KYLIE’S POV
From: trxy
[ Good morning! Gising na, may pasok pa tayo. ] Received: 6:23 AM
To: trxy
[ Good morning din. Kanina pa ako gising. ] Sent: 6:23 AM
From: trxy
[ Gano’n ba? Have a good day then. Keep safe. ] Received: 6:24 AM
To: trxy
[ Same to you. And thank you for hanging out with me yesterday. I really had a good time. ] Sent: 6:25 AM
From: trxy
[ Masaya ako na nag-enjoy ka :) ] Received: 6:25 AM
To: trxy
[ Sige na. Mamaya na at baka pareho tayong mahuli sa klase kung hindi pa natin ‘to ititigil hahaha. ] Sent: 6:26 AM
“So textmate na kayo?” tanong ni Helen na malapad kung makangiti. “At nagkaro’n pa ng date kahapon?”
Nagulat ako nang biglang magsalita si Helen sa tabi ko. Kanina niya pa pala tinitingnan ang pag-uusap namin ni Troy.
“It was just a friendly date, Helen.” pag-tama ko sa kanya.
“Naku! Hindi mo na kailangan itanggi. Wala naman magagalit kung nakikipag-date ka na sa iba, eh.”
“I’m still in a relationship with Jordan,” paalala ko sa kaniya.
“If I were you, ibabaling ko na sa iba ang atensiyon ko kung wala na rin naman kuwenta ang boyfriend ko. My God! It’s almost a month, Kylie, you should stop waiting for someone na wala nang kasiguraduhan kung babalik pa .”
“Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.”
“Kahit alam mo na posibleng may kalokohang nagawa ito with Eunice?”
“Papakinggan ko ang explanation niya.”
“Ewan ko sa ‘yo! Ikaw na nga bahala sa love life mo,” nakasimangot niyang sabi kaya tinawanan ko na lang.
From: trxy
[ Happy lunch time! Don’t skip your lunch. ] Received: 12:11 PM
To: trxy
[ I’m having my lunch right now. ] Sent: 12:11 PM
From: trxy
[ Good. ] Received: 12:12 PM
“Uy! Magkatext na naman sila,” sambit ni Helen na may ngisi sa labi matapos makita ang conversation namin ni Troy.
“Because we’re friends,” tugon ko.
“And soon to be lovers!” nakangising aniya.
Napailing na lang ako. Mula nang makuwento ko sa kaniya si Troy ay palagi niya na lang akong tinutukso. Wala na siyang bukambibig kundi ang pag-matchmake sa aming dalawa.
Pagbalik namin ng classroom after lunch, walang discussion na nangyari. Nag-share lang ang adviser namin tungkol sa napag-usapan nila sa nalalapit na Intramurals. Marami ang na-excite nang sabihin ang mga activities at sports. Magkakaroon ng tournaments.
Mas na-excite at naghiyawan ang buong klase lalo na ang mga babae nang mabanggit na may makakalaban ang school namin na ibang school. Ang dami nilang naiisip pero isa lang ang naiisip ko. Si Jordan. Kung nandito lang siguro siya, malamang sasali rin siya ng basketball kaya mapapabilang ako sa cheering squad. Napangiti na lang ako dahil sa naiisip ko.
From: trxy
[ Good evening. ] Received: 7:14 PM
To: trxy
[ Good evening. How was your day? ] Sent: 7:15 PM
From: trxy
[ Medyo nakakapagod. Nagkaro’n pa kasi kami ng basketball practice pagkatapos ng klase kaya kauuwi ko lang din ng bahay. ] Received: 7:15 PM
To: trxy
[ Galingan mo! ] Sent: 7:16 PM
From: trxy
[ Para sayo, gagalingan ko :) ] Received: 7:17 PM
To: trxy
[ Do it for yourself, not for me. ] Sent: 7:18 PM
From: trxy
[ Naging parte ka ng pagbabago ko kaya gusto ko ring maging parte ka ng mga tagumpay ko. ] Received: 7:18 PM
From: trxy
[ Kylie? ] Received: 7:19 PM
To: trxy
[ Bakit? ] Sent: 7:20 PM
From: trxy
[ Nag-aalangan akong sabihin sayo ito mula pa noong isang araw. ] Received: 7:20 PM
To: trxy
[ Ang ano? ] Sent: 7:21 PM
From: trxy
[ May pumipigil sa akin na sabihin sayo kasi masasaktan ka pero kailangan mo rin naman malaman. ] Received: 7:21 PM
To: trxy
[ Hey kinakabahan ako. Huwag ka nang magpaligoy-ligoy. Sabihin mo na sa akin. ] Sent: 7:21 PM
From: trxy
[ May na-receive kasi akong message galing sa isang number tungkol sa boyfriend mo. ] Received: 7:22 PM
To: trxy
[ Tapos? ] Sent: 7:22 PM
From: trxy
[ Teka. Forward ko na lang sayo ang text. ] Received: 7:23 PM
Mabilis na nakuha ko ang forwarded text message ni Troy. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cellphone ko. Natatakot ako sa mababasa ko. Alam kong hindi ito maganda kaya humugot ako nang malalim na hininga bago ko buksan ang message.
Natigilan ako matapos ko itong basahin. Naramdaman ko na lang ang pagkirot ng puso ko at ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha mula sa mata ko. Paano nagawa sa akin ni Jordan ang bagay na hindi ko akalain na magagawa niya?