Day 15: Wish

1729 Words
KYLIE’S POV From: trxy Good morning! Just woke up. Received: 9:43am To: trxy Morning pa ba sa ‘yo ang oras na 'to? Tanghali na kaya. Sent: 9:45am From: trxy Haha sanay kasi akong gumising ng tanghali kapag walang pasok. Ano palang gawa mo? Received: 9:45am To: trxy Pauwi ng bahay galing simbahan with my family. Sent: 4:46am From: trxy Linggo nga pala ngayon. Received: 4:46am To: trxy Yeah, a day to visit God's home. Kinaugalian na nating mga Pilipino na mag-simba tuwing araw ng Linggo para mag-dasal at magpasalamat sa mga binigay sa atin ng Diyos. Sent: 4:46am Nakaugalian na rin namin ito ni Jordan. Maaga siyang pupunta ng bahay at susunduin ako para mag-attend ng morning mass. Pero dahil wala siya ngayon, ang pamilya ko muna ang nakakasama ko. Ang dami sana naming magagandang pinagsamahan pero bakit kaya kami nagkaganito? To: trxy Pero ang kaugalian na ‘to ay unti-unti nang nababago. Ang ilang Pamilyang Pilipino ay nawawalan na ng oras para magkasama-sama at mag-simba tuwing Linggo. Sent: 9:47am From: trxy At isa na kami ro'n. Received: 9:47am From: trxy Busy kasi ang papa ko sa poultry house at si mama naman ay nananahi kaya wala talagang oras na magkasama-sama kami. Received: 9:48am Napakagat labi ako nang mabasa ang text niya. I felt bad. Wala akong intensyon na patamaan siya. Nasabi ko lang ‘yon dahil gano'n ang nakikita ko sa panahon ngayon. Agad akong nag-type ng message para makabawi sa kanya. To: trxy Hindi naman ibig sabihin na kapag hindi na tayo nag-sisimba ay nakalimutan na natin ang Diyos. May mga bagay lang talaga na dapat nating gawin pero alam natin sa sarili natin kung gaano natin kamahal ang Diyos. Sorry if I offend you. Sent: 9:48am From: trxy ‘Di mo kailangan sabihin ‘yan. It's not offensive. You're just stating the fact. Received: 9:48am To: trxy Okay. Thanks. Sent: 9:50am Nagpatuloy ang palitan namin ni Troy ng text. Sandali lang na nahinto nang kumain kami ng tanghalian pero balik din agad sa pag-text. Wala naman sense ang conversation namin. Puro lang kami tanungan at sagutan. From: trxy Once in a year, twice in a week but never in a thousand days. Received: 1:23pm To: trxy Letter E Sent: 1:23pm From: trxy Wow. Galing! Received: 1:23pm To: trxy Hindi naman ako magaling. Sadyang alam ko lang dahil narinig ko na ‘yan kung saan. Sent: 1:24pm From: trxy Isa pa. Received: 1:24pm From: trxy Sa isang lighthouse na may sampung palapag, nakatira si mister Kim. Kada araw, sumasakay siya ng elevator para mag-trabaho. Kapag gabi na, uuwi siya galing trabaho at sasakay ulit ng elevator pero hanggang 5th floor na lamang. Gagamit na siya ng hagdan papuntang 10th floor. Pero kapag umuulan, nakakaya niyang dumiretso hanggang 10th floor. Ang tanong, bakit hagdan na ang gamit niya papuntang 10th foor? At bakit tuwing umuulan lang niya nakakayang dumiretso ng 10th floor? Received: 1:25pm To: trxy I haven't heard that yet so I don't know. Now tell me the answer. Sent: 1:26pm From: trxy Pandak kasi si mister Kim kaya hanggang 5th floor button lang ang abot niya. Received: 1:26pm To: trxy That's ridiculous. So ano namang sagot sa pangalawang tanong? Sent: 1:27pm From: trxy Nakakaya niyang dumiretso ng 10th floor kapag umuulan dahil may dala siyang payong kaya nasusundot niya ang 10th floor button. Received: 1:28pm Napangiti ako at napailing. What the heck? Parang baliw ang mga sagot. Sinubukan ko pa namang mag-isip ng sagot pero kalokohan lang pala. To: trxy Nice one. You made me laugh ah. Sent: 1:28pm From: trxy Mabuti naman at napatawa kita :) Received: 1:29pm From: trxy Sige, mamaya na lang ulit. May pupuntahan lang ako. Received: 1:29pm To: trxy Saan ka naman pupunta? Sent: 1:30pm Wala na akong reply na natanggap mula rito. Mukhang may mahalaga siyang pupuntahan ngayong araw. Lumabas na lang ako ng kwarto at nagpunta ng sala para manood ng tv. Wala akong kasama ngayon sa bahay dahil pumunta sina mama at papa pati ang mga kuya ko kila Tito Henry para tumulong sa pangangampanya nito. Tumatakbo kasi bilang mayor dito sa bayan. At dahil wala akong hilig sa pulitika, nagpaiwan ako dito sa bahay. Ilang minuto na akong nanonood ng tv nang biglang may marinig akong sumigaw mula sa labas ng bahay. Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at binuksan ang pinto para tingnan kung sino ito. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga nang makita ko si Troy na nakatayo sa tapat ng gate ng bahay namin. “Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ko nang buksan ko ang gate. Hindi ko akalain na dito siya sa amin pupunta. Anong gagawin niya dito? Sana nagsabi muna siya bago pumunta. Mabuti na lang at ako lang mag-isa dito. Siguradong mahaba-habang explanation kung makikita siya nila mama. “Gusto sana kitang yayain lumabas.” “Saan naman tayo pupunta?” “Basta,” nakangiting sagot niya. Pinapasok ko muna siya sa loob ng bahay at pinaupo sa sala. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama sa kanya. Naisip ko lang na okay na rin na may kasama ako. Ang lungkot kapag mag-isa. Palagi ko lang naaalala si Jordan. “Saglit lang at magbibihis ako.” Mabilis akong kumilos. Nakaligo na ako kanina kaya nagpalit na lang ako ng damit. Ilang sandali lang ay lumabas na kami ng bahay. Dala niya ang kanyang motor kaya dito kami sumakay. Napangiti ako nang may sarili na rin akong helmet. Wala akong imik habang nakasakay sa likuran niya. Nakahawak na ako sa balikat niya para hindi na ako mahulog. Hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta pero matapos ang ilang minutong biyahe ay tumigil kami sa isang lugar. “Marunong ka ng ice-skating?” “Hindi.” “Huwag kang mag-alala. Nandito naman ako para turuan ka,” nakangiting sabi niya at hinila ako papasok sa isang malaking ice-skating park. Bago kami pumasok sa loob ng rink, nagsuot muna kami ng kasuotan na angkop sa malamig na temperatura katulad ng makapal na coat at gloves. Sinuot na rin namin ang pares ng ice skates. Excited ako nang pumasok kami sa loob ng malawak at nagyeyelong rink. Honestly, first time kong makapasok dito at mag-try ng ice-skating. Hindi pa ako nadala dito ni Jordan. Pareho naman kasi kaming hindi marunong ng bagay na ito kaya wala sa isip namin na magpunta sa mga lugar na ganito. “Huwag kang masyadong kabahan. Mag-enjoy ka lang,” sabi niya. Nakatayo na kaming dalawa sa gitna ng rink. Hindi ako makagalaw nang maayos dahil konting kilos ko lang ay matutumba ako. Ang dulas ng yelong inaapakan namin. At kahit makapal ang suot namin, ramdam ko pa rin ang lamig. “Paano ka natuto nito?” “Madalas kaming dalhin ni Papa sa mga ganitong lugar no’ng bata pa kami kaya natuto na lang kami ng kapatid ko ng ice-skating,” pagkuwento niya. “Kaya ngayon, ikaw naman ang tuturuan ko.” Ilang beses akong bumagsak sa yelo habang tinuturuan niya ako. Kahit ang hirap kong turuan, nakikita kong hindi siya naiinis o nauubusan ng pasensiya. Patuloy niya lang akong inalalayan at tinuruan. “Ouch!” sigaw ko nang madulas ako at matumba. “Sorry, Troy. Hindi ko talaga makuha.” “Ayos lang ‘yan. Lahat ng first time puno ng failures pero habang tumatagal, magagawa natin ang bagay na gusto natin basta may sipag at tiyaga,” sabi niya. “Naks! May encouragement ka pa, ah.” Nagpatuloy siya sa pagturo sa akin. Dahil ramdam kong dedicated siyang maturuan ako, binigay ko naman ang best ko para matutunan ito. At habang tumatagal ay nagagawa ko nang gumalaw nang walang suporta niya. Tuwang-tuwa ako nang magawa ko nang magpaikot-ikot. Sinubukan kong pumunta sa malayo. Nakatayo lang siya habang pinapanood ako. Nang pabalik na ako, biglang bumilis ang pag-slide ko. Hindi ko na ito mapigilan kaya kinabahan ako. “Oh my gosh! Troy! Tulungan mo ako!” sigaw ko habang patuloy ang pag-slide ko. Nakita kong agad kumilos si Troy. Inabangan niya ako sa isang spot na dadaanan ko. He spreads his arms widely and waited for me. Sa sobrang kaba at pagkataranta, napapikit na lamang ako. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang malakas na pagbangga ko kay Troy. Mahigpit niya akong niyakap at tila nawalan siya ng balanse kaya sabay kaming bumagsak. Hindi ako masyadong nasaktan dahil bumagsak ako sa ibabaw niya. “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya. Tumango ako. “Thank you.” Natawa siya kaya natawa na lang din ako. Bumangon kami mula sa pagkakabagsak at napagdesisyunang lumabas na ng ice-skating park. Dumiretso kami sa isang kainan na nagse-serve ng maiinit na pagkain. Sobrang lamig kanina sa loob kaya kailangan mainitan. Gabi na ay magkasama pa rin kami ni Troy. Naglakad-lakad kaming dalawa sa park kung saan kami unang nagkita. Nang mapagod sa paglalakad, naupo kami sa isang bench at nagkuwentuhan. “Sinusubukan kong mag-socialize. Sumali ako sa varsity ng school. Next month, may basketball tournament kami laban sa ibang school.” “That’s good. Ipagpatuloy mo lang ‘yan.” Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang magulat ako sa biglang pagputok sa langit ng iba’t ibang makukulay na fireworks. Napatingala ako at pinanood ito. Hindi ko alam na ngayon ang fireworks display dito sa park. Si Jordan ang palagi kong kasama noon kapag manonood ng fireworks display dito. Naalala ko ang ginagawa namin noon. Humihiling kaming dalawa habang patuloy ang pagputok ng fireworks. “Mag-wish ka!” sabi ko sa kanya. “Wish?” naguguluhan niyang tanong. “Oo. Palagi kaming humihiling tuwing may fireworks display dito,” nakangiting sabi ko. “Seryoso ka? Magwi-wish sa fireworks?” “Oo nga! Weird talaga kami ni Jordan,” natatawang sagot ko at muling tumingala sa langit. “Ang wish ko, sana makita ko na ulit si Jordan.” “Ang wish ko naman ay matupad ang wish mo.” Napatingin ako kay Troy dahil sa sinabi niya. Nakatitig siya sa akin habang nakangiti. Sira ba siya? Bakit para sa akin ang wish niya? Dapat mag-wish siya para sa sarili niya, hindi dapat para sa akin. “Troy—” “Kung ano man ang mangyari sa pagkikita ninyo, tandaan mo na may isang ako na palaging nandiyan para maging sandalan mo sa oras na kailanganin mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD