Day 22: Grandparents

2221 Words
KYLIE’S POV Pasulyap-sulyap ako sa babaeng nasa ‘di kalayuan mula sa kinauupuan namin dito sa simbahan. Hanggang sa matapos ang misa ay hindi ko siya tinigilan tingnan dahil gusto ko siyang makausap pagkatapos ng misa. “Ma, Papa, hindi po muna ako sasabay sa pag-uwi sa inyo. Pupuntahan ko po si Angel,” paalam ko sa kanila, sabay turo sa direksyon kung nasaan si Angel. “O, sige. Mauna na kami.” Pag-alis nila Mama at Papa, naglakad na ako palapit kay Angel. Kasama nito ang kanyang boyfriend. Hindi ko sana balak abalahin ang date ng dalawa pero kinakati akong makausap siya. “Hi, Angel.” “Oh! Kylie?” gulat niyang sabi. “Ngayon na lang ulit kita nakita. Kumusta?” “Okay lang,” nakangiting tugon ko sabay lingon sa boyfriend niya. “Pwede ko bang mahiram ang girlfiend mo sandali? Gusto ko lang siyang makausap.” “Oo naman,” sagot nito at bahagya pang natawa. “Sige, maiwan ko muna kayo. Bibili lang ako ng pagkain.” Pumasok ulit kami sa loob ng simbahan. Wala ng tao bukod sa aming dalawa ni Angel. Naupo kami sa isang upuan at doon nag-usap. Wala akong masabi noong una pero pinilit ko pa rin sabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Jordan. “Nagkita na ulit kami ni Jordan, Angel,” paninimula ko. “At wala na kami.” Sobrang nagulat siya sa sinabi ko. Nakakunot noo siya at bahagyang nanlaki ang mga mata. Naging saksi siya sa love story namin ni Jordan kaya marahil mahirap sa kanyang tanggapin at paniwalaan ito. “Bakit?” malungkot niyang tanong. “Nalaman kong niloloko niya ako. May relasyon din pala sila ni Eunice at ang masakit pa do’n ay buntis ngayon si Eunice at siya ang ama.” Napahawak siya sa kanyang bibig at nabigla sa mga sinabi ko. Napailing siya. “Nagawa ‘yon sa ‘yo ni insan?” “Maging ako ay nahirapan ding paniwalaan ito.” “Sorry Kylie sa ginawa niya sa ‘yo. Ako na ang humihingi sa ‘yo ng tawad. Pero sana walang magbago sa pagkakaibigan natin.” “Wala kang kasalanan kaya walang magbabago sa atin. We will remain friends,” nakangiting sabi ko. “Ano kayang pumasok sa isip niya at nagawa niya ‘yon? Tsk. Gusto ko siyang sampalin ngayon at nang ma-realize niya kung anong sinayang niya,” galit na sabi ni Angel. Nag-usap pa kami ni Angel hanggang sa dumating ang boyfriend niya at bawiin na ulit siya sa akin. Niyaya nila akong sumama sa kanila pero tumanggi ako. Bukod sa ayaw kong masira ang date nila, ayaw ko rin naman na maging third wheel. Besides, I will just feel jealous on them. Habang nag-aabang ng masasakyan pauwi, naka-receive ako ng text message galing kay Troy. From: trxy [ Nasa’n ka? ] Received: 10:34 AM To: trxy [ Nagsimba ako ngayon. Why? ] Sent: 10:35 AM Tinanong niya kung nasaan ako mismo naroon at nang sabihin ko kung nasaan ako, manatili lang daw ako rito. Nagtataka man ay hindi ako umalis sa kinaroroonan ko. Mayamaya ay bigla na lamang siyang sumulpot sakay ng kanyang motor. “Why are you here?” gulat at nagtataka kong tanong. Ngumiti lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Inabot niya sa akin ang isang helmet. Kinuha ko naman ito pero hindi ako gumalaw. Napansin niya siguro na naguguluhan ako kaya nagsalita siya. “May pupuntahan tayo,” nakangiting sabi nito. Hindi ko na nagawang magtanong pa dahil pinasakay niya na ako sa motor matapos kong isuot ang helmet. Halos isang oras ang itinakbo ng motor bago ito huminto sa isang lugar na ‘di sa akin pamilyar. Bumaba ako sa motor at inilibot ang paningin ko sa paligid. Parang nasa kabilang bayan kami kung saan malayo sa siyudad na pinanggalinggan namin. Walang masyadong bahay at puro kakahuyan lang ang nakikita ko pero ang sarap ng simoy ng hangin. “Nasa’n tayo?” tanong ko. “Nasa kabilang bayan tayo. Sa bayan ng Lolo at Lola ko,” sagot niya. “Ha? Anong ginagawa natin dito?” “Alam kong brokenhearted ka at magulo ang isipan ngayon kaya gusto kong pagaanin man lang ang loob mo para kahit sandali ay mawala ang sakit na nararamdaman mo,” aniya at tipid na ngumiti. “Pero bakit dito mo ako dinala?” “Kasi sigurado akong mawawala ang problema mo rito,” nakangiting tugon niya. “Halika. Ipapakilala kita sa kanila.” Naglakad kami patungo sa isang bahay. Bumungad sa amin ang dalawang matanda na marahil ang Lolo at Lola ni Troy. Matapos magmano si Troy sa kanila, ako naman ang sumunod. Pinakilala ako sa kanila ni Troy. “Ang ganda naman ng nobya mo, apo,” natutuwang sabi ng kanyang Lolo habang nakatingin sa akin. “Ay, mali po kayo, Lolo Empoy. Kaibigan ko lang po siya,” paglinaw ni Troy. “Ay, sus! Alam naman namin na doon din ang punta niyan,” sabi ng Lola niya. Pinilit ko na lang ngumiti kahit sa totoo lang ay nahihiya na ako sa kanila. Humingi ng pasensiya sa akin si Troy pero naiintindihan ko naman. Ganito siguro kapag matatanda na. Dahil malapit nang mag-lunch, umalis si Troy kasama si lolo Empoy para kumuha ng panggatong kaya naiwan muna ako kay Lola Lidia. Nagkuwentuhan lang kami ni Lola habang hinihintay silang makabalik. “Lola, bakit ho kahoy pa rin ang gamit ninyo sa pagluluto? Moderno na po ang panahon ngayon kaya marami nang kagamitan na mas mapapadali ang ginagawa natin,” sabi ko. “Alam mo, hija, binigyan na talaga kami ng ama ni Troy na anak namin ng mga bagong kagamitan kaso hindi naman kami sanay. Kahit uso na ngayon ang mga makabagong kasangkapan, mas gusto pa rin namin ni Empoy gamitin kung anong kinasanayan namin noong kabataan namin,” paliwanag ni Lola. “Sa totoo lang, hindi ako masyadong nasisiyahan sa panahon ngayon. Hindi naman lahat maganda ang nadudulot ng modernisasyon ngayon lalo na sa mga kabataan. Dahil sa mga makabagong kasangkapan, nagiging tamad na ang iba. Iniisip nila na lahat ng bagay ay madali na lang gawin at makuha ngayon.” Mapait akong napangiti. “Opo, Lola. Tama po kayo.” Nagpatuloy ang pag-uusap namin ni Lola. Kung ano-ano ang mga nakuwento niya sa akin. Nasabi niya sa akin ang panahon ng kabataan niya, paano niya nakilala si lolo Empoy at paano sila nagkatuluyan. Nakuwento niya rin si Troy bilang isang mabait nilang apo. Marami akong na-realize at natutunan kay Lola dahil sa mga nakuwento niya sa akin ngayon. May napulot akong aral mula sa love story nila ni Lolo Empoy. Tumatak sa akin ang mga linya niyang, “Hindi naman palaging perpekto ang relasyon. May oras din na kayo’y nag-aaway, nagkakalabuan at nagkakasakitan. Pero lahat ng iyan ay pagsubok lang na kung hindi ninyo malampasan ay sa hiwalayan ang tuloy pero kung magawa naman ninyo, makukuha ninyo ang kaligayahan na inaasam.” “Bago ko nakilala si Empoy, naka-ilang nobyo rin ako at heartbreak. Pero marami akong natutunan sa mga naranasan kong pag-ibig mula sa iba’t ibang lalaki.” “Minsan, nakakatagpo tayo ng taong akala natin ay sila na pero pinagtagpo lang pala at hindi itinadhana. ‘Yung akala mo habang-buhay na kayo pero maghihiwalay din sa huli. Masasaktan ka pero may baon kang aral.” “Sa ilang heartbreak na naranasan ko, natutunan kong hindi roon natatapos ang pag-ikot ng mundo ko. Ang buhay natin ay parang araw, sisikat at lulubog pero kahit anong mangyari, sisikat at sisikat pa rin ito. Life must go on. Hindi dahil nadapa ka, hindi ka na babangon.” Halos kalahating oras ang dumaan nang makabalik sina Troy at Lolo Empoy na pasan ang mga kahoy sa balikat nila. Naghanda na si Lola Lidia sa kanyang lulutuin habang nagsisibak ng kahoy si Troy. Tinulungan ko si Lola sa pagluluto ng ginataang manok. Lampas alas dose na nang matapos kami sa pagluluto. “The best talaga ang luto ng asawa ko!” papuri ni Lolo Empoy habang kumakain kami. “Walang makakatalo!” sabi naman ni Troy. “Totoo ba ang sinasabi nitong asawa at apo ko, hija?” “Opo, Lola. Sobrang sarap po ng luto ninyo,” nakangiting sagot ko. Pagkatapos kumain ay ako na ang nagprisinta sa paghuhugas ng pinagkainan namin. Hindi pumayag si lola Lidia no’ng una dahil bisita raw ako pero dahil sa pamimilit ko ay hinayaan niya rin ako. Si Troy naman ang sumalok ng tubig sa balon na nasa likuran lang ng bahay. Nakakatuwa lang dahil hindi ko akalain na mawawala talaga ang bigat ng nararamdaman ko sa lugar na ito. Gumaan ang pakiramdam ko at parang umaliwalas ang isipan ko. Pagkatapos kong maghugas ay lumabas ako ng bahay at naupo sa isang bangko na nakakabit sa pagitan ng dalawang puno. Napalingon ako kay Troy nang tawagin ako nito. May hawak itong fishing rod at maliit na timba. Nangunot ang noo ko pero ngumiti siya. “Mamingwit muna tayo bago umuwi. May malapit ditong ilog.” Napahanga ako pagdating namin sa ilog. Konting lakad lang ito galing sa bahay nina Lola Lidia at Lolo Empoy. Ang linis ng ilog at ang presko ng simoy ng hangin. Parang hindi uso ang polusyon sa bayan na ito. Ang sarap siguro ditong tumira. “Marami bang isda dito?” tanong ko. Nakaupo kami ni Troy sa damuhan at nasa harapan namin ang malinis na ilog. Kanina niya pa itinapon sa tubig ang hook ng fishing rod na nilagyan niya ng bulate para mabilis maka-attract ng isda. “Oo. Nakakalahating timba naman kami ng isda ni Lolo sa tuwing namimingwit kami rito.” “Kay Lolo Empoy ka siguro natutong mamingwit,” hinuha ko at tumango siya. “Ang swerte mo naman at naabutan mo pa ang Lolo at Lola mo. Ako kasi hindi na. Malamang magkasama na sa heaven ang parehong Lolo at Lola ko sa mother and father side. Hindi ko tuloy naranasan ang pagmamahal at pag-aalaga ng isang Lolo at Lola.” “Pwede mo naman maging Lolo at Lola sina Lolo Empoy at Lola Lidia,” aniya. “Talaga?” “Oo naman. Mukhang gusto ka rin nilang maging apo, eh.” Napangiti na lang ako sa sinabi niya. “Ang ganda ng love story nina Lola Lidia at Lolo Empoy. Sana makahanap din ako ng pag-ibig katulad ng kung anong mayro’n sila. ‘Yung panghabang-buhay. You will grow old together and only death will make you apart.” “Lahat naman tayo ay may nakalaan na isang tao na makakasama natin habang-buhay. Tiwala lang. Makakahanap ka rin ng pag-ibig na deserve mo dahil isa kang mabuting tao.” “Sa tingin mo ay may makikilala pa rin ako na magmamahal sa akin ng tapat at sobra tapos mamahalin ko rin katumbas ng pagmamahal niya?” Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. “Oo. Sigurado ako na may isang tao na nakatadhana talaga sa ‘yo.” Hindi ako nakasagot at nabigyang pansin ang sinabi niya kasi napunta ang atensiyon ko sa ilog dahil sa biglang paggalaw ng pamingwit. Nakahuli na siguro siya ngayon. “Ano? May nahuli ka?” excited kong tanong. Napangiti ako dahil nang itaas niya ang pamingwit ay may isdang nakakapit dito. Halos tumalon na ako sa tuwa. Hindi ko alam kung anong uri ng isda ang nahuli niya pero may kalakihan ito. “Oh my God! Ang galing!” tuwang-tuwang sabi ko. “Troy, gusto ko rin i-try. Turuan mo akong mamingwit!” Kinuha niya ang isa pang fishing rod at nilagyan ng bulate ang hook nito bago ibigay sa akin. Gano’n din ang ginawa niya sa kanya. Sabay na naming itinapon sa tubig ang hook at naghintay. Sana makahuli rin ako. “Kumusta ka?” Napalingon ako sa tanong niya. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tugon. “Ang ibig kong sabihin ay kung okay ka lang? Kumusta ka matapos ng hiwalayan ninyo?” “Heto, sinusubukan maging okay at hindi magpaapekto. Kahit masakit pa rin, kinakaya ko naman.” “Masasanay ka rin at makaka-move on.” “Sana nga ay mabilis akong maka-move on para hindi na ako nasasaktan,” sabi ko habang nakatulala sa ilog. “Pero dahil sa mga kuwento at advice na narinig ko mula kay Lola Lidia, hindi naman yata ako mahihirapan maka-move on.” “Ang dami niyo yatang napag-usapan ni Lola, ah?” “Oo. Tungkol sa love story nila ni Lolo Empoy. Bago niya raw nakilala si Lolo na great love niya, marami muna siyang naging boyfriend na nagbigay heartbreak at lesson sa kanya.” “Maybe it’s a sign. Siguro pinagtagpo lang kayo ni Jordan para magbigay siya sa ‘yo ng aral para sa susunod na magmamahal ka, alam mo na.” “Yeah. Sabi nga nila, people come into our life either a blessing or a lesson,” wika ko saka humugot nang malalim na hininga. “Bukas na bukas ay hindi ko na iisipin ang nangyari sa past. Itutuon ko ang atensiyon ko ngayon sa present ko at future. Ibabalik ko na ang dating ako. Ang Kylie Cordovez bago nakilala ang isang Jordan Rivero.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD