Day 3: Confused

647 Words
Troy’s POV From: Kylie [Ohayo, babe! It’s so cold!!! Kagabi pa umuulan. Sarap nga ng tulog ko eh. Ayaw ko pa sanang bumangon kaya lang may pasok pa hays! Btw, suot ko nga pala ngayon ang jacket na niregalo mo sa akin noon kaya pakiramdam ko ay yakap mo na rin ako. Hihi.] Received: 6:42 AM From: Kylie [Babe, nakakainis. Papasok na ako ng school nang biglang may dumaang sasakyan sa harapan ko. Yung tilamsik tuloy ng tubig-ulan sa daan napunta sa akin. Buti na lang suot ko ang jacket mo. Naisip ko tuloy na kahit wala ka sa tabi ko, you’re still protecting me.] Received: 6:58 AM From: Kylie [Babe, nasa classroom na ako. ‘Pag hindi na ako nakapag-text, that means, may klase na kami ah?] Received: 7:08 AM From: Kylie [Babe, pasensiya na kung maghapon akong hindi nakapagtext. Sobrang busy eh. Nangako ako sayo na mag-aaral ako nang mabuti diba? Kaninang umaga, puro kami discussion. Pagdating naman ng hapon, may PE kami at naglaro ng sports kaya hindi ko masingit ang pag-text. Sorry, babe.] Received: 6:58 PM From: Kylie [ Babe, huwag kang magtampo kapag hindi ako nakakapagtext ha?] Received: 7:00 PM From: Kylie [Babe, kain lang ako.] Received: 7:05 PM From: Kylie [Babe, katatapos ko lang kumain ng dinner. Balak ko sanang manood ng TV nang maalala kong kailangan kong mag-sulat ng tula para sa Filipino subject namin. Any theme daw basta may tugma, tatlong saknong at apat na taludtod. To be present tomorrow in front. Ano kayang isusulat ko?] Received: 7:21 PM From: Kylie [Mamaya na lang, babe. Susubukan ko munang gumawa ng tula.] Received: 7:22 PM From: Kylie [Yay! I made it babe! Hindi ko akalain na makakagawa ako ng tula. Gusto mo bang mabasa? Wait lang at i-send ko.] Received: 8:40 PM From: Kylie [Nangungulila sa mga yakap mo, Hinahanap ang presensiya mo, Ang isip ko ay nalilito, Kailan ka babalik sa piling ko? Ako’y naguguluhan at nalulumbay, Hindi makuntento at mapalagay, Pakiramdam ko’y wala akong buhay Gusto ko nang mahawakan ang iyong kamay. Kahit anong mangyari ay mamahalin kita Kaya bumalik ka na at magpakita Handa akong intindihin at pakinggan ka Maghihintay ako sa pagbabalik mo sinta. Ano, babe? Okay na ba yan? Tungkol talaga yan sayo kasi wala akong ibang maisip kundi ikaw. Sobra-sobrang miss na talaga kita.] Received: 8:43 PM From: Kylie [Bahala na. Yan na ang tula ko. Kapagod mag-isip eh. Alam mo naman na tamad rin ako minsan haha] Received: 8:45 PM From: Kylie [Babe, matutulog na ako. Gusto kong maagang matulog ngayon. Sakit kasi ng katawan ko dahil sa PE kanina. Gusto na rin kitang mapanaginipan.] Received: 8:47 PM From: Kylie [Sa panaginip na lang kasi kita nakakasama, nayayakap at nahahagkan. Oo, babe. Nasa panaginip kita lagi kaya gusto ko nang matulog. See you in my dreams! Mahal kita. Good night.] Received: 8:50 PM Napabuntong-hininga ako matapos mabasa ang huling message ni Kylie sa araw na ito. Pinatong ko sa bedside table ang cellphone at saka ako nahiga sa kama. Napatitig ako sa kisame at nag-isip. Sobra namang mahal ni Kylie ang boyfriend niya at base sa mga kuwento niya, mukhang mahal din siya nito. Pero nakakapagtaka lang kung bakit kaya tatlong linggo na itong hindi nagpaparamdam sa kanya? Ano kayang nangyari dito? Posible bang may nangyari sa kanila kaya hindi na ito nagpakita? Mariin akong napapikit at tumagilid sa pagkakahiga. Ano kayang mangyayari kapag nalaman niyang hindi na ang kanyang boyfriend ang nakakatanggap ng message niya? Magagalit ba siya sa akin? Kung i-text ko na kaya siya? Hays. Nagtatalo ang puso at isip ko. Dahil nakokonsensiya ako, tinutulak ako ng isip kong i-text na siya at sabihin ang totoo pero todo pigil naman itong puso ko dahil parang natutuwa ito kapag nababasa ang message niya. Naguguluhan na ako! Ano bang dapat kong gawin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD