Day 20: Truth

1325 Words
KYLIE’S POV From: trxy Good morning! Bakit hindi ka na nag-reply kahapon? Received: 8:48am To: trxy Sorry may nangyari lang. Sent: 8:49am From: trxy Gano’n ba? Pwede ba tayong magkita mamayang uwian? Received: 8:49am To: trxy Bakit? Sent: 8:50am From: trxy Basta. Mamaya ko na lang sasabihin. Received: 8:51am To: trxy Okay. Sent: 8:51am To: trxy Mamaya na lang. Marami pa kasi akong aasikasuhin para sa Intramurals. Sent: 8:52am From: trxy Okay. Huwag kang magpagod masyado. Received: 8:53am Tinago ko na ang cellphone sa bag at bumalik sa ginagawa ko. Friday ngayon at wala ng lectures dahil abala na ang lahat para sa Intramurals next week. Kasama ko ang ilang organizers dito sa isang room para mag-finalize ng mga ginagawa namin. “They are all handsome! My God!” Narinig kong sabi ni Helen kaya napatingin ako sa kanya. Ilang organizers ang nakapaligid sa kanya habang nakatingin sa hawak niyang folder. Lahat sila ay nakangiti at mukhang kinikilig. “Ano ba ‘yang tinitingnan nila?” tanong ko kay Joan. “Ano pa nga ba? Eh ‘di ‘yung background information ng dalawang school na makakalaban ng school natin ngayong Intramurals.” Napailing-iling na lang ako at hindi na lang ito pinansin. Isang week gaganapin ang Intramurals. Maraming activities na nakahanda katulad ng fun and games, exhibition, game booths and tournament for various sports in which our school competes against other schools. Napasulyap ako sa pinto nang may maaninag ang peripheral vision ko na isang figure. Nagulat ako nang makita si Jordan na nakatayo sa b****a ng pinto habang nakatingin sa akin. Ngumiti siya nang magtagpo ang mga mata namin. Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Wala naman sa kanilang nakapansin dahil nakatuon ang atensiyon nila sa kanilang ginagawa. Naglakad ako palapit sa kanya at hinila siya sa isang lugar na walang tao. “Anong ginagawa mo rito?” “Dito rin ako nag-aaral ‘di ba?” nakangiting sagot nito. “Yeah, tama ka naman,” napatango na sabi ko. “Pero nag-usap na tayo. Huwag ka nang pupunta sa lugar kung nasa’n din ako. Kung pwede ay layuan mo na ako?” “I don’t want to,” seryosong sabi niya. “Huwag mo na akong pahirapan, Jordan! Just focus with Eunice. She needs you.” “Hindi nga tayo sigurado kung ako ba talaga ang nakabuntis sa kanya,” sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko. “Kaya kung pwede, Kylie, habang hindi pa napapatunayan na ako ang ama ay bumalik tayo sa dati, ha? Please?” Napapikit ako. Umiling. Kung patuloy siyang ganito, baka bumigay ako. Baka makalimot ako. Nagiging mahina ako pagdating sa kanya. Hindi ko kinakaya kapag nakikiusap siya sa akin. “Jordan. . .” sambit ko at nagsimula na naman akong umiyak. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ako. Patuloy ako sa pag-iyak. “Stop crying, babe. I don’t like to see you crying.” Pumiglas ako sa yakap at tiningnan siya sa mga mata. Napahinga ako nang malalim. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko na kayang panindigan ang unang naging desisyon ko. Ang hirap. “Sa tingin mo hindi talaga ikaw ang nakabuntis kay Eunice?” tanong ko sa kalagitnaan ng pag-iyak. Tumango siya. “Sa sobrang kalasingan ko noon, hindi ko na maalala ang nangyari kaya hindi rin ako sigurado kung may nangyari ba sa amin.” Wala na akong ibang masabi sa kanya. Iyak lang ako ng iyak. Sinunggaban ko siya nang mahigpit na yakap. Hindi ko siya kayang bitawan. Hindi ko kayang itigil ang pagmamahal ko sa kanya. From: trxy Hihintayin kita sa park. Received: 5:24PM Nang matapos ang gawain, umalis na ako ng school at tumungo na sa park. Matapos kong makausap si Jordan kanina, hindi ko na siya nakita pa ulit. Akala ko sabay kaming uuwi ngayon kaya balak ko na sanang i-text si Troy kanina na hindi ako makakasipot sa meeting namin pero mukhang tinakda talaga ng tadhana na magkita kami ni Troy. “Hi!” bati ko kay Troy nang makarating na ako sa park at makita siya. “Maupo tayo,” sabi niya at inakay ako paupo sa isang bench. “So anong sasabihin mo at talagang nakipagkita ka pa sa akin?” natatawa kong tanong. “Bakit parang mugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?” tanong niya na hindi pinansin ang sinabi ko. “Uhm. . . Troy. Nagkita na ulit kami ni Jordan.” “Talaga? Kailan?” tanong niya na parang nagulat. “No’ng isang araw pa.” “Siya ba ang dahilan ng malungkot mong mga mata?” tanong niya pero hindi ako nakasagot. Imbes na magsalita ay nagsimula na naman akong umiyak. “Mali ba na tanggapin ko siya ulit? Ang sama ko ba kung piliin ko ang sarili kong kaligayahan? Ang hirap, Troy. Sobrang nahihirapan na ako.” Hindi siya nagsalita. Hinawakan niya ako at hinila palapit sa kanya. Sinandal niya ang ulo ko sa kanyang dibdib at ikinulong ako sa mga bisig niya. Ilang minuto kaming nasa gano’ng posisyon bago ulit kami nag-usap. “Nang mag-usap kami no’ng isang araw, nalaman ko na ang lahat sa kanya. Kaya kahit sobrang hirap at sakit, tinapos ko na kung ano mang mayro’n sa amin. Binitawan ko na siya,” kuwento ko at patuloy lang siyang nakikinig. “Pero kahapon, pumunta siya ng bahay. Pinipilit niyang makipagbalikan sa akin. Sinabi niya rin na hindi siya sigurado kung siya nga ba ang nakabuntis kay Eunice.” Nakita kong nangunot ang noo ni Troy. “Paano niya naman nasabi?” “Isang beses lang daw na may nangyari sa kanila at hindi pa raw siya sigurado kung totoong may nangyari talaga sa kanila no’ng gabing ‘yon.” “He was lying,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Napakunot noo ako dahil bigla akong naguluhan. “What?” Imbes na sumagot ay inabot niya sa akin ang cellphone na hawak niya at pag-aari talaga ni Jordan. Kinuha ko ito at naguguluhang tiningnan. Nagulat ako sa nakita ko. Parang nawalan ako ng lakas. “Iyan ang gusto kong sabihin sa ‘yo kaya nakipagkita ako. Randomly ang pag-text niya” sabi niya. From: Eunice Hey Jordan! It’s me, Eunice. Hanggang kailan mo balak magtago? Pwede bang magpakita ka na sa akin? Huwag mo na akong gayahin sa girlfriend mong tanga. Received: 7:12pm From: Eunice Kapag hindi ka nakipagkita sa akin, sasabihin ko na kay Kylie ang lahat ng tungkol sa atin. Received: 7:14pm From: Eunice Jordan, I’m three weeks pregnant. Alam mo naman kung anong ibig sabihin nito diba? Magiging ama ka na kaya magpakita ka na sa akin! Received: 3:45pm From: Eunice Jordan, I need you. Mapapatay ako ni Papa kapag nalaman nila na buntis ako. Received: 1:43pm From: Eunice Hoy Jordan! Wala ka ba talagang balak magparamdam sa akin? Matapos mo ‘kong landiin, papabayaan mo na lang ako? Huwag kang duwag! Panagutan mo akong loko ka! Received: 4:35pm From: Eunice Bakit ka nakipagkita kay Kylie? Ano? Makikipagbalikan ka sa kanya? No’ng time na nasasawa ka na sa kanya, lumapit ka sa akin tapos ngayong buntis ako, babalik ka sa kanya? Gago ka ba? Received: 2:27pm From: Eunice Jordan, huwag mo kaming pabayaan ng anak mo! Panagutan mo naman kami dahil kung hindi, ipapalaglag ko ito. Received: 6:25pm From: Eunice Panagutan mo ‘kong loko ka! Huwag mong ita-tanggi na sa ‘yo ang batang ito. Yes, I’m a flirt pero hindi ko ibinibigay ang sarili ko. Ikaw ang naka-una sa akin at ilang beses din na may nangyari sa atin diba? May witness din ako. Remember Helen? Kylie’s close friend? Received: 6:26pm “Pa’no niya nagawang magsinungaling sa akin?” Sambit ko matapos basahin ang mga text message ni Eunice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD