THE ACCEPTANCE

2709 Words
               Acceptance doesn't mean resignation; it means understanding that something is what it is and that there's got to be a way through it.                            CHAPTER TWENTY FIVE         Laking gulat ni Monica ng sa pagbisita nila ni Vincent sa kanilang mansion ay madatnan niya doon si Sandra.          " Monica my princess! magiliw na salubong sa kanya ng kanyang papa. Isang matalim na tingin naman ang ipinaabot sa kanya ni Sandra. I miss you iha! "          " I miss you too dad! magiliw dn naman niyang tugon sa ama. Kitang kita niya ang malanding mga titig ni Sandra sa asawa niya kaya napatingin siya sa gawi ni Vince na nahuli niyang nakatingin din kay Sandra, agad namang tumalim ang tingin niya kay Vince kaya agad din itong nagbawi ng tingin.          " Dad what is she doing here? tanong niya sa ama na ang tinutukoy ay si Sandra! iha I will explain it later pag dating ng mga kapatid mo! siyanga pala iha matutuwa ka sa ibabalita ko sayo! "          " What is it dad? " excited niyang tanong sa ama.          " Your kuya Brando is coming with his new girl friend. "         " Talaga dad! imported ba ang girlfriend ni kuya " excited niyang tanong na parang batang biglang nalimutan ang inis kay Sandra at sa asawa niya.         "  I also dont know princess basta ang sabi ng kuya mo surprise daw at sana daw ay hindi ka na tumutol at kumontra pa sa bago niyang girl friend. "          " Si kuya Brando talaga lagi nalang pinalalabas na ako ang kontrabida sa lovelife niya habang ang totoo naman ay siya itong laging sablay pagdating sa pagpili ng girl, well I hope kuya had finally found his soulmate. "          " Sana nga iha dahil tulad sayo ay excited na rin ako sa magiging apo ko sa kanya. At least sa inyo ni Vincent ay magkaka-apo na ako! " masaya namang wika ng kanyang ama.          " What! you mean your pregnant! " hindi makapaniwalang bulalas ni Sandra na hindi na naiwasang sumabat sa usapan nilang mag-ama.          " Yes! bakit may nakakagulat ba dun Sandra! asawa ko si Vincent at hindi naman siguro nakakagulat kong magbuntis ako dahil may asawa naman ako! " mataray na wika niya kay Sandra na hindi naitago ang pagkainis.         Agad namang pumagitna ang dad niya sa kanila! Monica anak I think you should start calling Sandra as Ate Sandra cause she's older than you and she happen to be your sister. Pakiusap ng kanyang ama sa kanya.          " Dad never mind dahil hindi naman kami totoong magkapatid remember! mataray na wika ni Sandra! as far as I know hindi naman siya tunay na Montenegro hindi po ba? dagdag pa nito. "         Bigla namang dating ng mommy niya na narinig lahat ng pinagsasabi ni Sandra kaya agad itong nagreact at ipinagtanggol siya.          " What did you just say Sandra? mataray ding tanong ng mommy niya! na halatang galit! iha baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita at wala kang karapatang bastusin ang anak ko. Si Monica ay isang Montenegro at kahit kailan ay hindi magbabago yun, kahit pa sa pagdating mo. Carmelo pagsabihan mo yang anak mong yan" baling naman ng mommy niya sa kanyang ama na halata ang labis na pagkainis kay Sandra.          " Elena please wag na tayong sumali sa hindi pagkakaintindihan ng mga bata! Sandra anak dapat mong tandaan na si Monica ay anak namin at kailangan mo siyang ituring mong kapatid at tanggapin bilang kapatid mo tulad ng pagtanggap namin sayo, mahinahong pakiusap ng daddy niya kay Sandra, and please iha never mention again na hindi isang Montenegro si Monica kung ayaw mong pati ako ay magalit sayo dahil si Monica ay Isang Montenegro at walang pwedeng makapagpabago nun, siya ay aming anak at mahal namin siya kaya sana naman iha ay magmahalan kayong dalawa bilang magkapatid. " mahabang pangaral ng ama nila sa kanila.        "  I'm sorry dad! " tila naman maamong tupang hinging paumanhin ni Sandra.          Napatingin silang lahat kay Vincent ng biglang tumunog ang cp nito.          " Hello ma! okay lang poh kami ma. Thanks poh sa maaga nyung package para sa baby namin ni Monica.          " Naku iho we are so happy ng papa mo dahil at last magiging lolo at lola na kami. Iho alagaan mong mabuti ang asawa mo ha. "          " Yes ma of course naman! kahit hindi nyu sabihin yan! kahit lagi na akong kinakakawa nitong asawa ko dahil ako yata ang napaglilihihan! tumingin si Vincent sa kanya ng sabihin yun at sinimangutan naman niya ito, naiinis pa rin kasi siya dito dahil sa malanding si Sandra. Gusto nyu po bang makausap si Monica ma?         " Yes iho please! miss ko na din ang asawa mo! "         " Sweetheart mama wants o talk to you,. " hindi na siya nakatanggi ng ipasa nito sa kanya ang phone.         " Hello ma! "         " Monica iha kamusta ang pagbubuntis mo? hindi ka ba naman nahihirapan? "         "  Medyo hirap nga po ma eh! laging ang sama ng pakiramdam ko! at lagi akong naiinis dito sa asawa ko ma! "          " Ganyan talaga pag buntis iha! naku iha alam mo bang miss na miss na namin kayo ng papa mo! we are planning to move their in the Philippines next month para may makasama ka dyan sa bahay nyu ni  Vincent, sabi ko nga eh kumuha na ng kasama nyu sa bahay pero ayaw mo naman daw. "          " We can still manage pa naman ma, so nothing to worry about us. Kayo po ni papa kumusta na dyan? "          " Okay lang naman kami dito ng papa mo pero syempre palaging nandyan ang isip namin sa inyo lalo na nung nabalitaan na namin na muntik na kayong magkahiwalay mag-asawa because of Sandra. Iha kami na ng papa mo ang humihingi ng paumanhin sa ano mang mga pagkukulang at pagkakamaling nagagawa ni Vincent sayo, isa lang ang ipinapakiusap ko sayo anak sana hindi ka basta basta bumitaw sa pagsasama nyu ni Vincent kahit ano pa mang pagsubok ang dumating sa buhay ninyong mag-asawa. Nag iisa naming anak si Vincent, wala siyang kapatid at kayo ng bestfriend niya at ng family mo at mga kapatid ang naging pamilya niya kaya sana anak mapagtiyagaan mo siya dahil kami ang unang unang masasaktan pag bumitaw kayo sa isat-isa dahil mahal na mahal namin kayo pareho ni Vincent pati na yang magiging baby nyu. Mahabang paalala ng bianan niya sa kanya.          " Huwag po kayong mag-alala ma, pipilitin po namin ni Vince na wag bumitaw at mas maging matatag para sa baby namin. "          " Thank you iha! we love you and pakikumusta mo nalang ako kela balae ha, sa mommy at daddy mo pag-uwi nalang namin dyan kami magkukwentuhan at magkukumustahan. Sige na iha baka naabala ko na kayo dyan. Tatawag tawag nalang ako sa inyo ni Vincent para mangumusta. "          " Sige po ma. Ingat po kayo dyan ni papa, love na love din po namin kayo ni Vincent. Bye po ma. "          " Si balae ba ang tumawag iha? kamusta na daw sila dun sa Amerika? "  tanong ng daddy niya.          " Okay naman daw po dad,  baka daw po next month eh makauwi na sila dito satin at saka nalang daw sila makikipagkwentuhan sa inyo. "         Hindi nagtagal ay nagsidatingan na ang mga kuya niya, si Kuya Rigor niya, Kuya Mike at Kuya Raymond kasama ang mga asa-asawa ng mga ito. Napuno nanaman ng ingay ang mansion nila.         Masaya niyang sinalubong ng yakap ang mga kuya niya at ganun din naman ang mga ito sa kanya. Napansin naman niyang tila na-out of place si Sandra sa kanila and she saw envy in her eyes. Inggit ba ang nakikita niya sa mga mata nito?          " We miss you Princess! finally magkakapamangkin na pala talaga kami sa bunso namin si Brando nalang ang wala, but speaking of Brando on the way na daw sila ng new GF niya! masayang pagbabalita ng kuya Rigor niya. "         "  Oo nga daw kuya! segunda naman ni Mike ang sumunod sa kuya Rigor niya, sino naman kaya ang malas na babaeng napaibig at nauto ng playboy  nating utol na si Brando. " nagbibiro naman nitong wika.          " Sobra ka naman tol, sawata naman ng kuya Raymond niya, anong malas ang sabihin mo kuya maswerteng babae kasi ang balita sa akin ni Brando ay plano na daw niyang pakasalan ang girl na ito, mukhang sawa na talaga sa pagiging binata ang kapatid natin at lalagay na rin sa magulong buhay may asawa. " Napuno ng tawanan ang tahanan nila dahil sa huling tinuran ng kuya Raymond niya.          Pagkalipas ng isang oras ay narinig nila ang pagpasok ng sasakyan sa garahe nila at hindi nga nagtagal ay dumating na ang pinakahihintay nilang kapatid kasama ang Girl friend nito na ikinagulat nilang lahat. Parang lahat sila napatanga at napanganga pagkakita sa mga bagong dating.          " Hello everybody! masaya at masiglang bungad naman ni Brando sa kanila. Hey guys! bakit ganyan ang mga itsura nyu, mukhang hollywood star naman ang nakita nyu ah. Kayo talaga namangha nanaman kayo sa kagawapuhan ko! chill lang kayo mga bro. ako lang to! " pagbibiro pa nito na halatang tinatanggal ang dala nitong tension sa pagdating nito.         Si Monica ang bumasag sa pagkabigla ng lahat agad siyang lumapit at yumakap sa kuya Brando niya na talagang namiss niya dahil one year din niya itong di nakita. "  Kuya I miss you! mas lalo kang gumwapo! " paglalambing niya dito.          " I miss you too my princess and you are as lovely as ever my dear sister. "          " Asus nagbolahan pa kayong magkapatid diyan. " Natutuwang wika naman ng mommy nila.          " So Brando iho, maaari mo na bang i-introduce sa amin ang kasama mo, baling ng mom niya sa kuya niya. Siya naman ay napabaling ang tingin kay Vincent na bakas pa rin ang pagkagulat sa pagdating ng kuya niya at sa babaeng kasama nito.          " Oo nga naman iho " segunda ng daddy nila. But before we interogate both of you please have a seat, " pagbibiro ng dad niya.          " Mom, Dad, brothers and sister I want you to meet my Fiancee Jana Borromeo! " Ang lahat ng tingin ay natuon kay Jana at bumaling kay Vincent, parang ang lahat ay nakapokus sa magiging reaksyon ng kanyang asawa, at maging siya ay napatingin sa asawa at nagtama ang kanilang mga mata, titig na titig ito sa kanya pero di niya maarok kung ano ang nasa loob nito. Para siguro iconsole siya ay hinawakan nito ang mga palad niya ng mahigpit at para basagin ang tensyon at ang pagkailang ng lahat ay tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa kuya Brando niya at nakipagkamay dito.          " Congrats Brando! I wish both of you a happy marriage life, both of you are lucky for having each other " bati nito sa kuya Brando niya at nginitian naman ang tila naiilang na si Jana.         "  Thank you Vincent! I am really so lucky for having Jana and you too are so lucky for having the most beautiful, sweet and loving lady, our princess Monica. "         Siya naman ay napangiti sa sinabi ng kuya niya! " yan naman ang gusto ko sayo kuya eh, you are my number one fan. "          " As always...my lovely sister and you know that! "  " yes kuya I know that! I love you kuya Brando and I really miss you. "          Siya naman ay tumayo din at binati din ang kuya niya at ganun din ang ate Jana niya. Niyakap niya ito at binati.          " Congrats ate Jana! Welcome to the family! " " Thank you po sa inyong lahat." tipid na wika nito na halatang nahihiya at naiilang. Kita naman niya ang paggagap ng mga kamay ng kuya Brando sa palad ng ate Jana niya. Mukhang nahulog na nga ang kuya niya sa ate Jana niya dahil halata naman sa mga kilos nito at mga titig nito ang pagmamahal para kay Jana.          " Well anyway before kayo magkumustahan at magkwentuhang magkakapatid the table is ready for our dinner so let's have our dinner first. C'mon lets now go in our dining area." pag-aaya na sa kanila ng mommy nila.         