Ethan’s POV
Nanlilinsik ang mga mata ko at umiigting ang aking panga habang mabilis ang pagpapatakbo ko sa aking sasakyan pauwi ng bahay. I know that Endiyah’s nervous. Kumapit pa siya sa seatbelt niya na para bang doon kumukuha ng lakas. Nagagalit ako at nagseselos kay Zurin. Kung hindi lang siya anak ng Governador na kaibigan ni Papa ay baka ipinatumba ko na kung ano mang negosyo niya. Wala siyang karapatan na titigan si Endiyah. She is mine…akin lang!
“E-ethan…s-slow down..” nauutal niyang sabi sa akin.
Hindi ko siya pinakinggan, bagkus ay mas binilisan ko pa. Nang marating namin ang bahay ay agad kong tinanggal ang seatbelt at lumabas sa sasakyan. Madali rin ang mga kilos ni Endiyah na sumunod sa akin. Hinawakan niya ako sa braso.
“Ethan sandali lang!” sabi niya sa akin.
Huminto ako at humarap sa kaniya. “Bakit ba? Pagod ako,” sagot ko.
“Magkalinawan nga tayo. Ano bang kinagagalit mo?” mariin niyang tanong sa akin.
“I told you not to look at that asshole, did you obey me?” mababang boses kong sabi sa kaniya.
Tinitigan niya ako. Umiwas ako nang tingin. Iwan ko ba kung bakit palagi akong natatalo sa tuwing malapit sa akin si Endiyah. Isang titig palang niya ay nanlulumo na ako.
“I didn’t talk to him, what’s wrong with that?”
“But you look at him,” sagot ko.
Hilaw niya akong nginitian. “Ethan, that too shallow reason,”
Pinagsalubong ko ang mga kilay ko sa kaniya. My jaw clenched. “Ako lang ang puwede mong kausapin at puwedeng titigan, Endiyah. You’re not permitted to do that in other man.” Pagkatapos ko iyong sabihin ay tinalikuran ko na siya.
Dumeretso ako sa library ko at nagsarado ng pinto. Kinuha ko ang brandy sa ilalim ng working table ko at binuksan iyon. Para akong may pinagdadaanan na malalim at kailangan kong maglasing. Hilaw pa akong ngumisi nang maalala ang naganap kanina.
Pailalim akong tiningnan ni Lola Elena pero hindi ako nakinig sa kaniya. Ang tanging alam ko lang ay nagagalit ako kay Zurin sa tuwing sinusubukan niyang kausapin si Endiyah. Hanggang sa ako na ang sumuko at nagpaalam nang uuwi. Ipinasundo ko kay Francis si Lola dahil in-enjoy pa niya ang pagtingin ng mga paintings.
“I’m f*cking jealous!”
Parang nakikita ko ang sarili ko ngayon doon sa lalaki sa newsfeed ng account ko. He was broken, crying while drinking. What the f*ck!
Then, suddenly memories flashed back…
“Mahal mo ba talaga ako?” ulit kong tanong kay Endiyah. Siguro sampung beses ko na siyang natanong ngayong araw.
Nasa gilid kami ng dagat. Pareho kaming walang pasok ngayon kaya imbes na umuwi ay naisipan kong dalhin siya rito upang makapag-usap kami. Malimit lang kasi kami mag-date dahil estrikto ang papa niya. Kaya kapag ganitong may mga pagkakataon ay sinusulit ko na ‘yon.
Binalingan niya ako. “Alam mo kanina mo pa ‘yan tinatanong sa akin.”
I pouted my lips on her. “Sagutin mo na lang kasi, Love.”
Inirapan niya ako. “Ayaw ko nga,”
Nangingiti siya sabay talikod sa akin. Umusod pa siya nang upo palayo sa akin. Nagkaroon kami nang kaunting distansiya.
“Love?” tawag ko sa kaniya. Pinaikot ko ang kaliwang kamay ko sa balingkinitan niyang baywang at hinila siya pabalik sa akin.
“Ano kaba naman!” protesta niya. Tumawa ako nang mahina nang paluin niya ang kamay kong nakahapit sa kaniya.
“Huwag ka kasing lumalayo sa akin,” sabi kong nakangisi.
Binalingan niya ako at tinaasan ng kilay. “Ang kulit mo!” asik niya.
Itinaas ko ang isang kamay at maingat na hinawi ang ilang hibla ng buhok niyang tumatabing sa mukha niya.
“You’re so beautiful.”
Kinagat niya ang ibabang labi. Napalunok ako. Ngunit sinamantala ko ang pagkakataon, bumaba ang mukha ko sa kaniya at siniil siya ng halik.
“Hmm..” protesta niya. Naramdaman ko pa ang mga kamay niya sa dibdib ko na pilit akong tinutulak. I didn’t listen nor stop kissing her. I brushed my lips in to her. Madiin at mapanghanap. Nang pakawalan ko ang labi niya ay sabay na kaming hinihingal. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinagdikit ang aming noo.
“I love you.”
Bumaba ulit ang labi ko sa kaniya. I kissed her again. Bahagya ko pang kinagat ang ibabang labi niya nang muli ko ‘yong pakawalan. Napangiti ako nang magsalubong ang mga kilay niya sa akin. The lines of her beautiful forehead increased. Gamit ang hintuturo ko ay pinunasan ko ang labi niya. Nakakaakit ang mapupula niyang mga labi. Halos Hindi ako matapos-tapos sa tuwing may halikang nagaganap sa amin. It’s addicting to kiss her.
“Kanina kapa kaya I love you nang I love you diyan,” sagot niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at bahagya iyon kinurot.
“Hindi mo kasi ako sinasagot. Is it hard for you to say…I love you too, Ethan.” Nangingiti ako dahil sa mga katagang sinasabi ko sa kaniya.
Inirapan niya ako. “One hundred times mo na yatang sinasabi sa akin ‘yan. Tigilan mo nga ako!” asik niya. Alam kong kunwari lang iyon dahil nababasa ko naman sa mga mata niya at kilos na tinatamaan siya sa akin.
Umusod ako sa kaniya at pinatong ang ulo sa may balikat niya. “Alam mo, Love. I started to plan our future,” sabi ko. Nagpakawala ako nang buntonghininga habang nakahilig pa rin sa kaniya.
Hindi siya sumagot ngunit ramdam ko ang malalalim niyang paghinga. Ginanap ko ang kaliwang kamay niya. Inangat ko ang ulo mula sa balikat niya at masuyong hinalikan ang kamay niyang hawak ko.
Sinundan niya iyon nang tingin. She smiled at me. “Masyado pa tayong bata para diyan, Ethan. Graduating kapa nga e, habang ako ay first year collage palang,” sagot niya sa akin.
Tiningnan ko siya sa mga mata. “So what? Porket ba graduating pa ako ay wala na akong karapatan na bumuo nang kinabukasan para sa ating dalawa.”
Umiling siya. “That’s not what I mean. Ang sa akin lang naman Love, gusto kong makapagtapos muna tayong pareho. Build our career together,” sagot niya sa akin.
Nagulat ako at napatitig sa kaniya. Hindi dahil sa sinabi niya kung ‘di, dahil sa endearment na tinawag niya sa akin. This was the first time she called me by our endearment.
“W-what did you s-say?” nauutal kong tanong.
“Love, kailangan ko pa bang ulitin?” tanong niya.
Umiling ako sa kaniya. “Tell me again what did you call me?”
Pinagsalubong niya ang kilay sa akin. Pagkatapos ay nangingiting kinagat ang ibabang labi niya.
“Love.”
Lumapad ang mga ngiti ko sa labi at niyakap siya nang mahigpit. “Finally my prayer answered.”
“Prayer answered?” tanong niya sa akin habang yakap ko siya nang mahigpit.
“I’ve been praying that you’ll call me that endearment. . . at ngayon ay natupad,” sabi ko sa kaniya.
Mahina niya akong pinalo sa braso. “Sobra ka!”
I smirked at her, binitiwan ko siya. “I love you so much, Love.”
Kahit sekrito ang pagkikita namin ni Endiyah sa araw-araw ay sapat na sa akin iyon basta’t nakakasama ko lang siya. Hindi ko pa nasasabi sa mga magulang ko ang tungkol sa kaniya, ngunit alam na ng mga kapatid ko. Rio and Logan still in highschool. Sa Freshmen sila pumapasok.
Dalawang araw pa ang nakalipas simula nang pagpunta namin sa Tres. Ngunit hindi ko na nakikita si Endiyah na pumasok sa sachool. Nag-alala ako at nagtataka. I tried to call her but she didn’t answered. Hanggang sa isang araw ay nalaman ko na lang sa Principal ng campus na nagpa-drop na si Endiyah.
“Yes Mr. Treveno, her Mother came yesterday to inform me that Miss Sandoval was dropping at the school.”
“Ma’am, do you know the reasons why?” tanong ko sa Principal.
Tiningnan niya ako. “All I know…she was going to study abroad.”
Nalaglag ang balikat ko. Lumabas ako sa opisina ng Principal at naglakad palabas ng gate. Nang marating ko ang sasakyan ko ay pumasok ako doon. Hindi na rin ako pumasok ngayong araw at umuwi akong balisa sa mansyon.
“Napaaga ka yata, Anak?” tanong sa akin ni Mama.
“Masama ang pakiramdam ko, Mama,” sagot ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya na nilapitan ako. Inilagay niya ang kamay sa noo ko. Napangiti ako sa ginawa ni Mama. Feeling niya tuloy ay may lagnat na ako.
“I don’t have fever, ‘Ma.”
