Endiyah
Maraming nangyari sa buong maghapon na magkasama kami sa loob ng opisina niya. Minsan naiinis ako sa mga pa-sorpresa niyang mga galaw, pero minsan nagugustuhan ko na rin ang iba. Unti-unti ko na rin nakikita ang Ethan na nagmahal sa akin noon ng wagas. He is calm. He didn't insult me again nor humiliate me. He was sweet and romantic. Napapangiti ako sa tuwing hindi niya nagugustuhan ang mga sagot ko at ayaw. But he never insisted, he say okay all the time.
Dalawang araw pa ang nakalipas. Nakilala ko na rin ang director ng kompaniya pati na rin ang mga staffs. Ang lawak pala ng kompaniya nila. May iba’t-ibang branches. Pero nasa finance kami at banking. Nalaman ko na rin na hindi dito nagtatarbaho sina Logan at Rio, ang mga nakakabatang kapatid ni Ethan. Napa-wow ako nang malaman na may sarili ng negosyo si Logan sa murang edad niya. He owned a Bar in Taguig, kasulukayan niya iyong pinapalago sa ngayon. Ngunit mas nagulat ako nang malaman ko ang trabaho ni Rio. He is a bodyguard. Really, a bodyguard? Sa laki ng business nila ay nagawa pa niyang mamasukang bodyguard. Simple but a dangerous job.
“Totoo? Na bodyguard lang ang trabaho ni Rio?” mahina kong tanong kay Lovely. Nasa food court kami ng kompaniya dahil break time namin.
Si Lovely ang nagkuwento sa akin tungkol sa pamilya ni Ethan. Inilagay niya ang hintuturo sa may labi niya.
“Huwag mong ipagsabi Ma’am hah, baka mawalan ako ng trabaho.”
Napatingin ako sa paligid kung wala ba nakarinig. Tahimik naman ang bawat isa at ini-enjoy ang pagkain kaya napanatag ang loob ko.
Tumango ako sa kaniya. “Promise.”
Ngumiti siya sa akin. Magaan ang loob ko kay Lovely. Her name suited her. Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa matapos ang break time namin.
“Bukas ililibot kita sa food department. Nadoon iyon sa kabilang building kaya pumasok ka ng maaga ha.”
“Sige. Ang lawak pala nitong Treveno’s corporation. Akala ko banking at finance lang ang branch nila dito.” Napakamot ako ng ulo.
Tumawa siya ng mahina. “May Aircraft din sila, Ma’am. Si Charmain Connor ang nagpapatakbo noon kasi hindi na kaya ni Sir Ethan. Minsan tinutulungan naman siya doon ni Sir Logan.” Paliwanag niya sa akin. Mukhang ang daming alam ni Lovely sa buhay ng mga Treveno. Kung sabagay nga naman ay three years na siyang nagtatarbaho dito.
Tumango ako. “Bigatin pala,” sabi kong nangingiti.
Back then, ay walang nabanggit sa akin si Ethan na ari-arian nila. Buong akala ko nga ay simpling lalaki lang siya kaya ayaw ng papa ko sa kaniya.
“Bigatin na bigatin Ma’am,” nakangiti niyang sagot sa akin.
Nagpaalaam na ako sa kaniya at umakyat na sa taas. May board meeting daw si Ethan kaya wala akong kasama sa magara niyang opisina. Pero nagmensahe siya sa akin kanina na siya ang susundo sa akin at hindi na si Kuya Josep.
Nang makapasok ako sa loob ng opisina ay tahimik kong tinapos ang mga files na ginagawa ko simula noong mga nakaraang araw. Hindi pa nag-iisang oras ang pagtatrabaho ko ay nag-ring na ang phone ko. Binalingan ko iyon. Si Ethan. Dumagondong ang dibdib ko. Agad ko iyon dinampot at sinagot ang tawag niya.
“Hello.”
Kabado pa ang boses ko nang magsalita ako.
“Be ready, I’ll pick you up within in 10 minutes.”
Ten minutes? Saan ba kami papunta at maaga pa yata para sa uwian. Kumunot ang noo ko at hindi ko napigilan ang magtanong sa kaniya.
“Still working time, Ethan. Saan ba tayo pupunta?”
He chuckled over the phone call. “We’re going out. Remember my grandmother, she invited you too.”
I see. Naalala ko na, dadalo pala sila ngayon sa Art Galleries.
“Ah—Ethan…k-kasi..” nahihiya akong sabihin na huwag na lang akong isama. Hindi naman kasi ako belong sa kanila. ‘Di ba nakakahiya iyon.
“I insisted, sasama ka. See you.” Pinatay na niya ang tawag. Hindi man lang ako pinasagot.
Bumuntonghininga ako. Wala na akong nagawa kung ‘di ang magligpit ng mga gamit ko at bumaba na sa entrance. Dinaanan ko si Lovely, nagpaalam ako sa kaniya at sinabi ang totoo.
Kalalabas ko lang din nang mahagilap ko ang expensive car ni Ethan na paparating. Inihinto niya iyon mismo sa may tapat ko. Bumaba siya sa driving set. He is wearing a black shiny tuxedo. Parang nanliit ako. Nakasuot lang ako ng simpling black jeans at tube na pinatungan ko ng white coat. Parang hindi naman ako bagay na sumabay sa kaniya. Baka mapagkamalan pa akong sekretarya niya kapag nandoon na kami.
Binukasan niya ang kabilang side at pinapasok ako sa loob. Ito ang unang beses na makasakay ako sa Lamborghini niyang sasakyan. Kamahal-mahal ang presyo nito pero para kang hindi makahinga sa sobrang liit niya. Napailing ako nang wala sa oras.
“Are you okay?” He voice was raspy. Napansin siguro ang pag-iling ko kanina.
Kinabit ko muna ang seatbelt bago ko siya sinagot. “Oo. Okay lang ako.”
Pinasadhan niya ako nang tingin bago tumango. “Let’s go.”
Binuhay niya ang makina ng sasakyan at tahimik kaming bumeyahe. Mabilis ang pagpapatakbo niya. Kabado ako sa tuwing lumiliko ito. Mukhang walang pakialam sa kung may mabangga man kami ngunit hindi ako nagkomento. Hanggang sa pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng salon. Napaangat ako nang tingin sa kaniya.
Binalingan niya ako sabay taas ng kilay. “Tara na,” aya niya sa akin.
“Hindi naman ‘to Art Galleries. Salon ‘yan Ethan.” Inginuso ko pa sa kaniya ang labas.
“Yeah. Alam kong salon ‘yan, Endiyah.”
“Anong gagawin natin diyan?” tanong ko.
Umangat ang kamay niya sa akin at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Muntik na akong mapapikit dahil sa hatid noon sa akin.
“Do your make up and hairstyle.”
Napanganga ako. May nalalaman siyang gano’n. “Hindi ko naman kailangan iyon.” Which is true.
“Tara na,” aya niya ulit.
Wala na akong nagawa kung ‘di ang sumunod sa kaniya. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay sinalubong kami ng dalawang staff ng salon. Isang gay at may kabataan sa akin na babae.
“Welcome honey.” bati niya, “..and Ma’am.” Ngumiti siya sa akin. They know Ethan.
Maaliwalas ang loob at walang katao-tao maliban sa apat na staffs.
“Salamat pare,”
Napangiwi ang bakla dahil sa sinabi ni Ethan. Nagtawanan din ang tatlo pang babae na kasama.
“Honey na lang kaya, echosero ka, may pa-pare-pare kapa!” singhal niya. I smiled when he rolled his eyes on Ethan.
“She’s my girl.”
Napasinghap ako nang hapitin ako ni Ethan sa baywang at idinikit sa kaniya. Sumimangot sa amin ang bading at pinagkatitigan niya ako. Ang tatlong staffs pa ay natatawa sa ginagawa ng kasama nila.
“Sabunutan kita mamaya kapag inayos ko ang buhok mo. Inagaw mo sa akin ang honey ko.” Biro niya sa akin.
Napangiti ako sa kaniya. Maarti pa itong nagpaypay gamit ang mamahalin niyang pamaypay na may mga diyamanteng desinyo.
“Pero mukhang mabait ka naman iha. Kaya ipapaubaya ko na sa’yo si honey ko.”
Muli kaming nagkatawanan. Tahimik na umupo si Ethan sa coach habang pinapanood ako kung paano nila ayusan. They made my make up very light, at ang buhok ko naman ay ginawang curly sa dulo. Simple pero bumagay naman sa akin.
“Ang ganda ninyo Ma’am.” Puri sa akin no’ng isa. Sumang-ayon din silang lahat. Nahihiya akong humarap kay Ethan at pinakita ang ayos ko. Tumango lang siya sa amin. I don’t know ba kung nagustuhan niya ang ayos ko. Hindi naman siya nag-comment at hindi rin nag-compliment.
“Honey, what do you think?” tanong niya kay Ethan.
Gumalaw ang adams apple niya bago ito nagsalita. “Perfect.”
Nang wala na siyang sabihin ay inaya ako ng mga staff na pumasok sa isang dressing room. Namangha pa ako nang makita ko ang loob dahil may ibat-ibang klasi ng damit ang naka-hanger doon. Pinili ko ang silver long dress. Long sleeve pero V-shape sa likod. Lumabas muna sila saka ako nagbihis. I look at the mirror and I smiled. Satisfied ako sa ayos ko at damit. They’re simple but elegant. Nangingiti pa akong lumabas upang ipakita sa kanila ang naging resulta.
Nang hawiin ko ang kurtina ng dressing room ay lahat na silang nakatingin sa akin. Para akong rarampa sa red carpet na inaabangan ng mga photographers. I caught Ethan’s eyes staring at me. Nahihiya kong ibinaba ang tingin nang ikulong niya ako sa mga titig niya.
“Oh my gee. Ang ganda-ganda ninyo po Ma’am.” Halos sabay-sabay nilang komplemento sa akin. Nagpasalamat ako sa kanila. Si Ethan naman ay hindi maalis ang mga mata sa akin. Alam ko na iyon? Two options, he doesn’t like it or he like it. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin.
“Salamat pare.”
Iniripan siya no’ng bading. “Kung hindi mo ‘ko kayang tawaging honey, just call me Trisha!” Malandi niyang sabi kay Ethan. Nagtawanan ang mga kasamahan niya kaya napangiti na rin ako.
Ethan chuckled. “Tristan hindi Trisha pare.” Pagtatama niya sa pangalan ng bading.
Mahina niyang pinalo ang braso ni Ethan. “Sige na nga!” He rolled his eyes on us.
Nagpasalamat kami sa kanila. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kaniyang sasakyan. Mukhang hindi yata ako komportable sa suot kong high heels.
Narating namin ang Art Galleries kahit na hindi matiwasay ang buong biyahe namin dahil palagi siyang nakatingin sa akin kahit na nasa kalagitnaan pa kami ng high way.
Isang eksklusibong hotel ang aming pinuntahan dahil doon raw gaganapin ang exhibit. Buong akala ko pa ay sa Art Galleries mismo kami pupunta ngunit hindi pala. Pagkababa namin ng sasakyan ay sinalubong na kami ng butlers at kinuha ang susi kay Ethan upang i-parking ang kaniyang sasakyan.
Ginanap niya ang kamay ko at hinila ako papasok. Nasa entrance pa kami nang matanaw ko ang lola Elena niya na nakatayo sa gilid ng guwardiya. Nakangiti sa amin at kinakawayan pa kami. May edad na siya ngunit bata pa rin kung kumilos. Nakikisabay pa din sa mga katulad namin.
Nagmano ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya nang tuluyan na kaming makalapit sa kinatatayuan niya.
“I’m glad to see you, Endiyah Rose. Akala ko ay hindi ka pupunta.” Nakangiti ito sa akin. I can see the happiness through her beautiful eyes.
“I told you, she will,” sagot ni Ethan sa Lola niya.
Ngumiti ako sa kaniya. “Salamat sa pag-imbeta Lola,” I said with a smile.
“You’re so beautiful, Iha.” Nakangiti niyang pagpuri sa akin.
Nilingon ako ni Ethan. Nahiya akong tingnan siya kaya ngumiti ako kay Lola Elena at nagpasalamat.
“Oh, siya tara na sa loob,” aya niya sa amin.
Nauna na itong naglakad. Hindi rin binibitawan ni Ethan ang kaliwang kamay kong hawak niya. Pakiramdam ko pa ay para akong nakaposas sa kaniya. 'I will not run away from you Ethan' gusto ko sana sabihin ‘yan sa kaniya.
Marami na ang tao nang tuluyan kaming makapasok. Lumapit kami sa painting na nakasabit sa may gilid. Huminto doon ang mga mata ni Lola Elena kaya napahinto na rin kami ni Ethan.
“Do you like that paintings Lola?” tanong ni Ethan sa kaniya.
She let out a deep sight before she answered his grandson. “Very. I really like it,” she said. She looked at me. “What do you think Endiyah Rose? How do you explain this arts?” seryoso niyang tanong sa akin.
Hindi ako kinabahan, bagkus ay umayos ako nang tayo at tinitigan ang painting. Isang frying pan at isang malaking takip sa ibabaw nito. How should I explain this art? Tahimik din si Ethan at mukhang hinihintay rin ang pagsagot ko sa tanong ng Lola Elena niya.
I cleared my throat and looked at Lola Elena’s eyes. “Base of my observation. Huwag mong ipagpilitan na itakip ang sarili mo sa isang bagay na hindi nararapat sa’yo.” I looked at Ethan too, then…looked back to Lola Elena. “Nakikita mo ba Lola? kahit anong takip mo sa takip ng kaldero diyan sa kawali ay hindi pa rin nababagay.” bumuntong-hininga ako.
“Hindi sa hindi puwede, ngunit hindi nararapat.”
Tumango siya sa akin bago ako nginitian. “Very well said, Endiyah Rose.”
“Ikaw ba Lola, anong description mo sa painting na ‘yan?” seryosong tanong ni Ethan.
Binalingan niya si Ethan. “Same what Endiyah said.”
“Would you like to buy it. I’ll bought it for you,” he said to Lola Elena.
Binalingan ako ni Lola Elena. “Dapat ko bang bilihin ang painting na ito Endiyah Rose?” she asked.
Umiling ako. “No! Hindi po worth it ang pera ninyo diyan Lola. This painting describ from the past. Nakaraan iyon na dapat ng kalimutan, kasalukuyan na ngayon ang dapat na harapin.”
Ethan looked at me straight. Hindi makapaniwala sa sagot ko. Tumawa ng mahina si Lola Elena.
“You’re so clever Endiyah Rose.” Binalingan si Ethan at inirapan. “Ikaw ang apo ko pero hindi mo nababasa ang nasa isip ko. Gusto ko ang painting na ito, pero ayaw ko siyang bilihin.” Natatawa pa itong umiling-iling kay Ethan.
Nagkamot ng kilay si Ethan na tila napahiya. “You’re my boss,” sabi niya sa Lola Elena niya.
Tahimik kaming umikot. Marami rin kaming nakakasalubong na mga kakilala nila. Tahimik lang ako dahil hindi naman ako familiar. But Ethan did not leave my hand, hawak niya pa rin iyon at hindi binibitawan.
I did enjoy looking at the random paintings. May nagugustuhan ako at may hindi. Hanggang sa may isang matangkad na lalaki na lumapit sa amin. Nagulat ako at napatitig sa kaniya nang makilala ko siya. Siya iyong nakasalubong ko sa pasilyo ng kompaniya noong mga nakaraang araw.
Nakangiti siyang biniso si Lola Elena. “Thank you for coming, Madame!”
Tinapik siya ni Lola Elena sa balikat. “Ikaw talagang bata ka. Napakaganda nitong arrangement ng exhibit mo.” Puri ni Lola Elena. So, he’s the owner.
“I organised everything,” he said.
“Very simple, but impressive.”
Bumaling siya sa amin ni Ethan. Ngumiti siya sa amin ngunit mas tumagal ang tingin niya sa akin.
“Thank you for coming Mr. President.”
Kinamayan siya ni Ethan. “My pleasure.”
Tiningnan niya akong muli. Humigpit ang pagkakahawak ni Ethan sa kamay ko. Ramdam ko iyon dahil pakiramdam ko ay napipisa na niya ang mga daliri ko. Napalunok ako.
Humarap siya sa akin at matamis akong nginitian. “Nice to see you here, Endiyah Rose Sandoval.”
Inilahad niya ang palad sa akin. Tiningan ko iyon sabay kunot ng noo ko. Balak ko na sanang tanggapin ang nakalahad niyang palad nang unahan ako ni Ethan at siya muli ang nakipagkamay sa lalaki.
“She’s my woman.”
Ps: Bare with me. This story is under editing!