"Forget who hurt you yesterday, but dont forget who loves you today. Forget the past that made you cry and focus on the present that completes your smile."
CHAPTER ELEVEN
"Sandra you are drunk again! anong ginagawa mo sa buhay mo? umuwi ka lang ba ng Pilipinas para sirain ang buhay mo!" Pagsesermon sa kanya ng kanyang ina!
"Why mommy? do you really care about me?" puno ng hinanakit na tanong ni Sandra sa ina.
"Kasalanan nyu ni Daddy kung bakit ako nagkakaganito mommy! you and dad ruined my life!" panunumbat niya sa ina.
Para namang nawala ang pagkalasing niya ng sampalin siya ng mommy niya dahil sa mga sinabi niya.
" How dare you! pinag-aral ka namin ng dad mo, ibinigay namin lahat ng pangangailangan mo, minahal ka namin, inalagaan!. anong karapatan mo na sagut sagutin ako ngayon ng ganyan! anong karapatan mo na sumbatan kami ng dad mo."
"You don't understand me mom and you will never understand me kasi hindi nyu naman alam what I have been through all these years! mom naging sunod-sunuran lang ako sa lahat ng gusto nyu ni dad but you never asked me kung ano ba talaga ang gusto ko! so I have no choice mom. umiiyak ng sumbat ni Sandra sa ina.
" Then now tell me once and for all ano ang ipinagkakaganyan mo?" mahinahon ng tanong ng mommy niya.
"Mom wala na akong pag-asa maging masaya! I will stay alone all my life...wala na ang kaisa-isang lalakeng minahal ko. Wala na siya mom pag-aari na siya ng iba ngayon. Sabi nyu ni daddy layuan ko siya at kalimutan, sabi nyu bata pa ako at darating ang panahon na makakalimutan ko din siya, sabi nyu hindi siya ang tamang lalake para sa akin. Inilayo nyu ako sa kanya pero hindi ko siya nakalimutan mommy! hanggang ngayon siya pa rin po ang mahal ko pero kasal na pala siya sa iba, ang sakit sakit mom kasi hanggang ngayon mahal ko pa siya."
" Sandra anak ano bang pinagsasabi mo? " biglang nakaramdam ng awa si Bianca para sa anak. Hindi niya kalain na hindi pa rin pala ito nakakamove on sa past love nito.
"Anak lalake lang yan! wag mong sirain ang buhay mo ng dahil sa kanya. Hindi ka na bata Sandra, you are already 33 to act that way.
Anak marami pa naman dyang iba. Maganda ka professional kaya I'm sure na makakahanap ka pa ng tamang lalake para sayo."
"Pero kailan pa mom? 33 na nga ako diba and I now consider myself as an old maid."
"Stop that Sandra! I want you to fix yourself, ayaw kong makita ka ng dad mo na ganyan ka. Halika na sa room mo at baka madatnan ka pa ng dad mo sa ayos mong ganyan. I'm sure he'll be disappointed with you." Sinamahan ni Bianca ang anak sa kwarto nito na agad na nakatulog pagkalapat pa lang ng likod sa kama nito.
Hindi niya akalain na ang boyfriend pa rin pala nito nung High school ang mahal nito hanggang ngayon.
Nasa bahay na nila si Monica at Vincent, kumakain sila ng pop corn habang nanonood ng holywood movie. Sa bagay na yun ay nagkakasundo sila ni Vincent kahit pa nung bata pa siya.
" Vince business partner mo lang ba talaga ang Sandra Villafuerte na yun?" tanong ni Monica sa asawa habang nanonood sila.
"Monica manood ka na lang kaya, ang dami mo pang tanong eh."
" Bakit di mo na lang kasi sagutin ang tanong ko.!"
" Ano nanaman ba ang gusto mong palabasin?" naiinis ng reklamo sa kanya ni Vincent.
Dahil naiinis siya sa sagot ni Vincent ay Kinuha niya ang remote at pinatay niya ang DVD player na lalo namang ikinainis nito.
"Monica ano ba! nanonood ako ah. bakit mo pinatay? galit na reklamo nito at inagaw sa kanya ang remote. Kung ayaw mo na manood matulog ka na lang."
Iniiwas naman niya ito dito. "oops ayaw ko! sagutin mo muna ang tanong ko. Patuloy na pangungulit niya dito.
Maliban sa pagiging mag-business partner nyu ng Sandra na yun ano pa ang kaugnayan niya sayo?" tanong niya ulit sa asawa na halatang naiinis na nanaman sa kanya.
"Monica bakit ba ang kulit mo! inis na talaga ang tono nito! bahala ka na nga! mabuti pang makatulog na lang" at sukat ba namang iwanan siya nito at pumasok na sa kwarto nila. kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod na rin dito. Nadatnan niya itong nakahiga na. Nakapikit na ito. Tumabi siya dito at yumakap.
"Vince sorry na! nagtatanong lang naman ako eh. Peace na tayo ha," paglalambing niya sa asawa na mukhang napikon nanaman sa kanya. Hindi ito umimik, mukhang galit nanaman.
"Hoy galit ka ba?" pinisil niya ang tungki ng ilong nito. Vince sorry na sabi eh. Kung ayaw mo siyang pag-usapan ngayon then hindi na kita kukulitin but I can't promise na hindi na kita kukulitin na magkwento about her next time."
Bigla itong nagmulat ng mata, at niyakap siya, matulog na tayo ayaw ko siyang pag-usapan.
"Pero bakit?" tanong niya pa rin sa asawa.
" Dahil bahagi na lang siya ng nakaraan and past is past," sagot niya sa asawa na alam naman niyang di siya titigilan sa pag-uusisa. Knowing her baka hindi lang sila makatulog pareho sa pangungulit nito.
" You mean may past kayo ng Sandra na yun."
"Oo ex girlfriend ko siya! pag-amin ng kanyang asawa kasabay ng pagkukwento nito. She was my ex girlfriend back in High School, she is my first love but she broke up with me to fulfilled her dream. And now she's already a successful career woman and I am so happy with what she become now."
"Do you still love her?" muli niyang tanong sa asawa at siya din ang natatakot sa maari nitong isagot. sabi na nga ba niya eh hindi lang basta business partner ang relasyon nito sa asawa niya.
"Monica tulad ng sinabi ko bahagi na lang siya ng nakaraan at ang nakaraan ay nakaraan na at hindi na dapat pinag-uusapan."
"But I want to know Vincent! mahal mo pa ba siya?".
"Hindi na! matagal na panahon na yun madami ng dumating at nagdaan sa buhay ko at kagaya nung iba bahagi na lang siya ng nakaraan ko at mananatiling bahagi nito."
Duda pa rin si Monica sa sagot ng asawa. Kung first love nito ang Sandra na yun maaring bumalik ang nararamdaman nito para dito, lalo pa at lagi silang magkasama sa trabaho, pero hindi siya papayag na maagaw nito muli sa kanya ang asawa.
She'll do everything to get that girl away from her husband. Siya na ang present nito ngayon at siya pa rin sa future. Siya lang at wala ng iba.
"Thank you for telling me about that Vincent" Muli siyang yumakap dito at hinalikan ito sa labi. Nagulat naman siya ng gumanti ito ng halik at maging mapusok at mapaghanap hanggang mauwi sila sa pagniniig na muli, which is natural lang naman dahil mag-asawa na sila. Kung nung una ay naasiwa pa siya at nahihiya tuwing magniniig sila ngayon ay parang nakasanayan na niya iyon.
" I love you Vince malambing niyang wika sa asawa, wala itong naging sagot sa sinabi niya. Kundi mahigpit na yakap. Kailan kaya niya dito maririnig ang salitang I love you too. Hanggang ngayon hoping pa rin siya na mamahalin din siya ng asawa tulad ng pagmamahal niya dito, pero sabi nga ng mom niya kaylangan niya maghintay kasi ang pagmamahal daw ay hindi ipinipilit dahil kusa itong nararamdaman.
Pero hanggang kaylan kaya siya maghihintay? pano kung maagaw ito sa kanya ng Sandra na yun. paano pa siya, ano pa ang magiging laban niya. Nakatulog siya na puno ng alalahanin sa puso at isip niya.
VINCENT'S OFFICE
Naguguluhan si Vincent sa nararamdaman niya, nagtapat sa kanya si Sandra na mahal pa rin siya nito, na pinagsisihan nito ang pananakit na ginawa nito sa kanya before, Naaawa siya dito ng marinig niya ang kwento nito kung paano minaniobra ng parents niya ang buhay niya, kung paano winasak ng mga ito ang musmos na pag-iibigan nila dati.
Inaamin niyang minahal niya dati si Sandra ng sobra, na naging obsess siya dito at sobra siyang nasaktan ng makipagbreak ito sa kanya. Sandra was his first love. Isa ito sa mga iniyakan niya at naging dahilan ng depression niya. Akala niya dati hindi na siya makakarecover sa sakit until makilala niya at maging kaibigan niya si Brent, nakahanap siya ng bagong kaibigan at bagong pamilya sa katauhan nito at ng pamilya nito. Napapangiti na siya dahil sa bibo at makulit na kapatid nito at yun na nga si Monica na hindi niya talaga lubos maisip na magiging asawa niya at dahil din sa pagiging magkaibigan nila ni Brent nakilala naman niya ang napakabait na si Jana na para sa kanya ay isang ideal girl friend kaya kahit na medyo malaki ang agwat ng pamumuhay nila sa isat isa ay hindi yun naging hadlang para ligawan niya ito hanggang sa mapasagot niya ito at maging sila, at muling nagkaron ng kulay at direksyon ang buhay ni Vincent, simula ng maging sila ni Jana ay kinalimutan na niya ang pagiging playboy niya, simula nung makipagbreak sa kanya si Sandra, pero dahil sa mga kalokohan at kasinungalingan at drama ni Monica ay napaikot at napikot siya nito. Galit pa rin siya sa asawa niya dahil sa mga pinaggagawa nito pero ang galit na yun ay unti unti ng natutunaw habang tumatagal ang pagsasama nila pero bakit siya naguguluhan sa pagbabalik ni Sandra?
Is it possible na mahal pa niya ito? Kaya niya bang saktan at iwan si Monica para sa dati niyang pag-ibig kay Sandra? Kaya nga ba niyang gawing impyerno ang buhay ni Monica tulad ng balak niya. Tingin niya hindi niya kayang iwan si Monica, hindi kakayanin ng konsensya niya! Naging napakabuti ng naging pagtrato ng buong pamilya nito sa kanya at ayaw niyang masira ang nabuong muling pagkakaibigan nila ni Brando pero hindi rin naman niya kayang makitang nasasaktan si Sandra at unti-unting sinisira ang buhay niya dahil sa nakaraang gusto nitong balikan.
Si Sandra ay bahagi nalang ng nakaraan niya. Si Monica ang present niya at aminin man niya o hindi isa ito sa mga nagpapangiti sa kanya. Ano ba ang dapat niyang gawin. ahhh. sumasakit ang ulo niya. Paano ba siya magdedesisyon ng walang masasaktan?
"Vincent please samo sa kanya ng umiiyak na si Sandra. Please love me back Vincent. please...nagulat nalang si Vincent ng halikan siya ni Sandra.
Samantala naisipan naman ni Monica na sorpresahin ang asawa at dalawin ito sa office nito. 2nd wedding monthsary na kasi nila may dala siyang food and cake para dito, tumawag kasi ito kanina at sinabing baka malate ito umuwi dahil marami daw silang paper works na tinatapos pero siya pa pala ang masosorpresa sa madadatnan niya.
Hindi na siya kumatok kasi kilala naman siya ng secretary ni Vincent kaya pinaderecho na siya sa office nito pagbukas niya ng pinto ay nabungaran niya na naghahalikan ang asawa niya at si Sandra sa llob ng office nito.
Ganun na lang ang pagkagulat niya. para siyang napako sa kinatatayuan niya, nanikip yata bigla ang dibdib niya, parang di siya makahinga.
Gulat na gulat din naman ang mga ito ng makita siya. Habang siya ay tila napipi yata! Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya kasi ayaw niya magmukhang tanga sa harapan ng mga ito.
"Monica relax! " paulit-ulit niyang pangungumbinsi sa sarili niya.
"Monica,! ang tanging nasabi ni Vincent.
Pumasok na si Monica sa loob ng office habang nagpipigil pa rin ng galit! ayaw niyang maka attract sila ng mga tao dun at maging topic ng tsismisan ng mga ito.
" Tapos naba kayo? mariing tanong niya sa mga ito. How dare you Vincent! dito pa sa office mo kayo gumagawa ng milagro. Sana man lang naglock kayo! and you b***h! gusto ko lang ipaalala sayo may asawa na po yang nilalandi mo."
"Monica it's not what you think." Agad na depensa ni Vincent.
" Tama na Vincent! I saw what I saw. I just went here to surprise you. This is our 2nnd wedding monthsary so I brought you food kasi sabi mo baka late ka makauwi dahil marami kayong paper works na tinatapos pero ako pala ang masosorpresa dahil ang babaeng yan pala ang inaayos mo.
Oh ayan lamunin nyu!" nanggigil na inilapag niya sa mesa ni Vincent ang dala niyang pagkain trying so much to control her anger. Hindi na siya makakatagal sa office na yun dahil baka any moment ay sumabog na siya at magwala sa galit kaya lumabas na din siya agad.
Sinundan naman siya ni Vincent. "Monica lets talk mali ka sa iniisip mo."
Derederecho lang siya at hindi niya pinapansin ang asawa napapatingin tuloy sa kanila ang ibang employee dun! kahit galit na galit na siya ay nagagawa pa rin niyang ngumiti sa mga employee na bumabati sa kanila.
Ng nasa parking lot na sila ay inagaw sa kanya ni Vincent ang susi ng kotse. Ako na ang magdadrive. Alam kong galit ka at baka kung mapano kapa. Ipinagbukas siya nito ng pinto.
Tahimik lang sila habang nasa byahe. Hanggang sa pagdating nila sa kanilang bahay ay hindi niya pa rin iniimikan si Vincent kahit kausapin siya nito.
Hindi siya nagwala, hindi siya nagbasag ng kahit ano kahit na gustong gusto na niya.
Pinigilan din niya ang umiyak. Hindi niya ipapakita kay Vincent ang kahinaan niya.
"Monica ano ba! wala ka bang sasabihin. Magalit ka kung gusto mo! magwala ka kung gusto mo pero mali ang iniisip mo."
"Gusto kong mapag-isa Vince. Please iwan mo na ako bumalik ka na sa office nyu at tapusin mo kung anong dapat mong tapusin."
"Monica ano nanaman ba ito! Iiwan kita para ano para pagkatapos sa hospital nanaman kita dadatnan."
"Ganun na ba kahina ang tingin mo sa akin ha Vincent na konting problema lang magpapakamatay na ako! puno ng hinanakit na sumbat niya dito!
Wag kang mag-alala nagbago na ako from now on ibang Monica na ang makikilala mo.
Yung Monica na matapang! hindi na napigilan ni Monica ang pinipigil na pag-iyak.
umiiyak na siya habang nagsasalita. Tandaan mo ito Vince this is the last time na mapapaiyak mo ako! This is the last time na iiyakan kita! magsama kayo ng babae mo kung yan ang gusto mo wala na akong pakialam." Grabe ang hirap pala magtimpi, ang hirap pala magsalita ng umiiyak at ang sakit sakit pala mahuli mo sa akto ang mahal mo na niloloko ka!
"Monica please maniwala ka naman sa akin hindi yun kagaya ng iniisip mo! walang namamagitan sa amin ni Sandra. Sa galit niya ay itinulak niya si Vincent sa pagkakayakap sa kanya.
"Layuan mo ako Vince! Get out!!!! histerikal ng sigaw niya sa asawa hindi na niya kayang kontrolin ang galit niya! wala namang nagawa si Vincent kundi ang iwan muna ang asawa para makapag-isip. Kilala niya ito pag galit ito sarado ang isip nito at walang ibang pinakikinggan kundi ang sarili niya. kaya hindi niya tuloy alam kung paano ipapaliwanag dito ang nangyari!