“Sige umakyat kana muna sa kuwarto mo para makapagpahinga. Tatawigin kita mamaya after kong matapos magluto,” sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. Such a wonderful Mom, she’s like my Endiyah Rose. Umakyat na ako sa kuwarto ko. Pagkalapag ko palang ng bag ko ay kinalikot ko na ang aking cellphone. I’ve bee hoping na sana ay may text message sa akin si Endiyah. Ngunit balisa ako nang wala man lang akong natanggap na mensahe mula sa kaniya.
Umaupo ako sa kama at sinabunutan ang sariling buhok. This is frustrated! Damn what happened to her?
“Why you did not care telling me that you’re leaving..” bulong ko.
Pasado alas singko na nang dumating mula paaralan sina Rio at Logan. Nakangisi pa ang dalawa ng maabutan nila ako sa dinning area.
“Hey dude, what’s up? Balita ko ‘di ka raw pumasok today.” pang-aasar na tanong sa akin ni Logan.
Ngumisi din si Rio. “Love sick ka Kuya?” segunda niyang tanong. Lumapit ito sa ref at kumuha ng tubig na malamig.
Nang hindi ako sumagot ay pinagtawanan nila ako. Mga luko talaga itong mga kapatid ko kahit kailan. Sinaway sila ni Mama.
“That’s enough boys. Hindi maganada ang pakiramdam ng Kuya ninyo,” sabi ni Mama. Natahimik ang dalawa.
Dumating na rin si Papa galing sa trabaho kaya sabay-sabay na kaming kumain. Tahimik lang ako sa hapag dahil iniisip ko ang sitwasyon namin ni Endiyah.
“Are you okay, Son?”
Napaangat ako nang tingin kay Papa nang bigla itong magtanong sa akin.
“I’m fine, ‘Pa,” sagot ko.
Nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na sa itaas. Alam kong nakasunod lang ang mga mata nila sa akin na may pagtataka. Wala naman akong sakit ngunit balisa ako.
Hindi pa ako nakakaupo sa swivel chair sa kuwarto ko ay sinundan na ako ng dalawa kong kapatid. Nag-lock pa sila ng pinto. What the hell!
“There’s something bothering you, Kuya?” tanong ni Rio.
Tumango ako sa kanila. Ipinagtapat ko ang natuklasan ko kaya naman sinupurtahan ako ng mga kapatid ko. They planned something…
Pasado alas nuebe na ng gabi nang pumunta kami sa mansyon nila Endiyah. Iniwanan ko sa sasakyan sina Rio at Logan. Walang guwardiya at patay na ang ilaw sa front door, maliban lang sa mga posteng ilaw sa kalsada. Dumaan ako sa bakod at tumapat sa kuwarto niya. I knew her room, base sa kuwento niya sa akin.
Pumulot ako nang maliit na bato at ibinato ko iyon sa may bintana. Naglikha ng ingay, ngunit wala namang taong lumabas para sawayin ako. Binato ko ulit hanggang sa nagbukas ang ilaw. Finally nakita ko ang pigura niya. Hinawi niya ang kurtina at sumilip sa bintana. Itinaas ko ang cellphone ko sa kaniya kaya agad niya akong nakilala.
Nag-sign siyang umalis na ako pero hindi ko siya pinakinggan. Umalis siya sa bintana. Kinabahan ako pero hindi niya sinarado iyon. Nanatili akong nakatayo doon na parang nakakaawang lalaki. Nang bumalik siya sa bintana ay may hinagis sa akin na papel.
Nakalukot pa iyon nang pulutin ko sa damuhan. Inayos ko at binasa. Gamit ang ilaw ng screen sa cellphone ko ay nabasa ko ang mensahe.
“Leave before my Dad see you.”
Umiling ako sa kaniya. Muli siyang sumulat at hinagis sa akin.
“My Dad, took my phone. Please Ethan, leave!”
Lintik naman ‘to! Bakit kasi wala akong dalang bullpen. Paano ko siya masasagot. Nahagilap ko ang staircase na nakasandal sa pader. Medyo mahaba iyon kaya naman, dahan-dahan ang mga kilos ko na pinatayo iyon at itinapat sa may bintana ni Endiyah. Tahimik ko siyang inakyat. Namimilog pa ang mga mata niya sa akin habang tinutulungan niya akong makapasok. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kuwarto niya ay kinabig ko siya at siniil nang mapusok na halik.
That moment on…everything was changed. Pabalang kong ibinaba ang bote ng brandy. Nagagalit pa rin ako at nagseselos. Nang muli kong maalala si Zurin ay ibinato ko ang bote ng alak sa may pader. Naglikha iyon nang malakas na ingay.
“What the f**k!”
I dropped those papers on my working table. Lumapit rin ako sa lampshade at ibinato iyon. Nang hindi mahimasmasan ang nararamdaman ko ay agad akong naglakad papunta sa may pinto. Ngunit laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Endiyah. Nakatakip ang mga kamay niya sa magkabilang tainga niya habang nakaupo sa sahig. She was shaking!
“E-endiyah.”