Day 21: Breakup

1331 Words
KYLIE’S POV “Let’s have lunch together!” Nagulat ako nang may kumapit bigla sa braso ko pagtayo ko sa kinauupuan. Tiningnan ko kung sino ito. Si Helen. Hindi ko ito pinansin at inalis ang pagkakapit nito sa akin. Inayos ko ang mga gamit ko. Tahimik lang ako nang bigla itong magsalita. “Kylie?” naguguluhan nitong tawag sa akin. “Pansin ko na kanina mo pa ako hindi pinapansin. May problema ba tayo?” Wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Nanatili akong walang kibo. Matapos kong mailigpit ang mga gamit ko, lumabas na ako ng room papuntang cafeteria para kumain ng lunch. Saturday ngayon pero nandito kaming mga organizers sa school para tapusin ang task namin. Ramdam kong nakasunod sa likuran ko si Helen pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahinto lang ako nang bigla niya akong hatakin paharap sa kanya. Naguguluhan ang itsura niya nang makaharap ko siya. “Why are you ignoring me?” “What do you think is the reason, Helen?” tugon ko sa kanya. “Oh, God! I’m not a fortune teller, Kylie. Deretsuhin mo na lang ako kung ano bang problema.” “I just can’t believe. Of all people, how could you kept it to me all this time? Bakit hindi mo sa akin sinabi?” “What are you talking about?” “Alam mong may relasyon sina Jordan at Eunice pero hindi mo man lang sa akin sinabi! Magkaibigan tayo, ‘di ba?” Kitang-kita ko kung paano siya nabigla. Tension spreads all over her face. “So alam mo na? Paano? Kailan pa?” “Kung hindi ko pa nalaman, wala kang balak sabihin sa akin? Hahayaan mo lang na maging tanga ako sa panloloko sa akin ng boyfriend ko?” “Kylie, hindi ko gustong itago sa ‘yo ang bagay na ‘yan.” “Eh, anong rason mo at itinago mo sa akin?” “Because I don’t want you to get hurt.” “It’s better to get hurt with truths than lies, Helen. Kahit gaano pa kasakit, kailangan nating malaman ang totoo.” “I’m sorry. Pero hindi lang naman ‘yan ang reason kung bakit hindi ko masabi sa ‘yo, eh.” “So, ano pa?” “Natatandaan mo pa ba ‘yung maling ginawa ko noon? ‘Yung nag-cheat ako para hindi mabawi sa akin ang scholarship ko?” tanong niya at tumango ako. “Jordan threatened me. Kapag nagsumbong daw ako sa ‘yo, ipagkakalat niya ang ginawa kong pag-cheat noon hanggang sa makarating ito sa guidance office. Natakot ako kaya imbes na magsalita ay itinikom ko ang bibig ko. I’m really sorry, Kylie.” “Nagawa ‘yon ni Jordan?” hindi ko makapaniwalang tanong. “Siguro marami ka pang hindi alam sa kanya. He’s a bastard. Alamin mo kung ano bang klaseng tao siya,” sabi niya. “And that’s why I am pushing you for Troy. Gusto kong kalimutan mo na si Jordan at mapunta ka sa tamang tao.” Buong araw ay lumilipad na naman ang isip ko. Sobrang naguguluhan na ako. Ang dami kong tanong. Gaano ko nga ba kakilala si Jordan? Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Helen tungkol sa kanya? To: trxy [ Nakausap ko na si Helen. ] Sent: 5:12 PM From: trxy [ Anong nangyari sa pag-uusap ninyo? ] Received: 5:15 PM To: trxy [ Sabi niya, totoo ang lahat ng text ni Eunice. Alam niya raw ito pero hindi niya nagawang sabihin sa akin dahil tinakot daw siya ni Jordan. ] Sent: 5:15 PM From: trxy [ Loko talaga ang boyfriend mo ‘no? Nandamay pa ng iba para lang maitago ang panloloko niya sayo. ] Received: 5:16 PM To: trxy [ Hindi ko na alam ang gagawin. ] Sent: 5:17 PM From: trxy [ Gawin mo kung ano nararapat. ] Received: 5:17 PM Naglalakad na ako palabas ng campus nang mapahinto ako dahil may biglang tumawag sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko si Helen na tumatakbo palapit sa akin. “Kylie, sorry kung naging selfish ako. Hindi ko kasi kayang mawala ang scholarship ko kaya nagawa kong pagtakpan ang panloloko ni Jordan sa ‘yo,” sabi niya. “Naiintindihan kita. Sorry din kung nagalit kaagad ako na hindi man lang inaalam ang dahilan mo.” “So, okay na ulit tayo ha?” “Oo naman,” nakangiting tugon ko. Sumabay na sa akin si Helen sa paglalakad palabas ng campus. Pareho kaming natigilan nang makita si Jordan. Ngumiti ito nang magtagpo ang mga mata namin. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy kami sa paglalakad ni Helen. Napahinto ulit kami ni Helen nang pumunta ito sa harapan namin. “Babe, why are you like this?” nagtatakang tanong nito. “Okay na tayo, ‘di ba? Binigyan mo nga ako ng another chance.” “I take it back. You don’t deserve a second chance!” “What? But why? Is there a prob—” Hindi niya nagawang tapusin ang sinasabi niya dahil dumapo ang kamay ko sa pisngi niya at binigyan siya ng isang malakas na sampal. Napahawak siya sa pisngi niya. “What was that for?!” “Sinungaling ka! Manloloko! Alam ko na ngayon ang lahat!” galit na galit na sigaw ko. Napayuko si Helen nang tingnan siya nang masama ni Jordan. Isa pang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. “Huwag mong idamay si Helen sa kalokohan mo!” sigaw ko ulit. “Napakawalang hiya mo! Minahal kita nang sobra pero ganito ang ibabalik mo sa akin? Mali ang pagkakakilala ko sa ‘yo, Jordan. Maling-mali.” “Kylie...” sambit niya. “Simula ngayon, ayaw na kitang makita pa. Huwag ka nang lalapit sa akin. Ayaw ko nang magkaroon ng koneksyon sa ‘yo. Tinatapos ko na ang lahat sa atin.” Todo pigil ako sa sarili ko na ‘wag umiyak habang sinasabi kay Jordan ang mga binitawan kong salita. May namuo pa ring luha sa mga mata ko pero hindi ito bumagsak. Hindi muna ako umuwi ng bahay matapos ng pag-uusap namin ni Jordan. Sinamahan muna ako ni Helen at nagpunta kami sa isang coffee shop. Do’n ako umiyak nang umiyak habang todo comfort naman sa akin si Helen. Kahit parang naubos ko na ang lahat ng luha ko kanina, ang bigat pa rin ng nararamdaman ko hanggang sa pag-uwi ng bahay. Sobrang sakit ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay may kutsilyong tumutusok sa puso ko. Sinubukan kong maging normal lang para hindi mapansin ng mga tao sa bahay ang problema ko ngayon. Pero hindi pa rin ako nagtagumpay na itago ito dahil nahuli pa rin ako ni Kuya Kevin at naging topic sa usapan habang kumakain ng dinner. “Bakit ganyan ang itsura ng mukha mo, Kylie?” tanong ni Kuya Kevin. “Wala. Sobrang nakakaiyak kasi ng pinanood namin kanina,” I lied. “Anong title?” tanong naman ni Kuya Kyle. “Bird Box.” “Ha? Hindi naman ‘yon sobrang nakakaiyak na tipong mugto ang mga mata mo pagkatapos panoorin,” wika ni Kuya pero hindi ko na lang ito pinansin. “Sa sunod na Linggo na ang birthday mo, Kylie. Pero hindi mo pa rin sinasabi sa amin kung anong gusto mo sa birthday mo,” wika ni Papa. “Oo nga pala, anak. Anong gusto mo? Okay na ba kayo ni Jordan? Siya pa rin ba ang 18th roses mo?” tanong ni Mama. Hindi ko alam ang isasagot sa mga tanong nila. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang nangyari sa amin ni Jordan. Siguradong magagalit sila lalo na itong dalawa kong kapatid na lalaki. “Huwag na po tayong maghanda sa birthday ko. Magsimba na lang tayo at kumain sa labas,” sabi ko at pinilit ngumiti sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD