Over and over I tried...Over and over you lied...Over and over I cried and I don't even know why....
CHAPTER EIGHTEEN
Wow best ang ganda ng mga photos nyu ng husband mo ha! saan yung place na yun? ang daya hindi man lang nag-aya. Nakita ko yung mga post mo sa sss and instagram...grabe nakakainggit ka! ang gaganda ng view isama mo naman ang barkada minsan dyan sa paradise na yan.
" Grabe ka naman best ang lagay eh view lang ang maganda? " birong tanong niya sa kaibigan
" But of course naman best isa ka sa nagpapaganda sa view at isama pa ang hunk at papalicious na love of your life mo. Ay naku best I'm sure pag nakita nanaman ni Sandra ang mga photos nyu I'm sure super inggit nanaman sayo ang bruha na yun. "
" Alam mo best wala na akong pakiaalam sa babaeng yun! ang importante happy na kami ni Vince ngayon. O diba nakuha ko sa tiyaga si Vincent. "
" Tse anong nakuha sa tiyaga! best nakalimutan mo na yatang nakuha mo sa pamimikot si Vincent. " Pang-aasar sa kanya ng kaibigan.
" Ouch naman best! ipaalala daw ba! oo na pinikot ko lang asawa ko! eh ano naman ngayon! at least we're happy on each other arms now. "
" Well tingin ko naman best you are both happy and contented based dun sa mga photos nyu together, ah basta best ha dalahin mo din kami dun. "
" Yaan mo best next time, alam mo bang surprise sa akin yun ni Vince, I never knew na ganun pala kaganda yung property na nabili niya. It was a long ride from here but its worth it, the place was like a paradise. "
" I believe on you with that best, the place is really captivating in picture and I'm sure it is more captivating in real. "
Masaya silang nagkukwentuhan ni Cherry ng biglang sumulpot si Jerome.
" Hi girls! " bati nito sa kanila.
" Hi Jerome long time no see ah, " puna dito ni Monica.
" Pasensya na medyo busy lang! "tila nahihiya nitong paliwanag.
" Medyo busy o may sadyang iniiwasan ka lang! " panunudyo naman dito ni cherry.
" Iniiwasan? " takang tanong naman dito ni Monica.
" Naku Monica wag kang nagpapaniwala dyan kay Cherry, masyado lang malawak ang imagination nyan! Tara kain tayo ako ang taya! grabe namiss ko kasi kayo eh. "
" Asus if I know isa lang naman ang namimis mo Jerome Rodriguez, " pang aasar pa dito ni cherry.
" Ikaw talaga Cherry masyado kang maraming nalalaman! "
" Uy kayong dalawa mayron ba kayong inililihim sa akin na hindi ko alam? "
Napatawa naman si Cherry sa tanong ni Monica, ay naku best ayos ka rin magtanong ano, meron ba namang inililihim na ipinapaalam kaya nga lihim eh. Uy share nyu naman sa akin yan, nakakainis kayo, parang ang damiko agad namiss. "
" Yes best, marami ka talagang namiss, namiss mo lang naman ang heart to heart confession ni Jerome."
" Talaga! about what? " takang tanong pa rin niya.
" Wala yun Monica, naku wag mong intidihin yang si Cherry, pinagtitripan lang ako nyan ngayong araw na to. Lets go kain na tayo! "
" Oh sige dyan nalang tayo sa Jollibee turo nito sa Jollibee na nasa harap lang ng Universidad nila, baka kasi dumating na si Vincent eh. "
Parang biglang tumamlay ang itsura ni Jerome ng mabanggit niyang susunduin siya ni Vincent.
" Yun lang don na pumait! " tila nang-aasar na namang turan ni Cherry na parang may ipinahihiwatig kay Jerome.
Habang kumakain sila ay biglang nag-ring ang cellphone ni Monica. Si Vincent ang tumatawag.
" Hello sweetheart! andito ako sa loob ng Jollibee kumakain kami nila Cherry, nag-aya si Jerome eh treat daw niya, ang mabuti pa mag-drop by ka na muna dito para makapagmeryenda ka din. "
" Okay sige pupunta na ako dyan. "
Natanaw agad ni Monica ang pagpasok ni Vincent, mukha nanamang hindi maipinta ang itsura nito ng makita nitong saktong pinupunasan niya ng tissue yung sauce ng spaghetti na kumalat sa gilid ng labi ni Jerome.
" Ay naku Jerome para kang bata kumain, " yan ang namimiss ko sayo eh! natatawa niyang puna sa kaibigan.
" Hi bati sa kanila ni Vincent! "
" Hi sweetheart! " agad namang tumayo si Monica at humalik sa pisngi ng asawa!
" Ouch sapul! " narinig niyang wika ni Cherry!
" May sinasabi ka Cherry? " baling naman dito ni Vincent.
" Wala poh! " agad namang sagot nito!
" C'mon sweetheart join us. Anong gusto mong orderin? "
" Sige okay lang ako! busog pa ako. Hintayin ko nalang kayo. Dahil mukhang inip na si Vincent ay nagpaalam na si Monica sa dalawang kaibigan.
" Bye guys! see you tomorrow! Jerome thanks for the treat, nabusog ako! "
" Hey bakit parang hindi nanaman maipinta yang mukha mo? puna ni Monica sa asawa ng hindi nanaman siya nito imikan habang nasa byahe sila pauwi.
" Wala. pagod lang ako! mukhang ang sweet nyu ng Jerome na yun ah. "
" Sweeheart don't tell me nagseselos ka kay Jerome. He's just a friend! " Para mawala na ang init ng ulo nito ay hinalikan niya ito habang nagdadrive.
" Monica umayos ka nga. Baka mabangga tayo! sorry sweetheart I cant help it ang cute mo kasi pag nagseselos, paglalambing niya dito. na inihilig ang ulo sa balikat nito.
" Dinaan mo nanaman ako sa mga paglalambing mo! "
" Sweetheart, sweet naman talaga ako diba! "
" Oo na! favor lang ha pwede bang dumistansya ka sa Jerome na yun! hindi ko kasi gusto ang klase ng mga titig niya sayo eh! "
" Vince naman Jerome is a nice person, He's a nice guy and he's one of my trusted friend kasi isa siya sa mga taong nakakaunawa at nakakaintindi sa akin. "
" Mrs. Monica Motenegro Buencamino, ang sabihin mo isa siya sa mga taong sinasakyan at nagtitiyaga sa lahat ng topak mo. "
" Sweetheart ha! hindi ka na nakakatuwa, palagay mo naman sa akin topakin! "
" Bakit hindi ba? " pang-aasar na tanong sa kanya ng asawa!
" Hindi noh! slight lang! " natatawa niyang pag-amin.
..................................................................................
MONICA AND VINCENT 1ST YEAR WEDDING ANNIVERSARY
Super abala si Monica sa 1st wedding anniversary nila ni Vincent. Nagluto siya ng masasarap na pagkain at naghanda din siya ng wine at candle sa table. Nagbake siya at gumawa ng cake para sa anniversary nila. Everything is set, Everything is ready, isa na lang ang kulang si Vince. Nasaan na nga ba ang asawa niya bakit wala pa hanggang ngayon. Hindi alam ng asawa niya na maghahanda siya kasi gusto nga niya itong isurprise. Ang napag-usapan nila kaninang umaga before sila maghiwalay ay dadaanan siya nito at susunduin sa bahay pagkagaling sa opisina at sa labas sila magcecelebrate pero bakit wala pa rin ito hanngang ngayon eh anong oras na.
Hindi na siya nakatiis, tianawagan na niya ito, pero hindi ito sumasagot, kanina pa rin niya ito tinitext at tinatanong kung nasaan na ito pero wala itong reply.
Nakatulogan na ni Monica ang paghihintay kay Vincent. Naalimpungatan lang siya ng marinig niya ang pagbukas ng main door nila sa sala at pagbukas ng ilaw.
Lasing ang magaling niyang asawa. Malayo palang ay amoy na niya ang alcohol sa katawan nito.
Biglang nagring ang cellphone nito at sinagot nito yun. Rinig na rinig niya kung sino ang kausap ng asawa.
" Hello Sandra, Yes I'm home! Thanks for the night! Good night! "
Namula ang pisngi niya sa galit ang kanina niya pa tinitimping hinahon ay biglang naglaho! lumapit siya kay Vincent, pinaghahampas ito sa dibdib, " How dare you! Nagmukha akong tanga kakahintay sayo yun pala kasama mo lang ang Sandra na yun! I prepared everything para sa 1st year anniversary natin and then what did I get! How dare you Vince!!! "
" Tell that to yourself Monica! may galit sa boses at mga mata nito ng bitawan ang katagang yun! How dare you hurting me over and over, I'm tired of you! I'm tired with all your lies! no doubt you are a good actress. "
" Vince I don't know what are you talking about, why suddenly you act this way! What is it all about! "
" It's all about your lies Monica. I told you I wanted so badly to have a child, I even ask you about that and you said its just fine but then kanina lang I found out na kahit pala anong gawin ko ay hindi ka mabubuntis kasi ikaw mismo ayaw mo magbuntis. May natagpuan akong boxes of pills on your cabinet, you are taking pills para hindi mabuntis. Sana naging totoo ka nalang sa akin, matatanggap ko naman kung ayaw mo pa talaga! but then pinaasa mo nanaman ako sa wala, pinaniwala mo nanaman ako sa mga kasinungalingan mo! pinagmukha mo nanaman akong tanga!
I always tried na intindihin ka Monica but then over and over you lied to me...paulit ulit nalang ba tayo sa mga kasinungalingan mo! Happy anniversary with your sweet lies my dear wife!!! "
Pagkasabi nun ni Vincent ay tinalikuran na siya nito! Hinawakan niya ito sa braso para magpaliwanag pero iwinaksi nito ang braso na hawak niya.
" Vince please listen to me, I didn't mean it! "
" Yan naman lagi ang excuse mo Monica. But this time sawang sawa na ako sa mga kasinungalingan
mo. "
Walang nagawa si Monica kundi ang umiyak. Pagpasok niya sa kwarto nilang mag-asawa ay tulog na ito.
Walang tigil sa kariring ang cellphone nito kaya napilitan na siyang sagutin. Si Sandra ang tumatawag.
" Hello Vincent. " malambing nitong wika sa kabilang linya.
" Tulog na ang asawa ko Sandra! wag mo na siyang istorbohin ngayon at kahit kailan, mahiya ka naman may asawa na siya kaya tigilan mo na siya. " inis niyang pakiusap dito.
" Hahaha! asawa? hoy Monica Montenegro, lahat ng baho ng pagkatao mo alam ko! kaya hindi mo ako pwedeng pagmalakihan, sinabi sa akin lahat ni Vincent kung pano kayo naging mag-asawa. Bata ka palang pala malandi ka na at hindi bat pinikot mo lang naman si Vincent kaya mo siya naging asawa. Ako Monica minsan sa buhay niya minahal niya ng totoo eh ikaw kaya? naitanong mo na ba yan sa sarili mo? sorry dear Monica but you've lose your chance to Vincent and so its my chance to get him back.
Lalo namang napaiyak si Monica sa mga pinagsasabi ni Sandra, Tahimik siyang lumuha. nakaramdam ng awa sa kanyang sarili, ng maisip at maitanong niya sa kanyang sarili kung minahal nga kaya siya ni Vincent dahil ni minsan ay hindi pa nito nasabi sa kanya na mahal siya nito.
Kahit pa anong sabihin mo Sandra ako pa rin ang asawa kasal kami at ako ang mananatiling original. Maagaw mo man siya kabet pa rin ang kalalabasan mo. I'm sure hindi yun magugustuhan ng father mo na ng-aambisyong maging Governador.
Goodbye Sandra! binabalaan kita layuan mo ang asawa ko. " pagbabanta niya dito na tila naman hindi nito inintindi at nagiwan ng isang nakakairitang halakhak bago siya nito binabaan ng linya.