“Must I go bound while you go free? Must I love a man who doesn't love me? Must I be born with so little art? As to love a man who'll break my Heart”
Cassandra Clare, Clockwork Prince
CHAPTER TWELVE
"Oh best what's wrong with you? at bigla ka yata nag-aya lumabas para mag happy happy? simula kasi nung nag-asawa ka bihira ka na maki jaming sa amin. Pag-uusisa ng kaibigan niyang si Cherry."
" OO nga Monica, segunda naman ni Jaszha. ay naku girls I'm sure may problem nga yang si Monica sa buhay may aasawa niya ang wika naman ni Andrea."
"Sure na correct kayo diyan girls 100% sure", tila pagkokompirma namang turan ni cherry!
" Tigilan nyu nga ako! pwede bang uminom nalang tayo" mataray naman niyang reklamo sa mga kaibigan.
" oh sure diyan mo naman kami maasahan ni cherry" masayang wika ni Jaszha.
" Ayan dyan kayo magaling!"
"but of course best lalo na kung libre at sky is the limit pa! pambubuska sa kanya ni cheery. "
" oh sure! lumaklak kayo hanggang kaya nyu at umorder kayo ng lahat ng gusto nyu! "
" Wow bongga! masayang wika ni Jaszha, iba ka pala pag may problema Monica."
" Hay naku ewan ko ba naman diyan kay best friend since elementary pa lang kami broken hearted na yan! hindi na nasanay sa lovelife niya." Pangaasar pa sa kanya ng kaibigang si cherry.
Since elementary kasi hanggang ngayon sa college ay magkaklase na sila nito at magbestfriend na, kaya kilalang kilala na siya nito at alam din nitong dati pa siya patay na patay kay Vincent, di tulad ni Jaszha at Andrea na ngayong college lang nila nakilala at naging kaibigan.
"Sige lang best ipangalandakan mo pa!" inis niyang wika sa kaibigan.
"Asus eh bakit totoo naman ah. Why dont you just give up and let him go. Ang dami kaya diyang nagkakagusto sayo! naghihintay lang na pansinin mo! bakit ba kasi ipinipilit pa kung hindi naman magkaige. Ang hirap kasi niyan best inagaw mo na nga lang ang asawa mo sa fiance niya, aagawin pa ng girl mula sa past niya at ang masaklap pa nun first love niya ang karibal mo ngayon. Eh pano pag ginalingan ng girl na yun ang pang-aagaw sa hubby mo eh di nganga ka best, isip isip din kasi best pag my time."
"Nakakainis ka na talaga best ha! kala ko ba best friend kita eh bakit sobrang bitter mo sa akin!" kunwari ay nagtatampong wika niya.
" Oo nga naman cherry! wag ka namang masyadong bitter kay Monica! problemado na nga yong tao eh dinadagdagan mo pa! ano ka ba naman kasi Monica speaking of your hubby why are you so bother with the come back of that girl from his past eh you are now his wife and she's just his ex. You have all the right and control with your husband girl, so just relax and take it easy."
"Yes Andrea partly your correct Monica is the legal wife and she has all the right in legal aspects but My best friend has no control with his husbands heart hindi niya kontrolado ang t***k ng puso ng asawa niya at yun ang matindi niyang kalaban" patuloy na pang-aasar ni Cherry sa kaibigan.
" Best ha di ka na nakakatuwa! kulang na lang isampal mo sa mukha ko ang isang masakit na katotohanan!"
" ay naku best matagal ko ng isinasampal sayo yan ng paulit-ulit kaso lang wala ka na yatang pakiramdam dahil dyan sa kalasingan mo sa pagmamahal mo dyan kay Vincent, adik ka rin best eh."
" Oo na! uminom na nga lang tayo! lalo mo lang pinapasakit ang nararamdaman ko eh! " kunwari ay nagtatampo niyang wika.
"Agad namang niyakap ni Cherry ang kaibigan! sorry best! alam mo namang love kita eh at ayaw kong nakikita kang nasasaktan kaya nga best let him go nalang kasi."
"Best alam mo naman ang sagot ka dyan diba! kahit dati pa! I wont let him go because I love him!"
" Ewan ko ba naman sayo best nababaliw ka na yata sa lalakeng yun!"
"Tama ka best I am crazy! Crazy in love with him all this time!"
Ng dumating na ang order nilang sisig, kalamares, pork sweet and sour at nilasing na hipon ay agad nila yung nilantakan, hindi sila sa laugh trip bar pumunta kasi alam nilang hindi sila titigilan dun nung mga baklang kaibigan nila na on duty ngayon dun sa bar.
"wow ha ang dami nito ah! bakit kaya hindi na rin kayo umorder ng kanin?" pang-aasar niya sa mga kaibigan na hindi niya alam na papatulan nga!
"Bakit my rice ba dito?, sa totoo lang gutom kasi talaga ako eh! " reklamo ni Jaszha!
"Yes mam we also serve rice! " sabat naman ng waiter na nagseserve sa kanila!
" Talaga! buti naman pakidalhan na rin kami dito please."
"Right away mam!"
"okay! thanks!"
" Ayos din kayo ha! ang totoo iinom ba tayo o magdidiner lng tayo!"
"Ano ka ba naman best pwede namang pagsabayin yun ha!"
"Korek, its a big check! " sang-ayon naman ni Jaszha.
Habang kumakain sila ay sumashot na sila ng pag-inom! Grabe parang wala ng bukas ang ginawa nilang pag-inom tlagang nalasing sila ng bonggang bongga kaya naman ang madayang si Cherry na nagdadaya sa tagay kaya hindi masyadong nalasing ay tumawag na ng rescue dahil baliwbaliwan na sa kalasingan ang mga kaibigan niya kaya naman nakakatawag na sila ng atensyon specially sa mga guys! akala siguro nakikipag flirt sila! Tinawagan niya ang kaibigan nilang si Jerome na hindi nila isinama kasi for the girls lang ang lakad nila ngayon at agad naman itong dumating upang sunduin at ihatid na sila sa kanikanilang bahay.
Si Jaszha at si Andrea ang inuna nitng inihatid at siya ang sumunod na inihatid nito .
"Bye Jerome! Bye best! uy Jerome ikaw ng bahala sa bestfriend ko ha kailangan maihatid mo yan sa kanila ng buo kundi lagot ka sa akin."
"Oo na Cherry mas maingay ka pa pala pag lasing ka eh! buti pa itong si Monica tahimik lang!"
" eh panong di mananahimik yan eh tulog na! sige na ihatid mo na siya! ingat kayo!"
Ng maihinto ni Jerome ang sasakyan niya sa harap ng bahay nila Monica ay agad na bumukas ang gate nito at sinalubong siya ng madilim at salubong ang kilay na asawa nito!
" Good evening poh!"
" Anong ginawa mo sa asawa ko! ? " Tila galit nitong tanong sa kanya.
"Naku wala po! ang totoo po niyan eh nautusan lang ako ni cherry na sunduin sila kasi nga po mga lasing na sila."
" Ganun ba sige ako ng bahala sa kanya wika ni Vincent kay Jerome na tila naaalangan ng buhatin niya si Monica. Salamat sa paghatid sa asawa ko, kung gusto mo pumasok ka muna at magkape."
"Naku wag na po tutuloy na rin po ako."
"Sige salamat ulit! "
"Wala pong anu man. Sige poh tutuloy na ako!"
Masakit na masakit ang ulo ni Monica kinabukasan ng magising siya! nagising siyang nakayakap sa kanya ang asawa habang nakadagan pa sa kanya ang mga hita nito.
Inis na tinanggal niya yun. pero mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya!
"Ano ba Vince ang bigat ng hita mo! babangon na ako nasusuka ako! agad namang tinanngal ni Vincent ang pagkakadgan ng hita nito at pagkakayakap sa kanya.
"Uy Monica bilisan mo dun ka sa banyo sumuka ha wag dito! alam mo bang pinahirapan mo ako sa paglilinis ng suka mo! kadiri ka na ha."
" Tse! buti nga sayo! magtiis ka! bakit kung hindi naman dahil sayo hindi ako maglalasing ah!"
"At ako pa talaga ang may kasalanan! gusto mo bang buhatin pa kita sa CR mahal na prinsesa."
"No thanks I can manage! " Patuloy niyang pagtataray dito.
Pagkapasok na pagkapasok ng CR ay agad na sumuka si Monica ang sama talaga ng tama niya at sobrang sakit pa ng ulo niya!
Narinig niya si Vincent na kumakatok.
"Monica okay ka lang ba? kaylangan mo ng tulong!"
"No just go away! gusto ko ng manit na sopas can you cook for me.?"
"Okay ipagluluto kita ng the best sopas basta bati na tayo ha."
"Ewan ko sayo! gawin mo nalang! mahapdi na sikmura ko maliligo muna ako! pagkatapos ko kaylangan luto na yan ha."
"Opo mahal na prinsesa, masusunod poh. Ayos ka din mag-utos ha. tila pagrereklamo ni
Vincent sa asawa.
"At bakit paanong gusto mo?"
"Lagyan mo naman ng please. Sagot sa kanya nito.
"Okay please sweetheart! "
"Ayun ganyan nga! mas masarap pakinggan."
"Tse dami mo pang arte!"
Pagkalabas ni Monica ng banyo ay nagbihis siya, ng pumunta siya sa kitchen ay nakahain na ang sopas sa mesa at ng matikman niya ang sopas na luto nito ay masasabi niyang the best sopas nga ito dahil masarap at malasa ang sabaw nito.
"Okay ah, in fairnes masarap siya Vince."
"Ows talaga so pano bati na tayo! "
"Bakit may sinabi ba ako? bakit naman ako makikipagbati sayo ang cheap ko naman kung sopas lang ang katapat ko!"
"Eh ano ba ang gusto mo tila naiirita ng tanong ng asawa. How many times do I have to tell you na si Sandra ang humalik sa akin at hindi ako."
" Na nagustuhan mo naman at sinamantala mo!"
"Monica kung ayaw mong maniwala sa akin bahala ka na! siyanga pala may company party kami mamaya! Kung gusto mong sumama pwede kang sumama kung ayaw mo naman nasa sayo na yun!"
"But of course sasama ako! mahirap na baka masalisihan nyu ako ng Sandra na yun"
"That girl is a b***h at baka maakit ka nanaman sa kanya!"
"Monica ano ba stop calling her a b***h. Matinong babae si Sandra. shes a professional at may pangalan siya!
"Yeah.. she's a professional! professional na mang-aagaw!"
"Can we just eat, let stop this none sense conversation."
MONICA AND VINCENT AT THE COMPANY PARTY
At the party sinalubong agad sila ni Sandra! Welcome to the party Vincent and Monica! nakangiting bati nito sa kanila! at ipinakilala sa kanya ang buong family nito!
"Monica I want you to meet my mom and dad! and my kuya Jacob! Mom, Dad this Monica Montenegro The daughter of Elena and Carmelo Montenegro.
"Oh ikaw na ba yan iha! we are please to meet you iha! nagagalak na bati sa knya ng mommy ni Sandra! Dalaga ka na! napakabilis lang ng panahon! hindi ko akalaing lalaki ka ng ganyan kaganda. Naikwento ba sayo ng mommy mo na ako ang nagpaanak sa kanya. Alam mo ba iha na hindi ko akalain na lalaki ka ng ganyan at mabubuhay ka nung baby ka pa! kulang ka kasi sa month nung ipinanganak ka! and talagang God's will din siguro kaya you survive. Dahil nalibang si Monica sa pakikipagkwentuhan sa mommy ni Sandra kaya ayun naitakas agad ng malanding si Sandra ang asawa niya! at ang asawa naman niya mukhang enjoy na enjoy sa company nito.
Naiinis naman si Monica sa kuya Jacob ni Sandra! para kasi siya nitong hinuhubaran kung makatingin!
"Hi Monica you captured me with your beauty. agad nitong banat sa kanya ng makalapit ito sa kanya dahil naiwan na siya ng mommy nito dahil may dumating na amiga yata nito kaya nagpaalam na ito sa kanya.
Tinaasan naman niya ito ng kilay! and so? patuloy na pagtataray niya dito! will you please stop flirting with me and pwede ba pagsabihan mo yang kapatid mo na tigilan na ang paglapit lapit sa asawa ko.
"Hindi ka lang pala maganda mataray ka pa! I like you more now!"
"You're Crazy man!" patuloy na pagtataray niya!
"Hi Jacob! Hi Monica! bati ng isang familiar na tinig na nakapagpalingon sa kanila pareho at ganun na lang ang tuwa ni Monica ng makitang si Joey ang bumati sa kanila!
"Kuya Joey! You're also here! I'm glad to see you here! masayang bati ni Monica sa bagong dating na si Joey.
"Hey pareng Joey! wazzup men!" ngayon na lang ulit kita nakita ah, masaya ring bati ng adik na kapatid ni Sandra sa bagong dating na si Joey.
"Kamusta ka na pare?"
" okay lang Jacob! ikaw kumusta na?"
"Ito pare gwapo pa rin" proud na sagot naman nito!
"Asus yabang talaga! ismid naman ni Monica na ang pinatutungkulan ay si Jacob.
"Kuya Joey I'm glad you came may makakausap na itong si Jacob I'll just check on Vincent!
Habang papalapit siya sa kinaroroonan nila Vincent ay nakita niya si Sandra na humingi ng 2 glass of wine sa waiter at may nakita siyang inilagay nito na kung ano sa isang glass ng wine! masama ang kutob niya may masamang binabalak ang babaeng ito. Kaya nagmamadali siyang makalapit dito kaya bago pa man ito makabalik sa kinaroroonan ni Vincent ay naharang na niya ito!
"Hi Sandra can I have a glass of wine."
" Sure ihihingi kita sa waiter!"
" No! ang gusto ko ay yang hawak mo!"
" But Monica this is for Vincent and me.
"No I want that Glass of wine from your right hand," para naman itong namutla ng marinig ang sinabi niya.
"Oh sure bigla nitong ibinigay ang hawak na wine sa kanang kamay niya sa kanya! "
"Here take this! "
Kinuha niya ang glass of wine at inalog niya yun! sige maiwan na kita paalis na sana ito pero napigilan niya ito sa braso!
"No you cant leave! anong inilagay mo sa wine na ito?"
"What! Monica ano naman ang ilalagay ko dyan?"
" I know may inilagay ka at nakita ko yun! ito ba ang balak mo sanang ibigay kay Vincent!
"Monica let go of me! nababaliw ka na!"
"No I am not Sandra! sorry ka nalang hindi mo mabibilog ang ulo ko kasi nagawa ko na ito dati at sa ganitong paraan ko nakuha si Vincent."
" Hahaha! nakakalokong tinawanan siya ni Sandra. Kaya naman pala! ako pa rin ang mahal ni Vincent.
Biglang uminit ang ulo ni Monica ng marinig niya ang sinabi ni Sandra kaya sa inis niya ay isinaboy niya sa mukha ni Sandra ang wine na ibinigay nito sa kanya!
"You b***h! how dare you na pagtawanan ako! "
Nagulat naman si Sandra sa ginawa niya at biglang uminit ang ulo nito! sasampalin sana siya nito pero may kamay na pumigil dito!
Sandra no! ang mommy pala nito yun!
" Mommy look what she did to me! "
"Sandra nakakahiya kung papatulan mo siya" pigil pa rin ng mommy nito dito!
"Mommy I dont care!"
Pinagtitinginan na sila ng ibang mga bisita at napansin na rin yun ni Vincent na nakalapit na rin sa kanila.
Galit nanaman ito sa kanya! "Monica ano nanaman ito! bakit ka gumawa ng eksena dito! lets go!
Sandra I'm sorry for what she did! Tita Bianca we're sorry!"
"No! Vince I am not sorry for what I did! that girl deserves it."
"Monica enough! "
"Vincent pagasabihan mo yang asawa mo! pag hindi ako nakapagpigil isasampal ko sa pagmumukha nyan ang isang katotohanan para matauhan yan at mabawasan ang kayabanga nyan!"
"Sandra! galit na sigaw na dito ng mommy nito! you keep your mouth shut!"
"Sige naVincent umuwi na kayo ako ng bahala dito."
"Monica lets go! galit na siyang hinila ni Vincent palabas at nasasaktan siya! nasasaktan nanaman siya dahil di man lang siya pinagtanggol ng asawa niya di man lang muna nito inalam kung ano ba talaga ang nangyari! at ang masakit pa niyan palaisipan pa rin sa kanya kung anong sekreto ang sinasabi ng Sandra na yun!
Sino ba talaga ang Sandra na ito sa buhay ng asawa niya at anong koneksyon ng pamilya nito sa pamilya nila.?