabas ko ng bahay, nakasakay na siya sa pickup kaya sumakay na rin ako. Isinama ulit ako ni Papa sa poultry house para tumulong doon kaya hindi ko masisipot si Kylie mamaya.
Habang nasa daan, hindi ko mapigilang mapa-isip. Dapat mag-text na ako kay Kylie para sabihin sa kanya na hindi ako makakarating. Baka kasi umasa siya at maghintay hangga’t hindi dumadating ang boyfriend niya—na ako naman talaga. Marahil iniisip niya na ang boyfriend niya ang makikipagkita sa kanya.
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone para i-text na sana siya pero hindi pa man ako nakaka-type ng isang salita ay bigla itong kinuha ni Papa. Itinago niya ito sa loob ng kanyang bulsa.
“Masyado kang distracted ng cellphone kaya ako muna ang hahawak nito. Ibabalik ko na lang sa ‘yo mamaya.”
“Pero Pa—”
“Troy, anak, huwag puro cellphone ang inaatupag. May tamang oras para gumamit nito at sa oras na ito, trabaho muna.”
Hindi na ako nagsalita pa dahil wala rin namang mangyayari kung makikipagtalo pa ako sa kanya. Strikto si Papa at kung anong sinabi niya, that’s final. Wala kang magagawa kundi ang sumunod.
Habang tumutulong sa gawain sa poultry house, lutang ako. Walang ibang laman ang isip ko kundi si Kylie. Tumakbo ang oras at patuloy ang paggawa. Gusto kong lapitan si Papa para kunin ang cellphone at i-text si Kylie pero abala ito.
Lumipas ang buong araw. Nang dumating ang alas singko, hindi na ako mapakali. Sigurado akong naghihintay na siya sa park. Alam kong marami na rin siyang text message sa sandaling ito. Sana hindi naman basahin ni Papa.
Dumaan ang alas singko hanggang sumapit ang alas sais, saka lang tinapos ni Papa ang trabaho. Nasa pickup na kaming dalawa ngayon pauwi ng bahay. Ibinalik niya na sa akin ang cellphone at kasalukuyan kong binabasa ang messages na pinadala ni Kylie.
From: Kylie
Naghahanda na ako, babe.
Received: 4:25pm
From: Kylie
Babe, on my way na ako.
Received: 4:37pm
From: Kylie
Babe, I’m here already! Nandito ka na rin ba?
Received: 4:53pm
From: Kylie
Mag-text ka or lumapit ka na lang sa akin. Nakaupo ako sa isang bench malapit sa isang monument.
Received: 4:58pm
From: Kylie
Babe, darating ka pa ba? Male-late ka lang ba?
Received: 5:15pm
From: Kylie
Babe, mag-text ka naman, please? Tell me kung pupunta ka pa or hindi na.
Received: 5:24pm
From: Kylie
Babe, nasa’n ka na ba? Kanina pa ako dito. Bakit hindi ka nagte-text?
Received: 5:57pm
From: Kylie
Babe, paasa ka! Nag-text ka man lang sana kung hindi ka sisipot!
Received: 6:23pm
From: Kylie
Ang sama mo, babe! I don’t deserve this! Just tell me if you don’t love me anymore! Hindi ‘tong pinagmumukha mo akong tanga at uto-uto! Nakakawalanghiya!
Received: 6:25pm
Bumuntong-hininga ako. Kailangan kong pumunta ng park at baka nando’n pa siya. Pinatigil ko kay Papa ang sasakyan. Nagtataka naman ito at naguguluhan sa kinikilos ko pero itinigil din naman nito. Bumaba na ako.
“Mauna na po kayo sa bahay. May kailangan lang po akong puntahan.”
“O, sige. Mag-ingat ka,” tugon nito kahit halatang naguguluhan pa rin.
Agad akong nag-abang ng masasakyan papunta sa park. Hindi ko alam kung nando’n pa rin si Kylie. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya pero magbabakasali pa rin ako.
Ilang minuto bago ako nakarating ng park. Ang daming tao kaya hindi ko maiwasang mailang. Hinanap ko agad si Kylie. Nilibot ko ang kabuuan ng lugar at naghanap maigi hanggang sa mamataan siya ng mga mata ko.
Natigilan ako at ilang segundo siyang pinagmasdan mula sa malayo. Nakaupo siya sa isang bangko. Nakasuot siya ng white floral dress at pares na sapatos. Nakalugay ang buhok niya. Ang simple niya lang tingnan pero sobrang ganda niya.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at nag-ipon ng lakas ng loob bago maglakad papunta sa kinaroroonan niya. Habang humahakbang palapit dito, ramdam ko ang mabilis na kabog ng puso ko. Nang nasa gilid niya na ako, isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita.
“Excuse me.”
Napalingon agad si Kylie sa akin nang magsalita ako. Tumayo siya at humarap sa akin. Napatitig ako sa mukha niya. Mas lalo siyang maganda sa malapitan. Mukha siyang anghel.
“Yes?” sambit niya at napakunot noo. “Oh, wait. Ikaw ‘yung isa sa mga lalaki na tumulong sa akin para mahuli ‘yung magnanakaw, ‘di ba?”
Wow. Natatandaan niya pa rin ako. Ang talas siguro ng memorya niya.
“Oo, ako nga.”
Ngumiti siya. Kumislot ang puso ko sa ngiti niyang iyon. Mas lalo pa siyang gumaganda kapag may nakaguhit na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi nakakapagtaka kung bakit tinamaan ‘yung dalawang tukmol sa kanya.
“Maraming salamat talaga sa inyo. Sobrang mahalaga itong cellphone na ‘to kaya hindi pwedeng mawala sa akin. Thank you, thank you talaga.”
“W-Wala ‘yon,” nauutal kong sagot.
“Parang palagi kang nandito sa park. Anong business mo dito?” tanong niya.
“Actually, Kylie...” paninimula ko. Kinakabahan ako lalo na nang makita kong napakunot siya ng noo.
“Teka! Paano mo nalaman ang pangalan ko? Hindi ko naman nasabi ang pangalan ko noon, ah?” nagtatakang tanong niya. “Kilala mo ba ako?”
“Hindi kita kilala, personally. Nakilala lang kita dahil sa cellphone na ito,” sabi ko, sabay pakita sa kanya ng cellphone.
“What do you mean?”
“Ako ang may hawak sa cellphone ng boyfriend mo kaya ako ang nakakatanggap ng messages mo sa kanya.”
“Ha?” gulat at naguguluhan niyang tanong.
“Kylie, makinig ka sa akin. Magpapaliwanag ako,” kabado kong sabi. “Nasa akin ang cellphone ng boyfriend mo kaya simula nang mag-text ka, ako ang nakakabasa. Lahat ng messages na pinapadala mo sa kanya, ako ang nakakatanggap.”
“Ano?! Paano napunta sa ‘yo ang cellphone ni Jordan? Magkakilala ba kayo? Nasaan na siya?”
Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka. Magkasalubong na ang mga kilay niya at gusot na ang kanyang noo. Humugot ako nang malalim na hininga bago ulit nagsalita.
“Wala akong alam kung nasaan ang boyfriend mo. Hindi kami magkakilala. Nabenta lang sa akin ang cellphone na ‘to kaya napunta sa akin.”
“Sino ang nagbenta niyan sa ‘yo? Nasabi niya ba kung nakita niya ang may-ari ng cellphone o saan niya ‘yan nakuha?”
“Ang pinsan ng isa sa mga tumulong din sa ‘yo noon ang nagbenta nito sa akin. Napulot raw ito sa isang bar.”
“Bar?” naguguluhang sambit niya. “Paano ‘yan mapupunta sa bar, eh hindi naman nagpupunta ng bar si Jordan?”
“Ewan ko. Iyan lang ang sinabi sa akin. Sa isang sofa sa loob ng bar niya raw ito nakuha mismo.”
Natahimik siya. Parang hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ko. Parang lahat ng lumabas sa bibig ko ay puro kasinungalingan at hindi niya mapagkakatiwalaan.
“Kung gano’n, bakit ngayon mo lang naisipan na sabihin ito? Isang linggo na akong nagte-text pero bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?”
“Natakot ako,” sambit ko. “Natakot ako na baka pagbintangan mo ako. Baka kung anong isipin mo sa akin. Baka isipin mong ninakaw ko ang cellphone na ito at ako ang sisihin mo sa pagkawala ng boyfriend mo.” At natakot din ako na magalit ka at matapos na ang lahat ng ito.
“What? Kalokohan! How could you think something like that on me?!” singhal niya.
“Sorry,” tanging nasabi ko.
“I don’t know if everything you said were true and reliable,” bulalas niya at biglang lumungkot ang mukha niya. “I’m so disappointed. Akala ko siya pa rin ang tini-text ko. Akala ko siya ang nakakatanggap ng messages ko. Akala ko makikita ko na siya ngayon. Umasa lang pala ako sa wala.”
“Sorry talaga.”
“Hindi ko kukunin ang cellphone na ‘yan dahil binili mo na ‘yan pero burahin mo ang lahat ng messages na tinext ko. From now on, I won’t text to that number anymore and don’t you dare texting me!” mariing sabi nito at naglakad na paalis.
“Kylie, wait!” Pagpigil ko sa kanya. Napahinto siya pero hindi lumingon. “Tutulungan kitang hanapin ang boyfriend mo.”
“No, thanks. I can’t trust you,” tugon nito at tuluyan nang naglakad paalis.
Napatiim-bagang ako. Mariing napapikit. Gusto kong saktan ang sarili ko. May parte sa akin na parang nagsisisi na sinabi ko pa kay Kylie ang totoo pero parang nabunutan na ako ng tinik.
May nararamdaman akong lungkot habang pauwi ng bahay. Parang may isang malaking bagay na nawala sa akin. Tapos na. Hindi na ulit ako makakatanggap pa ng messages na kumukompleto sa araw ko.
Pagdating ng bahay, sinalubong ako ng mga katanungan mula sa mga magulang ko at kay Trina pero wala akong gana para sumagot sa kanila. Agad akong tumungo ng kwarto at nahiga sa kama habang nakatulala sa kisame.
Dinukot ko mula sa bulsa ang cellphone. Binuksan ko ang messages ni Kylie. Binasa ko ulit ang lahat nang ito mula sa simula. May ngiting sumilay habang nagbabasa ako pero naglaho rin ito nang mabasa ko ang pinakahuli. Ang huling message na hindi na masusundan pa.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga. Napatingin ako sa pinto nang pumihit ang doorknob nito at bumukas ito saka iniluwa ang kapatid kong si Trina.
“Kuya Troy, anong problema? Sobrang down mo ata.”
“Trina, get out. Gusto kong mapag-isa. Iwan mo ‘ko, please?”
Parang wala lang itong narinig sa sinabi ko. Naupo pa ito sa isang upuan paharap sa akin. Kahit kailan talaga ay makulit at matigas ang ulo nito. Magkaibang-magkaiba kami.
“Yung babae bang nagte-text sa ‘yo ang nanggugulo sa isip mo?” nakangising tanong nito.
“Pa’no mo nalaman ‘yan?!” gulat kong tanong at napabangon sa pagkakahiga.
“Kahapon kasi no’ng pagpasok ko rito sa kwarto mo, nakita ko ang cellphone mo. Hindi ko naman talaga papakialaman pero biglang may nag-message, eh.”
“At binasa mo?”
“Syempre! Kilala mo naman ako ‘di ba?”
Inis akong napakamot sa ulo at tiningnan ito nang seryoso. “Lumabas ka na!”
“Teka lang. Magkuwentuhan muna tayo,” wika nito. “Sabi ni Papa ay may pinuntahan ka raw. Si Kylie ba? Anong nangyari sa pagkikita ninyo?”
“Lumabas ka na kung ayaw mong ako pa ang kumaladkad sa ‘yo palabas.”
“Well, kahit hindi mo sabihin, obvious naman sa itsura mo kung anong nangyari sa pagkikita ninyo. Malamang nagalit siya dahil hindi mo agad sinabi sa kanya ang totoo. For sure, hindi na siya magte-text pa. Tsk, tsk!” sabi nito saka umiling.
Napabuntong-hininga ako.
“Nalulungkot ka dahil hindi na siya magte-text? Sus! Kung nalulungkot ka, eh ‘di ikaw ang mag-text. Kulitin mo. Agawin mo sa jowa niya. Tutal, mukhang iniwan na rin naman siguro siya ng kanyang boyfriend.”
“Trina, sixteen ka pa lang pero ganyan na ang lumalabas sa bibig mo!”
“Eh, sorry naman, Kuya. Opinyon ko lang naman saka tinutulungan lang kita.”
“Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino.”
“Bahala ka. Ikaw din. Makakaya mo bang pakawalan ang babaeng unang nagpatibok ng puso mo?” nakangiting sabi nito.
“Anong pinagsasabi mo?”
“Don’t deny it, Kuya. Halata naman na gusto mo na ang babaeng iyon. In denial ka lang dahil iniisip mo siguro na may boyfriend na siya at hindi mo ‘yon mapapalitan.”
“Shut up and get out.”
“Oo na. Lalabas na,” tatawa-tawa itong tumayo at naglakad papuntang pinto pero bago lumabas, may pahabol pa itong sinabi. “Pag-isipan mo, Kuya. Would you just let her go or would you make her yours? It’s all up to you, my brother.”