Day 4: Infatuation

855 Words
Troy's POV From: Kylie [ Bad morning, babe. Nagising akong umiiyak ngayon. Akala ko totoo. I was relieved when I realized that it was just a bad dream. A worst nightmare ever! ] Received: 5:42 AM From: Kylie [ Nanaginip kasi ako tungkol sayo, babe. May nangyaring masama raw sayo kaya hindi ka nagpaparamdam sa akin. Sana okay ka lang. Please, babe? Tell me that you are okay. Please be safe. Take care, ha? ] Received: 5:45 AM From: Kylie [ Babe, nasa school na ako. Mamaya na lang ako magte-text ulit. ] Received: 7:15 AM From: Kylie [ Happy lunch time! Anong ulam mo? Ako adobong manok ang nabili ko rito sa cafeteria. Kasama ko ulit si Helen. Ang bait niya. Palagi na kaming magkasama. ] Received: 12:12 PM From: Kylie [ Oo nga pala, babe. Tanda mo pa ba si Eunice? Yung babaeng galit na galit sa akin kahit hindi ko naman inaano? Lumapit kasi siya sa table namin para ngitian lang ako saka umalis. Ang weird niya at scary. Ano kayang problema no’n? ] Received: 12:13 PM From: Kylie [ Babe, ang sakit ng tiyan ko. Hindi ko alam kung nasobrahan ako sa kain o na-usog ako ni Eunice huhuhu! ] Received: 1:39 PM From: Kylie [ Nang hindi ko na kinaya ang sakit, nagpasama na ako kay Helen papuntang school clinic. Iniwan niya agad ako dahil ongoing pa ang klase namin. Tinanong ako ng nurse kung ano raw kinain ko. Sabi ko yung adobong manok. Nasabi ko rin si Eunice. Malay ko bang na-usog nga ako no’n pero natawa lang ‘yung nurse. Pinainom niya ako ng gamot matapos akong i-checkup. Nanatili lang muna ako sa clinic habang hindi pa nawawala ang sakit. ] Received: 2:07 PM From: Kylie [ Babe, may chika ako. May nakuwento sa akin ‘yung nurse kanina habang nasa clinic pa ako. Nabanggit ko raw kasi si Eunice. Sinabi niyang kagagaling lang din daw ni Eunice sa clinic. Masama raw ang pakiramdam nito. Nahihilo at nasusuka. Hala! Hindi ko sinasabing buntis siya pero parang gano’n na nga. Joke! Kahit hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin, sana okay lang siya. ] Received: 2:09 PM From: Kylie [ Babe, nag-recite na kami kanina ng ginawa naming tula. Tinukso ako ng mga kaklase ko at sinabihan pang ang lalim daw ng hugot ko. Damang-dama raw nila ang pinagdadaanan ko. Parang mga sira. Tsk.] Received: 3:24 PM From: Kylie [ Nakakainggit naman yung babaeng kaklase ko na sinundo ng boyfriend niya kaninang uwian. Naalala kita sa kanya, babe. Kailan kaya mangyayari ulit yung hihintayin mo ako sa labas ng classroom para sabay tayong umuwi? I miss it. ] Received: 5:32 PM From: Kylie [ Hindi muna ako umuwi, babe. Dumaan pa ako sa bahay nila Angel. Na-shock nga ako nang alokin niya akong manood ng anime. Siguro napapansin niya nang nami-miss na kita. ] Received: 5:54 PM From: Kylie [ Pag-uwi ko ng bahay, kinausap ako nina Mama at Papa tungkol sa nalalapit kong debut. Tinanong nila ako kung ano ba raw ang gusto ko sa debut ko. Sabi ko sila na lang ang bahala. Hindi ako nakasagot nang magtanong sila kung ikaw ang 18th roses ko. Babe, magpaparamdam ka naman sa akin bago ang birthday ko diba? Aasahan kong makakarating ka sa debut ko. ] Received: 7:10 PM From: Kylie [ Babe, pa-expire na ang load ko. Nakalimutan kong magpa-load. Bukas na lang ulit ako magtetext sayo. I love you. ] Received: 7:12 PM Magkalapit lang pala ang edad namin ni Kylie. Kailan kaya ang birthday niya? Makakapunta kaya ang boyfriend niya sa debut niya? Kahit hindi nito natatanggap ang mga text ni Kylie, alam naman siguro no’n ang birthday ng girlfriend niya ‘di ba? Habang tumatagal, hindi ko maiwasang mapahanga kay Kylie. May babae pala talagang ganito kung magmahal. ‘Yung mamahalin ka kahit hindi ka na nagpaparamdam. ‘Yung hihintayin ka sa pagbabalik mo. Lahat siguro ng lalaki kapag nakahanap sila ng ganitong klaseng babae, hindi na nila papakawalan pa. Nagtataka tuloy ako. Bakit kaya nagawa ng boyfriend niyang hindi magparamdam sa kanya? Alam kong dumagdag pa ako sa rason at posibilidad kaya hindi ito nagpaparamdam pero kung gusto niya talaga, pwede naman siyang magpakita kay Kylie. Nasa kanya ang desisyon. Alam kong mali. Dapat simula pa lang ay nag-send na ako ng message kay Kylie para ipaalam sa kanya na hindi na ang kanyang boyfriend ang may hawak nitong cellphone. Alam ko rin na mali ang patuloy siyang paasahin na boyfriend niya pa rin ang nakakatanggap ng message niya. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niyang ako na pala ang nakakatanggap ng messages niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang i-text siya at sabihin ang totoo. Ayaw ko pang matapos ito. Gusto ko pang basahin ang messages niya kahit hindi naman ito para sa akin. Kylie, I’m sorry but I want to know more about you. Ngayon lang ako nagkaroon ng interest sa babae kaya hangga’t hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong ito, hayaan mo muna ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD