Love is friendship that has caught fire. It is quiet understanding, mutual confidence, sharing and forgiving. It is loyalty through good and bad times. It settles for less than perfection and makes allowances for human weaknesses.
Ann Landers
CHAPTER SEVENTEEN
It's a Sunday morning and syempre pa rest nila pareho ni Vincent, siya from school and si Vincent naman from work. Pagkagaling nila sa simbahan ay bumyahe na sila ni Vincent patungo sa nabili daw nitong bagong property.
" Vince san ba talaga tayo pupunta? parang ilang oras na tayong bumabyahe ah.."
" Relax sweetheart! I'm sure pag nakarating na tayo dun magugustuhan mo ang lugar. "
" Talaga lang ha! aba dapat lang noh sa haba ng byahe natin, dapat worth it, di ka pa ba pagod sa pagdadrive gusto mo ng sub, ako naman madrive. "
" No sweetheart I'm fine! just relax and enjoy the view. "
Sa haba ng byahe nila ay hindi namalayan ni Monica na nakatulog na pala siya! nagising lang siya ng tumigil na ang sasakyan at sa pagmulat ng mata niya ay huling huli niyang nakatunghay sa kanya ang asawa.
" Hey Vince sa klase ng tingin mo sa akin mukhang kanina mo pa ako pinagpapantasyahan ah! pagbibiro niya sa asawa. "
" Pano mo nalaman yun, manghuhula ka na ba ngayon? "
"Nakakainis ka naman eh! nasaan na ba tayo!? "
" Sweetheart were here! "
Malawak na karagatan at puting buhangin ang agad na nakaagaw ng pansin ni Monica.
" Wow this place is fantastic Vince! "
" Yes sweetheart! see I told you magugustuhan mo dito.
" Lets explore the place Vince. "
" Later na sweetheart lets eat first. It's already time for lunch. "
Nagulat si Monica ng bigla na lang siyang buhatin ni Vince papasok ng rest house at mas nagulat pa siya ng sa pagpasok nila sa dining table ay bumungad sa kanya ang maraming pagkain sa mesa at ang biglang pagsulpot ng mama at papa ni Vincent na may dalang cake Happy 5 monthsary! bati nito sa kanila!
Vince ibaba mo na ako nakakahiya! pagkababa sa kanya ni Vince ay lumapit siya sa mga bianan at nagbeso sa mga ito.! Thank you po ma, pa it was really a surprise! kelan pa po kayo dumating?
" Nung isang araw lang iha! hindi nga namin ipinaalam ng papa mo na uuwi kami kasi gusto namin surprise. "
" At sobrang nasorpresa po talaga ako ma! kayo po ba nagprepare ng lahat ng ito ma? "
" Yes iha! pero ang asawa mo ang nagplano nito,gusto ka nga daw niya isurprise para sa mothsary nyu! "
Napatingin si Monica sa asawa at nayakap at nahalikan niya ito! " thank you sweetheart. Happy monthsary! "
" Happy monthsary my sweet wife! diba sabi ko naman sayo, babawi ako and we will work things out, so this is it pero sweetheart gutom na talaga ako eh so lets eat na! "
Habang kumakain sila ay nagsalita ang mama ni Vince.
" Hay ntutuwa ako sa inyong mag-asawa, naalala ko tuloy nung bago pa lang kami mag-asawa ng papa nyu ganyang ganyan din kami. Monica iha thank you for loving and taking care of our son, sana hindi kayo magbago sa isat-isa at sana magkaapo na kami sa inyo. "
" Si mama talaga apurado! reklamo ni Vincent sa ina. We are working on it na nga night and day eh! pagbibiro nito sa ina! " si Monica naman ay pinamulahan ng mukha sa sinabi ng asawa.
" Tama na nga kayo diyang mag-ina! sabat naman ng ama niya. Tingnan nyu at pinamumulahan na itong si Monica! "
" Pa ganyan talaga ang wife ko rosy cheeks. Diba sweetheart. "
" Vince is right ma, pa, hayaan nyu poh at one of this days ay may tatawag na sa inyong lolo at lola. " nahihiyang pangungumbinsi niya sa ina.
" Hay naku iha magdilang anghel ka sana. Dahil gusto ko na rin talagang magkaapo natutuwang wika ng ama ni Vincent.
" Ayun at hindi lang naman pala si mama ang atat magka-apo at pati rin po pala kayo papa, " biro ni Vincent sa ama. Nagtawanan ang lahat at masaya na silang nagsalosalo sa kanilang pananghalian.
After lunch ay inaya siya ni Vince na magpahinga muna sa labas ng rest house, masyado pang mainit kaya napagpasyahan nilang mahiga muna sa duyan na nakatali sa dalawang malalaking puno ng mangga.
Para silang magkasintahan lang na sobrang sweet sa isat-isa ng mga sandaling yun. " Vince sana ganito na lang tayo palagi. "
" Eh ikaw lang naman tong mahilig mang-away eh. Pang-aasar sa kanya ni Vincent na pinisil pa ang tungki ng ilong niya.
" Wow ha Vince ha, ako pa talaga, eh kasi naman po Mister FYI lng ha ikaw din naman po kasi ang may kasalanan kung bakit kita inaaway. Kahit lalake ka kasi ang landi landi mo. Imagine ilang beses kita nahuling nakikipag flirt sa Sandra na yun!
" Oh ayan ka nanaman! ipinasok mo nanaman si Sandra sa usapan. Monica just forget about her nanahimik na yung tao and besides intindihin na lang natin siya sobrang gwapo kasi ng asawa mo kaya di niya ako makalimutan. " pabirong wika nito sa kanya.
" Ah ganun! talagang gwapong gwapo ka sa sarili mo ha. Tudyo ni Monica sa asawa sabay kiliti dito hanggang sa mahulog sila sa duyan at sabay pa silang nagkatawanan. Gumanti naman ng pangingiliti si Vince sa kanya hanggang sa magpagulong gulong sila sa buhangin.
" Vince ano ba tama na! " saway niya sa asawa.
" Ikaw eh inumpisahan mo! Pakiss nga sa maldita kong asawa. Paglalambing nito sa kanya na niyakap siya at hinalikan sa labi. Agad naman niya itong itinulak dahil baka kung san pa yun mapunta. Nakakahiya naman tanghaling tanghaling tapat! Thats enough! Mr. Vincent Buencamino! nakakahiya kina mama pag nakita tayo. Masyado kang maharot Mister. "
" Sino kaya ang unang nangharot dyan! Halika na nga! " muli siya nitong binuhat at inihiga sa duyan ng maihiga na siya nito ay saka ito tumabi sa kanya.
Dahil sa sariwang hangin at sa pagod na rin siguro nila ni Vincent sa byahe ay nakatulog sila ng di nila namamalayan at papalubog na ang araw ng magising sila.
Sobrang naaliw si Monica sa napakagandang view na kanyang natatanaw. A very beautiful wonders of nature. Vince dun tayo sa dalampasigan I want to watch the sun set while walking along the beach. "
" Ok that's a nice idea c'mon lets go! gusto mo bang buhatin pa kita. "
" No need! ginagawa mo naman akong bata eh. ikaw din baka mamihasa ako niyan. "
They walk hand on hand along the sea shore. " Ang sarap sa pakiramdam ng ganito! " wika niya kay Vincent na inihilig pa ang ulo sa balikat nito.
Naupo sila sa buhanginan na nakaunat ang dalawang paa na naaabot ng tubig kapag umaalon at magkahawak kamay pa rin sila habang nakatanaw sa papalubog na araw. Sana ganito na lang kami forever piping hiling ni Monica sa sarili.
Nagulat pa siya ng bigla na lang siya halikan ni Vincent sa labi.