Masaya silang nagsalo salo ng hapunan, nahalata naman niya ang pagiging OP ni Sandra, at nkaramdam siya ng awa para dito, after the dinner ay tinipon sila ng mom and dad nila sa Sala para sa isang announcement.         "  Well may I have the attention of every one, your dad has something to tell you so I hope you are going to listen to your dad and please try to understand everything, well malalaki na kayo and may sarisarili na kayong pamilya so I guess maiintindihan nyu na ang daddy nyu. Hon you may now announce to them and introduce to them your daughter. "          " Mga anak sana ay maintindihan nyu at maunawaan ang daddy nyu. Ipagpaumanhin sana ninyo pero ang daddy nyu ay hindi perpekto, may mga pagkakamali din akong nagawa sa buhay at mga pagkakasala kaya ang hiling ko sa inyo ay pang-unawa. Ipagpatawad sana ninyo ang pagiging mahina ko sa tukso, nung nagtatrabaho ako sa ibang bansa may nakilala akong babae at yun ay si Dra. Bianca Villafuerte tulad ko ay malayo din siya sa family niya, malungkot at nangungulila, minsan nagka-ayaan ang barkada mag-inuman and kasama siya and because of the effect of alcohol nawala kami sa aming mga sarili kaya ayun may nangyari sa amin at hindi ko alam na nagbunga pala yun, ngayon ko lang natuklasan na nagka-anak pala kami. And the beautiful girl na nasa harap nyu ngayon ay kaptid nyu, her name is Sandra Villafuerte gusto kong i-welcome nyu siya sa family natin. Bago ko pa man officially iintroduce si Sandra sa inyo dumaan muna kami sa DNA testing just to make sure kung kami ba talaga ay mag-ama. And it's positive. So mga anak Sandra is your half sister sana ay matanggap nu din siya at mahalin ng kagaya ng pagmamahal nyu sa isat-isa. Mahabang paliwanag ng kanilang ama.         Napatingin ang lahat sa gawi ni Sandra. Si Sandra naman ay walang masabi mukhang numid ang dila, hindi niya kasi matagalan ang mga mapanuring titig ng mga di niya nakilalang kapatid.         Ang kuya Rigor niya ang bumasag sa katahimikan.  " Well dad, if that's the case then mga bro. let us welcome our sister Sandra in our family. Welcome to the family Sandra! ang kuya nya ang unang yumakap dito. At sumunod naman ang tatlo niya pang kuya. Ng hindi siya lumalapit kay Sandra ay napokus ang tingin ng lahat sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang i-welcome din ito. Welcome to the family ate Sandra. Thank you tila naiiyak naman nitong wika. hindi niya alam kong umaarte lang ba talaga ito o talagang naiiyak sa tuwa dahil sa pagtanggap sa kanya ng buong family.         Whatever it is hindi pa rin niya gusto ang klase ng pagtingin nito sa asawa niya! grabe nakakainis na nakakatawa ang gabi na to, hindi niya kasi maintindihan kung reunion ba nila itong magkakapatid o reunion ng mga ex ni Vince and nakakaloka ha, nakakaloka magbiro ang tadhana akalain mong ang first love pala ng asawa niya ay kapatid nila at ang makakatuluyan pala ng kuya niya ay ang dating Fiancee ng asawa niya na sister pala niya, ganito ba talaga kalupit magbiro ang tadhana! haist!...sumakit bigla ang ulo niya, at napansin naman agad yun ng mommy niya!          " Anak are you okay? " nag-aalalang tanong ng mom niya!         "  I'm not feeling well mom. dad, Mga kuya is it okay kung sa room ko na po muna ako! bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko. "          " It's okay iha! dala siguro yan ng pagbubuntis mo ang mabuti pa nga siguro ay magpahinga ka na muna sa room mo, " payo ng dad niya na mukhang nag-aalala din sa kanya.          " Sasamahan ko na po siya! please excuse us po " agad namang umalalay si Vincent sa kanya.  " Mabuti pa nga iho! " suhestsyon naman ng mom niya.        Nakaramdam naman ng inggit si Sandra kay Monica dahil sa pagmamahal ng buong family niya dito sa kabila ng katotohanang hindi naman ito tunay na Montenegro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD