In love, it is better to know and be disappointed, than to not know and always wonder.”
― Michael S. McKinney
CHAPTER TEN
Habang nasa kotse sila ay wala silang imikan! kaya hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa byahe. Nagising na lang siya na buhat buhat na siya ni Vincent papasok ng bahay.
“Vince sorry nkatulog pala ako pwede mo na akong ibaba.” pupungas pungas na wika niya. Pero di siya nito pinansin. Kaya ikinawit nalang niya ang kamay niya sa leeg nito na parang bata. Ang sweet kaya, karga siya ng asawa niya kung di man siya nito binuhat nung wedding nila at least ngayon naranasan niyang kargahin nito papasok sa kanilang bahay. Pagkapasok nila sa bahay ay hindi sila sa kwarto dumerecho ibinaba siya nito sa sofa sa sala at parang pagod na pagod din itong umupo. Umusog siya dito sa upuan at saka yumakap.
“Akala ko ba sa Sunday pa uwi mo? paglalambing niya dito! kumain ka na ba? gusto mo paghanda kita ng pagkain?” bago pa man ito sumagot ay natanong niya na ito ulit.
Hindi ito sumagot? pero naramdaman nyang yumakap din ito sa kanya at kinilig nanaman siya sa munting gesture na yun ng asawa niya. Mayamaya lang ay bigla ulit itong nagsalita.
“Kailan ka pa nagpeperform sa bar na yun? ganun ba ang ginagawa mo sa tuwing wala ako?” tila galit ang pagtatanong nito kaya bigla siyang napabalikwas at napaalis sa pagkakayakap dito.
“ No Vince hindi.!!!Kanina lang yun nagkataon lang na wala yung performer nung bar kanina!”
“Bakit di mo sa akin sinabi na magpeperform ka dun.”
“Eh nawala na kasi sa isip ko eh! sorry na! ikaw nga din dyan eh di mo rin naman ako sinabihan na pauwi ka na diba!”
“Sino yung Jerome na yun? tanong ulit nito na parang iniimbestigahan siya.
“Wala yun classmate ko yun! and isa rin sa mga may-ari nung bar. Well actually siya talaga yung may pinakamalaking share dun!”
“Bakit di mo sa akin sinabi na one of the owner ka rin pala nun! alam ba yan nila mommy at Brando?”
“No! di ko na ipinaalam sa kanila kasi nga maliit lang naman share ko dun!”
“Ayaw ko na ulit makikita kang nagpeperform sa bar na yun ha!”
“Okay sabi mo eh! galit ka ba?”
“Ano sa tingin mo?”
“ Feeling ko galit ka nga!”
“Bakit sa tingin mo ba nakakatuwa na akala mo dadatnan mo sa bahay ang asawa mo tapos yun pala makikita mong nagpeperform sa bar at nakikipagflirt sa Jerome na yun! inis na wika nito. Baka nakakalimutan mo Monica may asawa ka na at ikaw ang pumili ng buhay na ito kaya huwag kang umasta na para ka pa ring dalaga na pwedeng gawin ang lahat n naisin mo lalong lalo na ang makipagflirt sa ibang lalake!” Galit na litanya nito sa kanya!
“Ouch! Wow naman Vince nagperform lang kasama ang kaibigan flirt na agad! Ang sakit mo naman magsalita!. Nagtatampong wika niya dito. Bakit ba ganyan ka makapagsalita ha Vincent! Teka nga nagseselos ka ba ha!? sinabi ko na nga diba classmate ko lang si Jerome at kanina ko lang ginawa magperform dun kasi kaylangan lang talaga!”
“Classmate! eh kung magtitigan nga kayo kanina on stage eh halos langgamin na kayo!”
“Wala yun! kasama lang sa performance namin yun! uy nagseselos ang asawa ko! siguro love mo na rin ako anoh!” parang batang panunukso niya dito, kahit na sobrang sama na ng kanyang loob sa mga sinabi ng asawa ay nagawa pa rin ni Monica na pagaanin ang sitwasyon sa tila panunukso dito. Kahit deep inside ang sakit sakit na. Nang hindi pa rin ito umiimik ay kiniss niya na ito sa lips! wag ka na magalit please paglalambing niya pa dito, pero nadismaya siya ng wala man lang response na nakuha sa asawa.
“Matulog na tayo! gusto ko na magpahinga at antok na rin ako!”
Lalo pang sumama ang loob niya ng matulog itong nakatalikod sa kanya!
Galit yata talaga! at naalala niya ang sinabi ng mga kaibigan niya na ang the best daw na pantanggal ng galit ng lalake ay ang paglalambing dito at yun nga ang ginawa ni Monica. Niyakap niya ang asawa at nilambinglambing.
“Vince naman bakit ka nakatalikod sa akin! Uy haharap na yan! wag ka na magalit! pangungulit niya pa dito. Dahil sa kakukulit niya dito ay humarap na din ito sa kanya!
“ Ano ba Monica bakit ba ang kulit mo! bago pa ulit ito makapagsalita ay nahalikan na ito ni Monica at gumanti naman ito ng halik. lumalim pa ang halikan nila na halos hindi makahinga si Monica bago naghiwalay ang mga labi nila. Ng maghiwalay ang mga labi nila ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng asawa at tinitigan ang mga mata ng asawa na nakikita niyang puno ng pagnanasa. Vince I love you. Hindi niya maiwasang sambitin ang mga katagang yon habang nakatitig sa mata ng asawa. Wala naman siyang nakuhang tugon sa asawa bagkos ay muli siya nitong hinalikan at mabilis na natanggal ang mga saplot niya sa katawan. Puno ng pagnanasa na hinalikan siya nito sa buong parte ng kanyang katawan. Walang bahagi ng kanyang katawan ang hindi nasayaran ng nagbabaga nitong mga labi. Siya naman ay tila hibang na sa sensasyong kanyang nararamdaman. Ibang iba ngayon si Vince parang nais siyang parusahan sa paraang pareho silang mag-I-enjoy. Paulit-ulit siyang inangkin ni Vincent ng gabing yon. Parang wala itong kapaguran hanggang sa siya na ang sumuko. Vince I’m so tired and sleepy. Ng maramdaman naman ni Vincent na wala na sa mood ang asawa ay tinigilan na niya ito.Niyakap niya ito ng mahigpit at saka pinisil ang tungki ng ilong niya! sabay sabing yan ang kabayaran sa katigasan ng ulo mo at pamimikot mo sa akin Monica. Labis na nasaktan si Monica sa sinabi ng asawa at lihim niyang pinunasan ang luhang kusang pumtak sa kanyang pisngi. Ganun pa man kahit sobrang sama ng loob niya ay gumanti rin naman ng yakap si Monica at nakatulog silang magkayakap.
Nagising si Monica sa ring ng Cellphone ni Vincent! narinig niyang naliligo sa banyo ang asawa kaya tiningnan niya kung sino ang tumatawag sa Cp nito at nakita niyang engineer Villafuerte ang nakaregister dun. Inisip niya na baka importante ang tawag na yun kaya sinagot niya ito.
“Hello babe! good morning!” malambing na bati ng nasa kabilang linya!
Biglang uminit ang ulo ni Monica at napabalikwas ng bangon ng mabosesan ang tumatawag at tawagin nitong babe si Vincent!
Oh s**t panira ng umaga itong babaeng ito ah!
“Hello! inis na wika niya sa kabilang linya! kung sino ka man! tigilan mo na ang pagtawag ng babe sa mister ko! may asawa na siya at ako ang misis niya” pagtataray niya pa!
“What! may asawa na si Vincent tila gulat na gulat na tanong nito!”
“Oh yes! inulit mo lang! hindi ka naman siguro bingi diba” patuloy na pagtataray niya dito! bago pa ito makapagsalita ay ini off niya na ang cp ni Vincent. Bwist na babaeng yun! malandi! panira ng araw.
Samantala inis na inis naman si Sandra sa kabilang linya dahil bigla siyang pinagpatayan ng kausap niya sa cellphone. So totoo nga palang nag-asawa na si Vincent at sino naman kaya ang napangasawa nito?
Nagmamaktol pa rin si Monica sa inis ng lumabas na si Vincent ng banyo! nakatapis lang ito ng tuwalya!
“Gising ka na pala! bati nito sa kanya! Good morning!”
Hindi siya gumanti ng pagbati dito! bagkus sinimangutan niya pa ito!
“Oh what's wrong? mukhang badtrip ka! masama yata ang gising mo!”
“Talagang masama!” dahil sa inis ni Monica ay ibinato niya ang cellphone nito dito tinamaan ito sa tiyan at nabasag ang screen ng cellphone ng bumagsak ito sa sahig!
“Monica ano ba! mukhang nagalit din ito sa ginawa niya, pero wala siyang pakialam kasi ganun talaga siya pag nagagalit maraming nababasag!
“Ang aga-aga ang lakas ng topak mo ah! inis na wika nito sa kanya! ano bang pinagkakaganyan mo nanaman para kang bata!”
Mas lalong nainis si Monica ng sabihan siya nitong parang bata!
Hanngang ngayon pala bata pa rin ang tingin sa kanya ng asawa, a little sister na madalas nitong sabihin sa kanya!
“s**t! sisihin mo yang babe mo ang aga-aga panira ng araw! Hello babe good morning!” panggagaya niya pa sa sinabi ng babaeng tumawag sa cellphone nito kanina.
“What! tumawag si Sandra!” gulat na tanong nito!
“ Yes and Sandra pala ang pangalan niya!”
“I hate you Vince! I hate that girl! I hate both of you!” sigaw niya dito na pati unan ay pinagtatapon niya dito dahil sa sobrang inis!
“Monica ano ba! stop it! napapraning ka nanaman! Sandra is just a business partner! siya ang may ari nung project namin sa Cebu. She is also an engineer. You should know how to control your anger! look what you've done! sinira mo ang cp ko! alam mo ba kung magkanong halaga nito?”
“Oh s**t! I dont care! kahit gano pa kamahal yan kaya kong palitan yan kahit dalawa pa!”
“See! look at your attitude! baka dahil diyan sa ugali mo na yan! maubos ang gamit natin dito sa bahay!” parang bata siya na ginagalitan nito.
Parang gusto na niya maiyak sa inis! relax Monica pangungumbinsi niya sa sarili! diba sabi ng asawa niya she should learn to control her anger kaya imbes na makipagtalo pa ay bumangon na lang siya dumerecho sa Cr para maligo ng mawala ang init ng ulo niya.
Pag labas niya ng banyo ay bihis na ang asawa. Nakatapis lang siya ng tuwalya at napansin niyang nakatitig ito sa kanya! Naakit nanaman yata ang loko sa alindog niya. Pero sorry ka! galit ako ngayon kaya di kita papatulan. wika niya sa isip lang at walang pakialam na nagbihis kahit pa andun ang asawa niya!
Samantala napalunok nalang si Vincent habang nagbibihis ang asawa iba talaga ang epekto nito sa kanya kaylangan niya nang matinding self control.
Hinintay siya nitong makapagbihis tapos ay inakbayan na siya at inaya ng lumabas ng room nila.
“ Lets go nakapagprepare na si Manang Mila ng Breakfast natin! Idadaan muna kita sa mansyon nyu bago ako dumerecho sa office. Tumawag sa akin si mommy ihatid daw kita dun at miss ka na nila, may padala daw pating package si Brando para sayo!”
Para naman siyang batang nagningning ang mga mata ng marinig ang sinabi ng asawa.
“Buti pa si Kuya Brando naaalala akong bilihan ng mga bagay na gusto ko kahit nasa ibang bansa siya yung iba diyan ni wala man lang pasalubong sa akin galing Cebu!” pagpaparinig niya sa asawa!
Agad naman siyang niyakap nito at hinalikan sa labi. May pasalubong poh ako sayo hindi ko lang naibigay kagabi kasi nawala na sa isip ko! at saka baka di mo magustuhan, ang hirap mo kasing bilihan ng pasalubong kasi you almost have everything! oh ano nagtatampo ka pa ba? tanong nito sa kanya habang hawak siya sa magkabilang pisngi.
Hindi na! pero galit pa rin ako sayo dahil sa Sandra na yun inis pa ring wika niya ng maalala ang babae nito.
Kakakasal pa lang nila may babae na agad ito. buong akala niya si Jana lang ang karibal niya. meron pa palang iba.
Tuwang tuwa ang mom and dad niya ng makita siya! Iha my princess bati sa kanya ng dad niya!
” Dad! agad siyang yumakap dito I miss you dad, I miss you mom”. ng maihatid siya ng asawa ay nagpaalam na din ito.
“ Kumusta ang buhay may asawa ng nag-iisa naming prinsesa?” nangungumustang tanong ng dad niya.
“okay naman poh dad.”
“Eh ang pagbubuntis mo iha hindi ka ba naman nahihirapan? nagpacheck up ka na ba ulit sa OB Gyne mo?” tanong pa nito?
Napatingin siya sa mom niya nagpapasaklolo!
“ Hon malelate ka na diba may meeting kayo ngayon” paalala dito ng mom niya para maiiwas na siya sa mga tanong nito.
“ Oo nga pala I almost forget the time, so bueno iha maiwan ko na muna kayo ng mom mo.”
“Sige po dad! bye poh love you dad!” wika niya sa ama na yumakap at humalik pa sa pisngi nito bago nagpaalam.
“ I love you too my princess!”
“Ingat poh sa pagdadrive dad.”
“ yes princess I will.”
Yun ang gusto ni Carmelo sa anak niyang si Monica sweet ito at malalahanin sa kanilang lahat kaya naman napamahal ito sa kanila ng sobra at na spoiled nila sa lahat ng bagay lalo na sa mga kuya nito na sabik din sa kapatid na babae.
Ng makaalis na ang dad niya ang mom naman niya ang nag-interogate sa kanya.
” Kamusta na kayo ni Alexis anak?”
“Okay naman po mommy kaso lang po madalas hindi kagaya na lang po kanina bago siya pumasok eh nag-away kami naibato ko po yung cellphone niya at nabasag yun kaya yun poh nagalit siya sa akin at senermunan ako ng bongga daig pa niya si dad magsermon.”
“Anak mali naman kasi yung ginawa mo you should learn to control your anger. “
“Ganyang ganyan din po ang sinabi niya sa akin mom.” Marami pa silang napag-usapan ng mom niya marami itong binigay na advice sa kanya at marami din siyang natututunan dito.
Sinulit nila ng mom niya ang bonding nila nagpunta sila ng mall at nagshopping! kahit na may asawa na siya ay nilalamanan pa rin ng mom niya at mga kapatid ang ATM niya. may allowance pa rin siya dito kaya hindi sa kanya problema ang pera.
Masayang masaya na sana siya kundi lang sa dalawang taong makikita niyang magkasama sa mall. Nakita niya ang asawa niya na may kasamang girl. Mas lalo siyang nainis ng makitang maganda ang kasama nitong girl and very sophisticated.
“Mom look who's here? ang asawa ko may kasamang babae for sure yan yung babae niya na tumawag sa kanya kanina.” maktol niya sa ina na parang bata.
“Monica remember yung sinabi ko sayo try to control yourself. Relax anak just be cool, wag ka magpahalata na affected ka. Dont worry iha mas maganda ka sa girl na yun aba anak yata kita! pagpapalakas loob ng mom niya sa kanya and besides iha Malay mo bagong sekretarya niya lang yan. Lets go lapitan natin sila before ka mag-isip nang kung ano-anu let us findout first kung sino ang girl na kasama niya!”
Hindi sila pansin ni Vincentat ng girl na kasama nito dahil busy ito sa pagtingin ng mga shoes.
” Vincent iho” tawag pansin ng mama niya dito.
Bigla naman itong napalingon sa kanila ganun din ang girl na kasama nito and tama nga ang mom niya mas maganda siya sa girl na ito dahil sa unang tingin at sa malayuan lang naman pala ito maganda!
“MOm, Monica andito rin po pala kayo?”
“Yes iho inaya ko muna itong si Monica Magshopping at mukhang nabobore na.”
“Hello sweetheart” malambing na bati dito ni Monica sabay Kiss sa lips ng asawa na walang pakialam sa kasama nitong babae. Para namang nagulat si Vincent sa itinawag niya dito first time niya kasi ito tinawag na sweetheart wala nman kasi talaga silang tawagan, first name basis lang sila kasi nga di naman sila tulad nung iba na normal na mag-asawa.
” Sweetheart ipakilala mo naman kami ni mommy sa kasama mo “ cool na wika ni Monica este trying to be cool pala is the exact word dahil sa she's trying to control her anger right now.
“Oh yes siya nga pala sweetheart this is Sandra Villafuerte my new Business partner.” tila sinakyan din naman siya nito sa pagtawag niya dito ng sweetheart and s**t! Ang sarap pala pakinggan ng salitang yon pag galing dito. Para siyang teen ager na di maiwasang kiligin.
” Sandra I want you to meet my beautiful wife Monica and her beautiful mom Elena Montenegro!”
“Oh finally we've met. so you are Monica Montenegro! Nice to meet you!” nakangiting nakipagkamay ito sa kanya! at nginitian din naman niya ito ng matamis!
“Nice to meet you too mam Elena! by the way mam dont you remember me anymore?”
“Have we meet before iha?” takang tanong naman dito ng mom niya!
“ Yes of course mam I'm the daughter of Doctor Bianca Villafuerte Yong nagpaanak po sa inyo dati.” Labis na pagkagulat ang nakita niMonica na rumehistro sa mukha ng mom niya.
“Oh yes iha now I remember so ikaw na pala si Sandy. Pasensya ka na iha hindi na kita nakilala! you look different now. So kumusta na ang mother mo?”
“Okay naman poh! “
“Ikumusta mo na lang ako sa kanya iha.”
“Dont worry mam Elena I will. How can my mother Forget you isa kayo sa mga naging pasyente niya na hindi niya makakalimutan.”
Sa tono ng pagsasalita ni Sandra ay parang may gusto itong ipahiwatig at sa reaksyon naman ng mom niya ay may nabanaag siyang takot.
Pero para saan? Sino Ang Sandra Villafuerte na ito? at ano ang kaugnayan nito sa asawa niya? at ano ang naging koneksyon ng pamilya nito sa mom niya.
She smells something fishy, sa tingin pa lang niya sa Sandra na ito alam niyang hindi maganda ang idudulot nito sa relasyon nila ni Vincent.