" Vince ha kanina ka pa nakakadami ka na. Mamaya niyan makita tayo nila mama, nakakahiya mabuti kung tayo lang ang tao dito. "
" So what! ano namang masama kung makita nila tayo on our intimate moment. I'm sure matutuwa pa nga ang mga yun kasi ibig sabihin lang nun we are processing na their grand child. "
" Processing ka dyan Mister ano yung maging baby natin parang product lang na nag-a-undergo in manufacturing to be process. "
" Exactly my sweet wife! Pakiss nga ulit. bago pa siya makatutol ay nahalikan na siya nito. Iba ang halik na yun parang puno ng damdamin, love kaya ang tawag dun? in love na kaya sa kanya ang kanyang asawa? mahal na kaya siya nito kahit ni minsan ay hindi niya narinig sa mga labi nito ang katagang I love you!
Dahil sa kakaibang damdaming pinukaw nito sa halik na iyon ay pansamantalang nawala siya sa sarili at tinugon ang halik ng asawa. Halos mapugto ang kanilang hininga ng maghiwalay ang mga labi nila.
" That's a wonderful kiss ever! palatak nito! thank you sweetheart wika nito sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata. " Bakit ganun thank you lang ang sinabi niya instead na I love you. Tanong ni Monica sa sarili.
Mayamaya ay nagsalita ulit ito.
" Sweetheart is it too much to ask for you to have a baby kahit nag-aaral ka pa? " sincere na tanong nito sa kanya.
" Bakit mo naman natanong yan? " balik tanong naman niya dito.
" Kasi gusto ko na rin talaga magkababy, I am not getting any younger Monica, matanda na ako 15 years ang agwat ng edad ko sayo naisip ko na baka naman napaka unfair ko kung ipipilit kong magbuntis ka na gayong napakabata mo pa at nag-aaral ka pa. "
Hindi makapagsalita si Monica, Ano ba ang isasagot niya sa asawa. Ayaw niya itong biguin at saktan pero sa totoo lang di pa siya prepare maging ina, pakiramdam kasi niya hindi sa kanya bagay maging nanay kasi wala pa siyang alam sa pagiging ina. Feeling niya di pa niya kaya ang responsibilidad ng isang ina ni wala siyang alam sa pag-aalaga ng baby dahil all this time siya ang baby ng family niya, at isipin pa lang niya na lalaki ang tiyan niya at maghihirap sa panganganak ay parang di na niya kaya. Pero syempre ayaw naman niyang madismaya ang asawa kaya tinanong na lang niya ito kung anong gusto nito maging first baby nila, Kung lalake o babae ba?
" Gusto ko sana sweetheart lalake maging first baby natin para sure na, na may magdadala ng apelyedo ko. Alam mo namang only son ako diba, solong anak ako, pero kung babae ang ipagkakaloob ni God sa atin okay lang din at ipagpapasalamat ko at least biniyayaan tayo ng isang anghel at gagawa nalang ulit tayo ng lalake, biro nito sa kanya. "
" Dont worry sweetheart if it's God's will na bigyan tayo ng anak ng mas maaga then its fine with me pangungumbinsi niya sa asawa. "
" Thank you my dear wife! "
" You are always welcome my dear husband because I love you since I was a child until now and I will love you over and over again mahabang litanya niya sabay kiss sa lips ng asawa. "
Dilim na ng makabalik sila sa resthouse dahil ng-enjoy sila sa paliligo sa beach. Ang mama at papa naman ni Vincent ay nakaalis na pala pabalik ng manila at nag-iwan lang ng notes sa kanila kaya solo nila ang bahay. Kaya naman si Vince after nila magdinner ay inaya na agad siyang magkulong sa kwarto nila para maumpisahan na daw ang pagpaprocess nila kay Baby Junjun.
Hindi na yata mabilang ni Monica kung ilang beses siya inangkin ng asawa. Halos sambahin nito ang katawan niya sa ginagawa nitong pakikipagtalik sa kanya. Tila lagi siyang dinadala nito sa dako pa roon natila sila lang dalawa ang may alam. At dahil sa pa ulit-ulit na pag-angkin sa kanya ng kanyang asawa ay lalo niya pa itong minamahal habang tumatagal.
Sobrang naging memorable ang stay nila sa kanilang bagong rest house. Worth it ang layo ng binyahe nila.