Endiyah’s POV Lahat kami ay nakasuot ng itim na kasuotan nang ihatid namin sa huling hantungan ang bangkay ng mga magulang ko. Pumanaw na talaga sila. Hindi na ako nanaginip pa. Wala na ang mama at papa ko. Bakas sa mukha ni Uncle Fred ang hinanakit at pighati. Simula ng dumating siya kahapon ay humagulgol na siya ng iyak sa harap ng kabaong nina Mama at Papa. Gano’n rin si Tita Anna. Dumating na rin si James kasama ang buo niyang pamilya para makilibing. Malungkot akong niyakap ng kaibigan kong si James. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa buhay ko. Katulad ng iba ay pinaalalahanan na rin niya akong maging matatag sa buhay at palagi siyang nasa tabi ko kung kakailanganin ko ng tulong mula sa kaniya. Tango lang at ngiti ang naisasagot ko. Gaya rin ng ipinangako ni Governor ay na

