“Throughout life people will make you mad, disrespect you and treat you bad. Let God deal with the things they do, cause hate in your heart will consume you too.”
― Will Smith
CHAPTER TWENTY FOUR
" Oh my gosh best ganun mo kadaling napatawad si Vincent?, with just a kiss bumigay ka na agad! ang cheap mo ha!
" Best naman ang OA mo eh ano kung bumigay ako eh asawa ko naman yun! "
" Asawa mo nga! asawang taksil! "
" Best ipinaliwanag sa akin ni Vince ang totoo! set up lang ni Sandra ang lahat! Pinlano ni Sandra. "
" So that b***h planned everything! best what if anak nga siya ng dad mo! pano kung totoo taz i-pursue niya yung rights niya na kilalanin ng dad mo and tumira siya sa poder ng parents mo pano ka? "
" Best I don't care! kung tunay man siyang anak ni daddy o hindi. Kahit pa ilang Sandra ang dumating sa pamilya namin hindi pa rin nun mababago ang pagmamahal at pag-aaruga nila mommy at nila kuya sa akin! sabi nila ako lang daw ang nag-iisang anak at nag-iisang kapatid nilang babae at yun ang isang bagay na hindi makukuha sa akin ni Sandra ang pagmamahal ng pamilya ko! "
" Eh best nagkausap na ba kayo ng real mother mo na si Aling Ditas?
" Oo best and ikwenento niya sa akin lahat! ayun nagka-iyakan kami pero best kahit siya pa ang tunay kong ina, hindi ko maintindihan at maipaliwanag pero wala akong maramdaman. Para sa akin si mommy pa rin ang tunay kong ina! best hindi ko maramdaman yung tinatawag nilang lukso ng dugo! "
" eh kasi best hindi naman siya ang nagpalaki sayo kundi ang mommy mo na, siya ang nag-alaga at nag-aruga sayo simula baby ka kaya siguro ganun. "
" Siguro nga best! "
" Eh si Jana alam ba niya na magkapatid kayo? "
" Oo best kaya pala ganun niya ako kadaling napatawad kasi ipinagtapat sa kanya ni nanay Ditas ang lahat nung time na sukdulan ang galit niya sa akin dahil sa ginawa kong pagsira sa kanila ni Vincent. "
" Hay naku best, grabe ang story ng life mo anoh! hindi lang basta pang MMK kundi pang Telenovela pa. Akala ko sa mga telenovela lang nangyayari yan sa totoong buhay din pala! "
" Oo nga best eh! and I dont know what will happen next! lalo na ngayon na magiging mother na rin ako! hindi ko alam kung kaya ko ba maging isang mabuting ina tulad ni mommy. "
" Best I'm sure that you will be a good mother basta kami ni Jerome ang ninong at ninang niyan ha! "
" Of course naman best you two are my good friends and I'm sure na magiging isang mabuti kayong ninong at ninang sa anak ko. Best alam mo I have an idea, alam mo bagay kayo ni Jerome bakit kaya hindi nyu itry na i-level up ang friendship nyu and make it to the other level as lovers. " panunukso niya sa kaibigan.
" Best naman kung alam mo lang! "
" Kung alam ko lang ang ano? "
" How I wish and wanted that to happen! " malungkot na sagot ni Cheery na nagkaron ng lambong ang mga mata.
" What! you mean best feel mo rin si Jerome maging jowa! " hindi naman makapaniwalang bulalas ni Monica.
" Yeah you're right best! natumbok mo! kaso lang friend lang talaga ang tingin niya sa akin kasi may mahal siyang iba. kaso lang yung mahal niya taken na! at baliw sa pagmamahal dun sa lover niya! kaya ayun ang kawawang Jerome tama na lang sa patingin tingin at pag-aadmire sa kanya! "
" Really! best! truth ba yan? kailan pa? " patuloy na pangungulit ni Monica kay Cheery na hindi pa rin halos makapaniwala na may lihim pala itong pagtingin sa friend nilang si Jerome.
" Oo nga sabi best! ano paulit-ulit lang! tila batang reklamo nito. Crush ko na ang friend natin nung una palang na magtama ang aming mga mata. At ngayon love ko na yata siya friend, pero ang masakit lang nun may iba siyang gusto." Patuloy na pag-amin ni Cheery sa best friend niya ng kanyang totoong nararamdaman para sa kaibigan.
" Ang saklap naman ng love story mo friend! but who is that lucky girl? "
" Yan ang hindi ko masasabi sayo best, sa point na yan si Jerome lang ang makakapagreveal sayo kung sino ang girl na yun na matagal na niyang lihim na minamahal. Pero friend please promise me na hindi mo ipapa-alam kay Jerome na type ko siya kasi nakakahiya! please best..." matinding pakiusap sa kanya ng kaibigan.
" Okay best I promise! " pangako niya sa kaibigan na sinabayan pa niya ng pagtaas ng kanang kamay sa ayos ng panunumpa.
AT MONTENEGRO'S MANSION
" Ma'am Elena may bisita po kayo! " pagbibigay alam ng kanilang katulong na si Pacita.
" Sinong bisita Pacita? wala naman akong inaasahang bisitang darating? " Nagtataka naman niyang tanong dito.
" Sandra daw po ang pangalan niya mam. Anak daw po siya ni Sir. " napakamot pa si Pacita ng sabihing anak yon ng sir niya.
" What! ang Sandra na yun! ang kapal naman ng mukha niya! sige yaya Pacita susunod na ako! "
" Ma'am Elena nasa garden po siya naghhintay mam. "
" okay sige po yaya. Sabihin niya maghintay siya dun "
Matapos ayusin ang sarili at kalmahin ay nilabas na ni Elena ang kanilang bisita.
" Yes! miss anong kaylangan mo? " agad na bungad niya dito.
Nagtanggal ng suot na sunglass si Sandra at nun lang nya natitigan ng husto ang mga mata nito sa unang pagkakataon at natakot siya sa katotohanan na kanyang nakita! ang mata ng babaeng ito ay kamukhang kamukha ng mata ng kanyang asawa, maaari ngang anak ito ni Carmelo, isang katotohanan na hindi nila maaaring takasan.
" Anong kaylangan mo? " malamig niyang tanong dito.
" Ang ama ko at ang pagtanggap nyu!, siguro naman nasabi na sa inyo ng ampon nyu ang tungkol sa pagkatao ko! "
" Sandali lang miss tinanggap kita ng maayos dito sa pamamahay ko bilang bisita kaya ayusin mo rin sana yang pananalita mo! Si Monica ay anak namin at hindi mo na mababago yun! kung totoo ka mang anak ni Carmelo wala na akong magagawa dun! kung tatanggapin ka niya bilang anak niya walang problema sa akin dahil naniniwala ako na kahit anak sa labas ay may karapatan ding kilalanin upang magkaron ng patas na karaptan tulad ng mga legitimate child. Ipagpaumanhin mo pero wala dito ang asawa ko! nasa opisina siya ngayon. "
Siyanga pala paano ka naman nakakasiguro na ang asawa ko nga ang ama mo? dahil ba sa yon ang sinabi ng mommy mo? pano kung bukod sa asawa ko eh tumikim pa ng ibang putahe ang mama mo? hindi niya maiwasang pagtarayan si Sandra dahil sa pagkabastos din ng bunganga nito. Halata namang nasaktan ito sa mga sinabi niya.
" Ang sakit nyu naman po mam magsalita! para po kayong yong anak-anakan nyung si Monica, matalas din at nakakasusugat ang dila. "
" I'm sorry iha, pero nauna kang mambastos tinatapatan ko lang at sinuklian kung paano ako pakiharapan ng isang tao. Siyanga pala pakisabi sa mommy mo na wala siyang makukuhang suporta samin sa pagtakbo ng ama mo bilang Gobernador ng bayang ito! dahil hindi kayo tumupad sa usapan. Sayang! simple lang naman ang hinihiling namin sa inyo diba! ang itikom nyu yang mga bibig nyu pero anong ginawa nyu, ipinagsigawan nyu sa mukha ng anak ko ang isang lihim na kay tagal naming iningatan. "
I'm sorry madam pero dapat nyu ding malaman na walang lihim na hindi nabubunyag! tulad ng pagkakatuklas ko sa tunay na pagkatao ko! matagal na panahon ding itinago sa akin ng mama ko ang totoo, pinaniwala nila akong ang kinikilala kong ama ang tunay kong ama, hinayaan kong patakbuhin nila ang buhay ko ayon sa kagustuhan nila, pero hindi na ngayon dahil ipaglalaban ko kung ano ang para sa akin! gusto kong kilalanin ako ng asawa mo bilang isang tunay niyang anak. "
" Ang asawa ko ang magdedecide niyan at hindi ako! kung wala ka ng iba pang sasabihin makaka-alis ka na! bumalik ka nalang mamaya para magkausap kayo! isa lang ang ipapakiusap ko sayo Sandra tantanan mo na ang pagsira sa buhay ng nag-iisa naming anak na babae na si Monica. Tigilan mo na si Vincent at huwag mong sirain ang buhay nila! makaka-alis ka na! Yaya Pacita makikihatid na po sa labas ang bisita natin! " tawag niya sa kanilang katulong na nagdidilig ng mga halaman sa di kalayuan sa kanila.
"opo ma'am! " mabilis namang sagot nito na agad sumunod sa ipinag-uutos niya.
" Ma'am tayo na po! dito po ang daan paalabas"
" Hindi mo na ako kailangang ihatid palabas dahil alam ko ang daan palabas asik niya sa katulong! "
" I'm sorry ma'am sinusunod ko lang po ang utos ni Madam. "
" Itong tandaan mo manang sa susunod na mga araw ay isa na rin ako sa mga magiging amo mo sa mansion na ito at sisiguraduhin kong mawawalan na ng lugar ang hampas lupang ampon nilang si Monica sa bahay na ito! "
" Naku ma'am mahihirapan po yata kayong gawin yan! kasi sobra pong mahal nag buong Montenegro si ma'am Monica! "
" Pwes makikita nyu kung pano ko pababalikin ang babaeng yun sa putik na pinagmulan niya! "
Napailing-iling nalang si yaya Pacita sa mga naririnig sa kanilang di inaasahang bisita. Hindi niya akalain na nagka-anak pala ang sir niya sa iba.
Sa tingin palang niya ay isang malaking gulo na ang dadalahin nito sa pamilya! bakas niya ang galit at inggit sa boses ng dalaga. Sayang tulad ng senyoreta Monica niya ay maganda pa naman sana ito, kaya lang ay parang mas maldita yata ito sa senyoreta Monica nila.
AT VILLAFUERTE'S VILLA
" Sandra! ano bang pinaggagawa mo! nakarating na sa amin ang ginawa mong pagsugod sa mansion ng mga Montenegro! " galit na sita sa kanya ng kanyang ina.
" Mom! Gusto ko lang makuha kung ano ang para sa akin! gusto kong kilalanin ako ng totoo kong ama! "
" Nababaliw ka na ba talaga Sandra! Sobrang sakit na ng ulo ang dinudulot mo sa amin ng daddy mo ah! Sinisira mo ang kandidatura niya! anong klase kang anak, imbes na makatulong ka, pinalalala mo pa lalo ang sitwasyon. " mahabang litanya ng kanyang ina na halos lumas na ang mga litid sa leeg sa tindi ng inis sa kanya.
" Wala akong paki-alam mommy! hindi ko siya ama! "
Isang malakas na sampal ang tinanggap niya mula sa ina. First time siya nitong pagbuhatan ng kamay at ramdam na ramdam niya ang sakit nun parang kumapal ang pisngi niya na nasampal nito. Pero balewala yun sa kanya. Manhid na siya sa lahat ng sakit! manhid na siya sa lahat ng rejection na natatanggap niya, rejection mula sa pamilya ng totoong ama niya, rejection mula sa lalakeng mahal niya. Kung magpapa-apekto siguro siya matagal na siyang nag-breakdown pero hindi mangyayari yun dahil isa siyang Montenegro.
" Anong klase kang anak! itinuring ka ng daddy mo na tunay niyang anak, tapos yan pa igaganti mo sa kanya. Umayos ka Sandra! Ayusin mo yang buhay mo at huwag mong ipagsiksikan yang sarili mo dyan sa ama mo dahil dugo ka pa lang ay tinalikuran ka na niya, kami ng daddy mo ang pamilya mo! naiintindihan mo! alam mo bang napakalaking gulo ng nilikha mo sa pamilya natin at ng mga Montenegro! Sandra wag kang magpatalo sa galit na nararamdaman mo dahil baka isang araw baka magising kang hindi mo na kilala ang sarili mo!
Anak hindi mo sila kaylangan kami ng daddy mo at ng kapatid mong si Jacob ang pamilya mo at hindi ang Carmelo na yun! tila walang katapusang litanya sa kanya ng kanyang mommy.
" Tapos ka naba mom? kung tapos ka na, magpapahinga na poh ako! siyanga pala pinasasabi ni Mrs. Montenegro, na wala na kayong suportang makukuha mula sa kanila! pero wag kang mag-alala mommy dahil isa akong Montenegro, baka magawa kong mapagbago ang isip nila at ituloy ang suporta sa kandidatura ni daddy para naman sa ganung paraan makabayad ako ng utang na loob sa pagpapalaki nyu sa akin ni daddy! Good night mom! "
Naiyak na si Bianca sa pinagsasabi ng anak! hindi na ito ang anak niya! hindi na ito si Sandra na mabait at masunurin. hindi na ito ang dating Sandra na anak niya!