Chapter 10

2246 Words
Endiyah Tahimik akong nakatayo sa loob ng opisina niya habang paisa-isa kong sinusuri ang bawat kasulukan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako dito ngunit sinuyud pa rin ng aking mga mata. Nagdagdag siya ng maliit na mesa at upuan sa gilid ng wall kung saan paharap sa kaniya. Hindi na ako magtataka na ihihiwalay niya ako ng working office. Masyado na akong special kapag ganoon. May apple laptop sa table ko at mga documents. May cute din na vase na nakapatong sa gilid nito ngunit hindi bulaklak ang laman kung ‘di mga ballpens. “Are you fine with it?” he asked. Ngayon ko pa napagtanto na hindi pala ako nag-iisa, na nandito rin si Ethan kasama ko. Tumikhim muna ako bago tumango sa kaniya. “Yeah, I’m fine with it,” sagot ko. Lumapit ako sa working table ko at hinila ang upuan. Tahimik akong umupo doon at binuklat ang mga documents na nasa ibabaw ng mesa. Teka lang, akin ba ang laptop na ito? Umangat ang mga mata ko sa kaniya. Ngunit muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang mapagtanto kong nakatitig na rin ito sa akin. I cleared my throat. “Gagamitin ko ba ang laptop na ‘to?” tanong ko. Hindi pa rin niya hinihiwalay ang mga mata sa akin. Ang bold talaga ng lalaking ‘to! Tumango siya. “Yeah. But before that..” bigla siyang tumayo at lumapit sa upuan ko. “I need to explain it to you what works you’ll do.” Pumuwesto siya sa likod ko. Ano ba naman ito? May malaking space naman sa gilid ah, bakit kailangan pa niyang pumuwesto sa likuran ko? Dumikit ang malapad niyang dibdib sa may likod ko. Para akong nakuryente sa init ng balat niya. He caged me by his huge body. Ang pisngi niya ay nasa tapat na ng ulo ko. Ginalaw niya ang mouse at kinulikot ang laptop. Tahimik lang akong nakamasid sa ginagawa niya. Only I could do is to hold my breath. Naninikip ang paghinga ko. Paano ba naman kasi itong kasama ko ay parang ahas na nakalingkis sa akin. I'm just a bit worried na baka may pumasok at maabutan kami sa ganitong posisyon. Nakakahiya na kapag nagkataon. “Fallow mo lang ang steps, sabog kasi ang arrangements ko sa account nang ako ang gumawa. I want you to help me arrange it. Hindi magkakasunod-sunod ang pag-piled ko.” Siryoso ang pananalita niya habang ipinapaliwanag niya sa akin ang maari kong gagawin. I smirked. “Okay I get it.” Binitawan niya ang mouse sa gilid kaya kinuha ko iyon at ako ang nagpatuloy. “I hope you’ll not having headache,” he chuckled. “Iwan ko kasi sa pagkakagawa mo ng files. You should keep it in one documents.” Sinimulan kong pagsunod-sunurin iyon. Hindi pa siya umaalis sa likuran ko. Nanatili pa rin ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko. “Ano bang malay ko diyan hindi naman ako BS in accountancy,” he said directly. Bumuntonghininga ako. “Sige, ako ng bahala dito.” I’m trying to avoid him. “Bumalik kana sa working table mo.” Inginuso ko pa sa kaniya ang working table niya sa harap ko. Narinig ko ang pagpakawala niya nang malalim na hininga. “Look at me?” utos niya sa akin. Hindi ako gumalaw. Ayaw ko siyang tingnan. Ano ba kasi ang gusto niya sa akin at balak pa akong humarap sa kaniya. "Bumalik ka na lang doon at sisimulan ko na ang trabaho ko dito," sabi kong hindi nakatingin sa kaniya. Nang hindi siya nagsalita ay pinagpatuloy ko ang ginagawa. Hanggang sa naramdaman kong ipinatong niya ang baba sa tuktok ng ulo ko. Napahinto ako sa ginagawa. "Ethan you're disturbing me.." mahina kong sabi. Napapikit ako nang mababaw niyang halikan ang ulo ko. Pinapatakan niya nang paulit-ulit na mabababaw na halik. Ang sarap pumikit at damhin ang paghalik-halik niya sa may buhok ko. Tumigil siya sa ginagawa. "Tingnan mo 'ko, Endiyah?" sabi niya ulit sa akin. Wala akong nagawa kung 'di sundin ang inuutos niya sa akin. Lumingon ako sa kan'ya, ngunit laking gulat ko nang salubungin niya ng halik ang pagharap ko sa kaniya. Parang magnet ang mga labi niya na agad na dumikit sa may labi ko. He kissed me passionately. Madiin at may pananabik. Naiwan sa ere ang mga kamay ko dahil nasorpresa ako sa marahas niyang kilos. He brushed his lips until I could tasted his own saliva. Hindi ko masagot ang mga halik niya dahil napakabilis ng kaniyang paggalaw. Hanggang sa siya na ang kusang tumapos sa halikang naganap. Tiningnan niya ako sa mga mata habang sabay kaming hinihingal at naghahabol ng hininga. Balak ko na siyang itulak palayo sa akin nang bumaba ulit ang mukha niya sa akin at hinalikan akong muli. "Hmm.." I murmured towards his deep kisses. Umakyat ang isang kamay niya sa leeg ko hanggang sa pinasuot niya iyon sa ilalim ng buhok ko. Natukso ako sa ginagawa niya kaya humalik ako pabalik. Ginaya ko ang paraan ng paghalik niya. Pareho na kaming nahuhulog sa kabilang planeta ng biglang bumukas ang pinto. "Ah...s-sorry guys.." hindi makatingin ng deretso sa amin si Logan. Agad kong itinulak sa dibdib si Ethan. Parang ayaw pa niyang magpaawat kahit na may tao. Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa sobrang pagkahiya. Pero itong walang hiyang kasama ko ay ipinatong pa ang kamay sa may balikat ko. Nakakainis na lalaki. Ang sarap sabunutan! "What is it Logan?" inis na tanong ni Ethan sa kapatid. Nagkamot ito ng ulo bago sumagot. "Pinapatawag ka ng director. May gusto raw siyang sabihin sa'yo," nakangisi niyang sabi sa amin. Yumuko ako upang hindi makita ang mapanuksong mga tingin ni Logan. "Okay. I'll be there in a minute," sagot ni Ethan. Tumango siya sa amin. "I hope I didn't interrupted any important things you're both doing." Napatingin ako sa kaniya. Nakangisi pa din ito sa amin. Baka puwede ng lutuan ng itlog itong pisngi sa sobrang init niya. "You already done, assholle. Get out of my office!" "Sorry dude. Have fun working Ate Endiyah." Tumalikod na ito at tahimik na lumabas. Doon pa ako nakahinga nang maluwang ng makaalis na si Logan. I'm surprised that he called me 'Ate'. Tinanggal ko ang kamay ni Ethan sa may balikat ko. Malalim itong bumuntonghininga. "I'll be back later," sabi niya sa akin. Dinampian pa ako ng halik sa labi bago tuluyang lumabas. Napapikit ako. Nangingiti akong kinagat ang ibabang labi. That was so intense Simula kahapon ay naging mainahon na si Ethan. He didn't get angry. He didn't look at me in a different way. He cares for me. He say sorry and admitted that it was his fault why I go out without his permission. Nakita ko ang pagbabago niya simula kahapon. Ngunit ang tanging hindi ko makakalimutan at laging pumapasok sa isipan ko ay kung paano niya tiningnan si Sophie kahapon. He was surprised and I read on his face that he was afraid. Bakit nila kilala si Sophie? Gusto ko sana iyan itanong sa kaniya ngunit nag-aalangan pa ako. Maybe one day, I will ask him about Sophie. "Hay puro kuryusidad ang pumapasok sa utak mo Endiyah. Magtrabaho ka nga at nang makapagbayad kana sa utang." Pinagalitan ko pa ang sarili ko. Napangiti ako. Hinawakan kong muli ang mouse at tahimik na nagtrabaho. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Nilingon ko siya. Magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. Naglakad siya papunta sa may working table niya. May problima ba ito? Tahimik ko siyang pinagmamasdan hanggang sa makaupo. "May problema ba, Ethan?" naglakas loob akong nagtanong sa kan’ya. Umiling siya sa akin. Nang wala siyang sinabi ay ibinalik ko ang mga mata sa may laptop at nagpatuloy. Ang daming gagawin. Ang mga arrangements ay hindi magkakasunod-sunod. Kung ito lang ang gagawin ko dito ay kareng-keri ko 'to! Magaan lang ang ganitong trabaho. I hope that I will gains a friend her at Treveno’s corporation. Naalala ko ang receptionist lady dati na naghatid sa akin dito sa opisina ni Ethan noon. Kaninang umaga ay hindi ko siya nakita sa reception. Tiningnan ko si Ethan para itanong ang receptionist. Ngunit laking gulat ko dahil nakasandal na ito sa swivel chair niya paharap sa akin. Ang mga kamay ay magkasiklop sa bandang dibdib niya. Ang mga mata ay nakatitig sa akin. Napalunok ako. Iba ang pakiramdam kapag ganito na ang mga titig niya sa akin. Naiilang ako at nabubuwesit ako. "Bakit?" tanong ko. Huminto ako sa ginawa. Tinaasan niya ako ng isang kilay. "I want to look at you. May problema ba doon," sagot niya sa akin. "Wala ka bang trabaho? Kung tititigan mo lang ako maghapon ay wala kang matatapos na trabaho, sinasabi ko sa'yo," sabi ko sa kaniya. "I choose to stared at you than to work. Who cares." Madiin ang pagkakasabi niya doon. Napanganga ako. Muntik ng malaglag ang mga panga ko. Pinaliitan ko siya ng mga mata. "Ano naman ang mapapala mo sa katititig sa akin?" hilaw akong ngumiti sa kaniya. "I missed it for five years.." Napatingin ako sa kan'ya ng deretso. Hanggang ngayon ay nakatitig pa din sa akin. Sinisimulan na naman niyang ungkatin ang sakit na matagal ko nang nilibing. Talaga ba Endiyah? Baka nilibing mo diyan sa puso mo at hanggang ngayon ay pareho kayong hindi maka-move on. Naging siryoso siya. Binalot ako ng kaba. I flipped back may hair and act like nothing. Tiningnan ko ang orasan sa may kamay ko. 11:40 na. Baka puwede na akong mag-break time. Ito ang gagamitin kong dahilan upang makaiwas sa kaniya. "Puwede na ba akong mag-break time. Nauuhaw na kasi ako," paalam ko sa kaniya. Tiningnan din niya ang relo niya. "Okay. Go ahead." "Ikaw, ayaw mo ba mag-break muna?" tanong ko. "I don't eat in the food court," sagot sa akin. Umayos siya ng upo at binuksan ang computer. Saan kaya siya kumakain. Ang hirap magtanong at baka masamid pa ako. Inabot ko ang wallet ko. "Sige lalabas lang ako sandali." Paalam ko. Tumango siya pero hindi nakatingin sa akin. "Take your time." Tahimik akong lumabas sa opisina niya. Dumeretso ako sa reception upang hanapin 'yong babae. Napangiti ako nang makita ko siya. May kasama pa siyang dalawang matanggkad na babae. Lumapit ako sa kaniya. "Hello." "Hello Ma'am Endiyah." Bati niya sa akin. Nginitian rin ako ng dalawa pa niyang kasama. "Nag-break time na ba kayo?" tanong ko sa kanila. Tumingin siya sa relos niya. "Mamayang 12 pa, Ma’am," sagot niya sa akin. "Sige, hihintay ko kayo. Wala kasi akong kasama at kakilala dito." Umiling sila sabay-sabay. "Naku Ma'am, baka nagugutom na po kayo kaya mauna na po kayo sa food court." Umiling ako. "Hihintay ko na kayo." Nahihiya silang ngumiti sa akin. Mukhang mababait naman ang mga receptionist. "Ako nga pala si Lovely Ma'am. Hindi man lang ako nakapagpakilala sa in'yo noon." "Endiyah. Call me Endiyah, Lovely." "Naku hindi po puwede Ma'am. Malalagot kami kay Sir." Napanganga ako. Kumunot pa ang noo ko. "Maniwala kayo doon," biro ko sa kanila. Pinakilala din ako ni Lovely sa dalawa pa niyang kasama. Hindi nagtagal ay breaktime na nila. Kami lang ni Lovely ang pumunta sa food court ng kompaniya dahil may kikitain daw ang dalawa sa labas ng opisina. We ordered the same foods. Rice with beef steak. Masaya pa kaming nagkukuwentuhan hanggang sa natapos kaming kumain. "Sige mauna na ako sa itaas Lovely. Nice to see you." Ngintian ko pa siya bago ako pumihit papasok sa elevator. Nasa haba na akong ng pasilyo malapit sa pinto ni Ethan nang may makasalubong akong lalaki. Guwapo at matanggkad. Nginitian niya ako. Tumango ako sa kaniya. Nilampasan ko siyang ngunit tinawag niya ang buong pangalan ko. Napahinto ako at bumaling sa kaniya. "Do you know me?" I asked. Nakangiti siyang tumango. "Yes." Mas lalong kumunot ang noo ko. Napaka-mesteriyoso naman ng lalaking ito. "Mas maganda ka pala sa personal. Nice to meet you. See you day after day." Tumalikod na ito sa akin at naglakad papalayo. Matagal akong nakabawi. Bakit ako kinikilabutan. Iba-iba ang nangyayari araw-araw. Hinaplos ko ang mga kamay ko at tahimik na pumasok. Naabutan ko si Ethan na kumain sa mesa niya. Kumunot ang noo ko nang makita kong noodles lang ang tanghalian niya. Ganoon na ba talaga siya nagtitipid. Lumapit ako sa kaniya. Ibinaba niya ang kinakain at uminom ng tubig. "Iyan lang ang kinakain mo sa tanghalian?" kunot noo kong tanong sa kan'ya. Tumango siya sa akin. "Nagtitipid kaba?" ulit kong tanong. He chuckled. "You just left me behind," he bluntly said. "Sabi mo hindi ka kumakain sa food court," "Hindi mo kasi ako niyaya," sagot niya. "Eh, 'di ba nga sabi mo hindi ka doon kumakain. Paano kita yayain doon," sabi ko. Nagkamot siya ng kilay. "It's okay, I done my lunch already." Itinuro pa niya ang noodles sa ibabaw ng lamesa niya. I sighed. "Not…not a proper food." Pag-aalala ko. Muntik na akong mapatili nang hilain niya ako. Napaupo ako sa kandungan niya. "Ethan!" asik ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Pinaikot niya ang mga kamay sa baywang ko at niyapos ako nang mahigpit. "Hmm.." he started to smelled my shoulder. Nanindig ang balahibo ko. "Ethan, nasa opisina tayo." Paalala ko sa kaniya. "You don't even sleep with me while we're at home." He whispered. Binalingan ko siya. Para akong nalalapnos sa malalagkit niyang tingin. "Hindi naman ako natutulog sa ibang kuwarto ah," sagot ko. He murmured a cursed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD